ARTHUR'S POV
hello ! ako po pala si arthur maxwell Cadriel. I'm 27 years old. simpleng gwapo, hindi mayaman, mapagmahal sa magulang, single, may pag ka tanga, mahina sa english pero ok lang nabubuhay naman kami ng matiwasay, walang ina apakang tao.
"Arthuro ! hali ka nga dito ! at ibili mo ko ng suka kay tiya percie!"
hayy heto na naman si nanay utos ng utos hindi pa nga ako tapos sa kaka walis dito sa sahig ei
"sandali lang po!" tinapos ko na yung pagwawalis ko at kinuha ko na yung pambili ko ng suka kay nanay
medyo maingay dito sa lugar namin kasi alam niyo na.. ang aga aga may nag iinoman, may nag aaway, at may mga batang nag lalaro .. pero kahit ganito masaya naman kahit magulo
palabas na ko ng eskenita nung may mapansin akung babae parang wala sa sarili lakad lang siya ng lakad hindi ko nalang siya pinansin
"aling percie pabili po ng suka"
" ilan bibilhin mo art?"
"isang dosena ale percie ! magkano?"
tinotoo niya talaga sinabi ko.. hay naku haha
"eh hehe.. isa lang po aling percie ang bibilhin ko"
"hay naku ! mga kabataan nga naman oh-
napatigil si aling percie parang may tinitignan siya kaya napatingin din ako sa direksiyon kung san siya naka tingin
bbeeeepp! bbbeeeepppp! bbeeeeppp!
agad kung tinungo ang direksiyon ng babae nung makalapit na ko sa kanya hinawakan ko yung beywang niya kaya sabay kaming lumanding sa semento kasabay nun natapon ang suka ! PATAY AKO KAY NANAY! napansin kung hindi na gumagalaw yung babae
"miss? miss?! ok ka lang?
dahan dahan kung inangat yung ulo niya,tinapik tapik ko rin yung pisngi niya pero ayaw talagang magising. maraming tao na ang naka paligid samin.bubuhatin ko na sana siya nung may likidong dumadaloy sa kamay ko.
"ayy puttah! tumawag kayo ng ambulansiya! " hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. nagkalat na yung dugo niya sa damit ko at damit niya kapag nagpatuloy pa yng pagdudugo nito baka ikamamatay pa niya
halos ilang minuto na kami dito pero wala paring dumadating na ambulansiya binuhat ko nalang siya at itinakbo. bhala na baka ano pang mangyari sa kanya.
medyo malayo layo pa ang hospital dito pero sa awa ng diyos may matandang babaeng tumulong samin.agad kung kinarga si miss backseat at pinaharurot na ni manong driver yung kotse.
"iho anong nangyare sa girlfriend mo? usisa ni lola. napakamot nalang ako sa batok ko.girlprend? tsss sa poging kong to? pero pwede na.. haha
"hindi ko po alam ei, nakita ko lang po siyang wala sa sariling tumatawid ng daan ah basta po. mahabang paliwanagan " di ko alam kung san ako mag uumpisang mag kwento
nakarating kami sa hospital at agad na inilagay yung babae sa hospital bed.
BINABASA MO ANG
YOU are MY everything
RomanceLETTING GO is part of Moving on to something better. You will not get what you truly DESERVE if you're attached to the things you're supposed to let go of sometimes you LOVE,and you STRUGGLE and YOU learn and YOU MOVE ON. and that's OK. You must be...