Prologue

16 1 0
                                    

Jonas' POV

Tama ba ang narinig ko? Ano?

"Oo anak. Inampon lang kita. Ang totoo nan ay anak ka ni Marinel. Anak ka ni Tita Marinel mo. Iniwan ka niya sakin nung kapapanganak pa lamang sa'yo dahil wala silang pambuhay sayo ni Lyndon. Nabaon sila sa utang 'nun kaya iniwan ka nila sa'kin."

Totoo ba 'tong naririnig ko. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko eh.

Hinarap ko si Mama.

"Ma, kahit totoo man ang sinabi niyo. Hindi ako sasama sa kanila. Sa inyo lang ako. Mahal ko kayo 'Nat, aya-" Hindi na natapos ang sasabihin ko.

"Hindi anak. Patawarin mo ko. Pumayag na ko na sa kanila ka tumira. Para rin 'yan sa ikabubuti mo." Ang sabi ni Mama.

May biglang pumasok sa bahay. Sina Tita Marinel at Tito Lyndon.

"Jonas? Anak? " Ang sabi ni Tita Marinel.
"Anak pasensya ka na. Patawarin mo kami sa nagawa namin sa'yo. "Ang sabi naman ni Tito Lyndon.

Naiyak ako. Aminin ko man at sa hindi alam kong nangungulila ako sa kanila at sila sa akin. Pero mayroong parte ng puso ko na may galit. Galit. Bakit nila ko iniwan. Pero wala komg magagawa sila ang mga magulang ko.

" Ma, kung 'yun ang gusto niyo. Sige. Sasama ako. " ang sabi ko.

"Maraming salamat, anak. " Ang sabi ni Tita Marinel at yumakap sakin. Gayundin ang ginawa ni Tito Lyndon.

" Halika na. Kailangan na nating umuwi. Ipapakilala kita sa kapatid mo. Kay Darren at Lynelle. " Sabi ni Tito Lyndon.

Hindi ako sanay ng may kapatid. At teka, si Darren pa ang kapatid ko at si Lynelle. Hanggang ngayon di pa 'rin nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyayari. Masyadong mabilis ang pangyayari.

Pagdating sa kanilang bahay. Binati kami ng mga kasambahay nila. Nakita ko ang dalawang bata na nanunuod sa sala.

" Darren, Lynelle may sasabihin kami sa inyo. " Ang sabi ni Tita Marinel.

" What is it Mommy? " Ang sabi ni Lynelle.

" Sino siya Mommy? " Sabi ni Darren at tinuro pa ako.

" Siya ang Kuya Jonas niyo. Kapatid niyo siya. " Sabi ni Tito Lyndon at bigla na lang akong nakaramdam ng yakap sa binti. Si Lynelle. Nakayakap sa'kin.

" Hi Kuya Jonas. I'm Lynelle, you're sister. " Sabi niya. Woah. Sa bagay bata pa siya, kaya okay lang sa kanya ang mga nangyayari.

" Lynelle halika dito. " sabi ni Darren. At sabay hila sa kapatid niya. At pagtingin ko sa kay Darren ay nakakunot ang noo nito.

Bakit parang may nase-sense akong hindi maganda sa mga nangyayari?

~~~~

Hi Guys. It's me. So hi ulit.
2nd time ko na maggawa ng Darren Fanfic at ayun 😀 Yung isa di ko na napagpatuloy.

Sana suportahan niyo 'to. :)

Btw, 2016 na yung time and setting nito. :)

*Little Darren in the media*

My Brother Is The Total Performer? Where stories live. Discover now