Chapter 3

1.5K 40 0
                                    

Denver's POV

Nagulat ako nang makita syang lumuha.

Nasaktan ko ba sya nang todo? At ano sabi nya? Wala namang magcoconfess sa kanya? Anong ibig nyang sabihin?

"Hoy!"
Napatingin ako kay Yyvrine. Isa to sa mga taong nagbigay ng maling impormasyon sakin eh.

"Hoy ka rin."

"Magsorry ka!"

"May ginawa ba'ko sayo?"

"Sinabi ko bang sakin? Tanga neto. Sino ba napaiyak mo?"

"Hindi ko sya pinaiyak."

"Sinigawan mo sya!"

"Then?"

"Napahiya sya!"

"Oh please stop this bullshit." Lalagpasan ko na sana sya nang humirit pa.

"Wag ka ngang bastos!"

"Bakit? Minamanyak ba kita?"

"Letse ka! Magsorry ka kay Cassandra!"

"Can you please shut up? Kayo tong nagbigay ng maling information sakin kaya dapat nga kayo tong nagsosorry sakin."

"Wow ha! Oh sige para makabawi man lang. Okay fine! Ise-set up namin kayo ng romantic date ni Cassandra. Yung Cass na kilala mo."

"Really?"

"Oo. Itetext ko sayo yung venue.Pero eto lang Denver. Wag mo kaming sisisihin pag may mga pangyayaring di mo magustuhan. So,deal?"

"Deal."

Sandra's POV

Ako na nga tong napahiya. Isa pa ako sa nagseset up ng romantic date nila Cass,kasama tong iba pang common friends nila Denver at Yvrine.

Iaayos ko na sana yung babasaging petsel sa table nang may mabangga ako. Nabasa sya ng tubig.

"What the fuck! You fucking bitch! Ang lamig lamig na nga binasa mo pako! Boba! Tatanga-tanga!"

"S-sorry Cass. Hindi ko sinasadya."

Agad naman naglapitan samin yung iba pa naming mga kasama.

"Oh anong nangyare?"

"Nananabutahe yang si Sandra. Kesyo ako naman talaga yung gusto ni Denver. Ayan! Binuhos sakin yung laman ng hawak nyang petsel!"

"Hindi ko sinasadya."

"Liar."

"Tama na yan. May damit pako dito Cass,palit ka nalang."

"No thanks papatuyo nalang ako. I am avoiding to borrow any things from others eh. You know? Germs? Body odor? Like that. Anyway, I'm fine." Agad na syang tumalikod.

"Body odor mo mukha mo. Baho ng hininga mo tanga."
Panggigigil ni Yvrine. Natawa nalang ako.

"Actually,mas gusto pa kita Sandra para sa kaibigan ko."
Sabat naman ni Grey.

"Sus. Bola." Singit naman ni Yvrine. Teka. Ako dapat magsasabi nun diba?

"Problema mo ba Yvrine?"

"Yang mukha mo Grey! Nakakaasiwa!"

"Bakit ba ang init lagi ng ulo mo sakin?"

"Ang pangit mo kase!"

"Wow! Ang ganda mo ah."

"Thank you."

"Mukha mo tanga!"

"Gago ka Grey."

"Wag ka nga,inlove ka lang sakin eh."

"E-excuse me?"

Hahaha. Bahala kayo dyan.

Pumunta nako dun sa rooftop para ihanda yung table.

Pagkabungad palang sakin. Nainlove na agad ako sa set up.

Matagal ko nang pangarap maidate sa ganito karomantic na ayos eh.

Kaso,ewan! Nakita kong papunta na dito sa taas sina Denver at Cass. Kaya naman nagsimula nakong magtago sa likod nung design na kurtinang pula.

Nagsunuran sakin yung iba.

"So,you've read it?"

"Oh yes. Nakakakilig sya actually. Epic nga lang nawrong send ka pa sa hindi kagandahan hahaha!"

Bwiset!

WRONG SENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon