Kinakabahan ako, feeling ko mangyayari nanaman ang nangyari sa akin kapag nandito ako. Natatakot na ako.
"Finally, Philippines!", tuwang-tuwa na sambit ng aking kuya.
Hinigpitan ko ang hawak sa handle ng aking maleta. I am not happy that I am back here! Binigyan ako ng matinding trauma ng Pilipinas.
"Uh kuya? Pakihawakan naman ako? Nabitawan mo ko?", rinig ko ang pagtawag ng aking kuya sa aking sinabi. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay. "Nalimutan kong inaalalayan nga pala kita."
"Joseph! Sabi ko naman sa'yong 'wag mong bibitawan ang kapatid mo. Kapag iyan ay nawala, naku!", untag ng aking ina. Hinawakan niya ang aking pisngi. "Konting tiis na lang, anak."
Naluluha ako kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon at ang naidulot nito sa akin.
"Six naman, eto na nga ang gamot diba?", pagpapagaan ng loob ng mommy ko. Pinunasan ko ang luha ko.
Dalawang taon hindi pa rin ako sanay na puro itim ang aking nakikita. Araw-araw, itim. Gabi-gabi, itim.
Isa akong bulag. Nabulag mula sa isang gabi na hindi maganda ang nangyari. Isang gabi kung saan nagbago ang lahat.
"Eh siya?", aking tanong ko sa aking ina. "Gising na ba siya?"
"Hindi pa rin.., malungkot na sagot nito.
Hinagod ng aking kapatid ang aking likod upang hindi malungkot. Ang lalaking nagligtas sa akin.. Wala na bang pag-asa?
---
Story about a blind girl and a guy :) Namiss ko magsulat ng romance <3
BINABASA MO ANG
The Art of Pag-Ibig
RomanceDo we all need reason to be inlove? Or is it just a demand? We're two different world, but with love? I've learned to care for him. To love him.