1 // Cursed

515 13 6
                                    

Six Chennai's POV

Dalawang taon ako natakot. Dalawang taon ako wala sa Pilipinas. Dalawang taon ako nagdusa. Dalawang taon naghintay.

Nag-istay kami sa New York ng pamilya ko dahil sa takot ko sa nangyari dati. Bumalik lamang kami sa Pilipinas dahil nahanap na namin ang magdodonate para sa aking mga mata. Ang magbabalik liwanag muli sa akin paningin. 

The thing is.. dalawa kaming nagdudusa. Ang lalaking nagligtas sa akin sa bingit ng kamatayan, ang lalaking nagsakripisyo matulog ng dalawang taon para sa akin. Ang lalaking nacomatose dahil sa kapabayaan ko. 

Sinisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit umiiyak ang magulang niya. 

"Mom?" I blurted out of nowhere. Hindi ko alam kung saang sulok ng aking kwarto ang mommy ko. 

"Yes, anak?"

"Can we visit him?" 

"We can. But later, you need to eat lunch first." I just gave her a nod.

Inakay ako ng kuya Joseph ko papunta sa dining room. "Magandang tanghali, Six.", masiglang bati sa akin ng daddy ko. "Magandang tanghali din, dad.", ngumiti ako. 

Gustong gusto ko na makita kung paano ako ngumiti ngayon. Gumanda ba ako? Pumuti ba ako? Bagay ba sa akin ang mahaba kong buhok? Hindi ko maiwasan maitanong sa aking sarili. 

Ang hirap mabuhay sa dilim.

Matapos ko kumain, binihisan agad ako ni mommy ng maayos para makapunta na kami sa hospital kung saan nandoon siya

Nang makarating kami ay akay-akay ako ng kuya ko. "Baka naman mahal mo na 'yang lalaking 'yan, Six?" asar sa akin ni Kuya habang papunta sa kwarto niya. 

Napalo ko ang kaniyang braso. "Kuya, kung ano-ano ang naiisip mo. Gusto ko lang siya kamustahin. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi lang ako bulag. Patay na ako." 

Binatukan ako ng mahina ng aking kuya. "H'wag ka ngang magsalita ng gan'yan! Hindi ako natutuwa na sinasabi mo 'yan. Oo na magpasalamat ka na, buhay ka pa at may pag-asa pa 'yang mata mo."

"Sobra-sobra ang naitulong niya kuya, buwis-buhay talaga. Hindi ko mawari kung bakit niya ginawa 'yon."

Tumigil kami ni kuya sa paglalakad. "Dito na tayo, ready ka na ba?", binigyan ko ng isang tango si kuya. 

Binuksan niya ang pinto at hinila ako papunta sa loob. Niyakap ko agad ang sarili ko dahil sa lamig. "Mr. Lacsona and Ms. Lacsona, magandang hapon po." tinig ng isang babae. 

"Masyado naman yatang pormal ang pagtawag n'yo sa amin, Mrs. Archeleta. Ay ako rin pala." Tumawa kami. "This is the first meeting since the accident so this is my sister, Six Chennai and I am Joseph." 

"Kaya po ang nanay niya? Nasa'n po siya?", bigla akong sumingit matapos ako ipakilala ni kuya. "Pwede ko po siya lapitan?" 

I heard her laugh. "Ako nga ang nanay niya. At oo, pwede naman. Tulungan kita.", binitiwan agad ni kuya ang kamay ko. "Kuya!" napasigaw ako.

"Kalma lang, dito lang ako. Hindi kita iiwan." 

Natakot ako. Natakot ako na kapag iniwan ulit ako, mangyari ulit ang nakaraan. Sobrang na-trauma ako. Dumating na sa buhay ko na may kakatakutan pala ako. Akala ko noon, sobrang kaya ko na ang lahat ng bagay. 

Hinawakan agad ni Mrs. Archeleta ang aking kamay. Dahan-dahan akong inakay papalapit sa kaniya. 

"Can I hold his hand?" I asked once more. 

"Just be gentle."  she answered.

Slowly, she laid my hand to his hand. I carefully hold it. "Read.. you can recover this coma just like how I'll recover my sight. Let's recover together." I said to him and cried. My kuya hugged my behind and patted my shoulder.

How ironic, His name is Read.. I can't read anymore.

Saglit lang kami sa hospital at umalis din agad kami ni kuya. Si mommy ay naghihintay sa amin sa kotse. 

Tahimik lang ako sa buong byahe. Nakikinig mula sa cellphone ni kuya. Iniisip ang unang gagawin kapag ako'y nakakita. 

Tumigil ang sasakyan namin. Tinanggal ko ang earphones upang pakinggan ang nangyayari. After a few minutes, may nagbukas ng pintuan ng kotse. Hindi ko alam kung sino iyon. 

"Kuya? Mommy? Nas'an kayo?" 

Naririnig ko ang isang sasakyan na nagmumula sa labas. Nagsisigawan sila kuya. "Mommy? Anong ginagawa ni kuya?" Kinakabahan ako sa nangyayari. "Wag kang aalis d'yan, Six!", pasigaw na untag sa akin ni mommy at narinig ko ng pagsarado ng pinto.

Hinawakan ko ang upuan na nasa harapan ko, kinapa ang pintuan ng kotse. "Mommy! Kuya! Nasa'n kayo?" 

Naiiyak na ako sa loob ng kotse. Walang tao, nasa labas silang lahat. I can hear mommy's voice calling my kuya's name and then I heard a gunshot

What the hell? 

Pilit kong makawala sa kotse ngunit ito ay sarado. Rinig na rinig ko ang pagsigaw ni mommy sa pangalan ni kuya ng paulit-ulit habang umiiyak. "Kuya! Kuya!" 

Gusto kong makita ang nangyayari sa labas ngunit wala akong maggawa. Isa akong bulag!

Am I cursed?

The Art of Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon