Gabrielle's POV"Lola wag mo ko iwan!"
*Phone Alarm Rings*
Bigla akong nagising kasabay na din ng sigaw sakin ni mama nagising akong pawis na pawis di ko na masyado maalala ang panaginip ko basta ang alam ko ang sama neto..
"Gabrielle Ellis Vergara! Gising na malalate ka nanaman palagi ka nalang nag hahabol ng oras pag ikaw naman hinabol ng oras tignan mo makikita mo hinahanap mo!" sigaw sakin ni mama agad naman akong bumangon bago pa bumuka ng bumuka bunganga ni mama sakit sa tenga eh.
Pag tapos ko maligo dali dali akong nagbihis at inayos ang mga gamit ko at tinignan ang oras sa cellphone ko, 7:13 AM na pala tumakbo ako agad pababa sa sala at nagpaalam na kay mama di na ako nag almusal dahil malelate na ako 7:20 ang pasok namin.
dali dali kong hinanap yung classroom namin late na ako 7:23 na kainis first day of school late na late ako jusme. nahanap ko na yung classroom namin ugh sawakas, rinig ko na boses ng Teacher namin!
"Katulad nga ng sabi ko ayok--" Biglang naputol yung sinasabi ng Teacher namin pag pasok ko.
"Ayoko ng L A T E LATE sakto, Ms.Vergara? You're late anong oras na?
"Uhmm Sir 7:26?" rinig ko na medyo natatawa na ang mga classmates ko sakin.
"Yes and hanggang anong oras lang homeroom natin?"
"Sir 7:20"
"Ms.Vergara wag ka muna uuwi mamaya kakausapin kita" medyo masungit ang expression ni Sir nung sinabi nya yun lagot ako.
Nagpakilala na kami isa isa at dun ako pinaupo ni Sir sa unahan para makita nya agad ako pag late.
"Hello ako nga pala si Jade Portalejo,Class President" nagulat ako biglang may kumausap sakin na babae sya pala yung ka seatmate ko binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti nakipag shake hands din sya tanda na ako ay Welcome.
"Hello po ako po si Gabrielle.. Gabrielle Vergara" Inabot ko ang kamay ko sakanya at nakipag shake hands din.
"Rinig ko nga nung nagpakilala ka sa unahan pwede bang tawagin nalang kitang Gab? parang mas cute kase"
Tumango nalang ako at smile.
"Sya nga pala si Jake Morales ang ating Vice President. Si Veronica Carlet ang ating Secretary. Si Simone Maxwell ang ating Treasurer and last Si James Vasquez at Megan Reyes ang ating Peace Officers"
"Hmm okay po matagal na po ba kayo dito nag aaral?"
"Well simula grade 1 dito na ako nagaaral pati sila Harper nga pala si Harper yung lalaking tahimik at nakatingin sa bintana dun sa dulo" Napatingin ako sa bandang likuran at tinignan ko si Harper para syang misteryosong lalaki ang tahimik nya walang expression yung muka nya.
Maputi..
Medyo singkit
Matangkad naman sya..
Matangos ang ilong.
Palagi din ata syang naka earphones
At Mukang Misteryoso..Parang sya yung taong full of secrets nakikita ko sa mga mata nya..
Nabanggit sakin ni Jade na kami ang pinaka matalinong section dito sa Grade 8
at parang kami na din daw ang special na section dahil halos lahat ng nandito ay may talento at mga maganda at gwapo.Naglibot libot ako sa buong WoodCrest Arts University ang laki pala naglakad lakad pa ako at sumilip sa Classroom ng NKP ang ku-cute nila nanggigigil ako pagtapos ay nadaan ko ang isang madilim na hallway parang nakita ko na dumiretsyo doon si Harper agad akong tumakbo sa Canteen dahil biglang nanayo ang balahibo ko.
Pag dating ko sa canteen ang daming tao yung iba pumipila yung iba naman nagdadal dalan nag hanap ako ng mauupuan kaso parang halos lahat ata puno lumipat ako sa canteen 2.
Biglang may kumalabit sakin pag lingon ko si Jade lang pala.
"Uy Gab gusto mong tumabi sakin andun yung upuan ko oh lika""A-ahhh sige" nauutal ko na sabi dali dali naman akong sumunod sakanya at umupo
Habang naguusap kami ni Jade bigla nagkagulo yung iba agad ko namang pinuntahan
"S-sorry po... S-sorry p-po talaga.." nakayuko yung babae at naiyak
nilapitan ko yung babae at tinulungan itong itayo."Sino kaba?! Mukang bago ka lang dito ah?! di mo ba ako kilala ha?!"
"Wala akong pake kung sino ka pero di pwede yang ginagawa mo bullying ang tawag jan alam mo ba yun?"
"Aba sumasagot ka ah!"
"Bitawan mo ako!" Tinanggal nya ang kamay nya na hawak ni Jade.
"Gab halika kana." agad nya hinila papaalis.
"Di pa ako tapos magbabayad kayo!" sigaw nung babae saamin na akala mo kung sino.
Hallway
"Sino ba yun ha? bat sya nang bubully?"
"Hindi mo dapat ginawa yun... Sya si Abigail Harrison malakas ang kapit nya dito sa school close din sya sa Principal kaya delikado kapag nakaaway mo sya baka mapahamak ka lang"
"Pero hindi dapat nya ginagawa yun hindi porket may kapit sya gaganunin nya na ang mga estudyante sa WoodCrest"
"Shhh.. Makinig ka nalang sa sinasabi ko ayaw lang kitang mapahamak"
Mukang mapapaaway si Gabrielle ah tigas kase ng ulo eh.
~~~~~~~~~~~~~
A/NHi sana nag enjoy kayo subaybayan nyo kung gaano katigas ang ulo ni Gab hahaha :*