4: Preparation
Fernandez Point of view
“Don’t just say goodbye!
Don’t just say goodbye!
I’ll pick up these broken pieces till I’m bleeding…
If that will make it ri----- grrrrrrrr!”
Enebeyen!!! Tama ba namang magkamali pa sa isang note. Waaaaaaaaaaaaaa mamaya na kaya to. Kanina pa ko nagpapiano dito sa may music room para mamayang gabi.
Saturday na kasi guys, and dahil sa sobrang busy din sa sarili kong business eh hindi ko na magawang magrehearse man lang kung hindi ngayon lang.
“hindi pwede to, for sure madaming tao mamaya, and nakakahiya naman sa tatlo kung palpak grrrrr relax Johan… breath in…. breath out…”
Super motivate naman ako sa sarili ko… bigla naman kasi akong kinabahan. I know kumakanta na ko sa bar Australia days ko pa, pero bakit ako kinakabahan? Dahil sa alam kong may mga taga magazines or news mamaya? Maybe isa na yun, pero I feel… something…something unexpected will going to happen. I don’t know pero sana maging ayus naman lahat.
“Hija may tawag ka, secretary mo.”
Biglang pasok naman ni nanay Gie sa music room sabay abot ng wireless telephone sa akin. Anyway, si nanay Gie po is my second mom, for me hindi siya katulong actually lahat ng nasa bahay for me family ko na din. Simula nung umuwi ako siya na ang naging nanay ko dito. Sa kanya ako pinagkatiwala ng mama ko and swerte ko lang sobrang mahal din niya ko.
“Salamat po nay.”Kinuha ko na ang inaabot niyang telephone sa akin and nagsmile naman siya at iniwan na ulit ako ngayon sa may music room.
“Hello, Tina it’s me.”
Yun lang talaga ang nasabi ko, maliban kasi sa alam kong wala akong schedule ngayon sa office alam ko din na next week pa ang mga meetings ko dahil na din sa plano nina Molly ngayong araw na to.
Tina Reyes is my secretary, basta pagdating ko siya na secretary ko. Dahil sa designing business ko. M’BAD that’s the name of the so called company or monkey business na meron ako. And as I said DESIGNING firm po siya, both Interior and Fashion. Actually, Interior lang siya before hindi pa ko nakakabalik monkey business ko na to, with the help of my colleagues na mahilig din sa interior designing pinlano namin na ipursue ito and heto na nga successful at dahil na naman sa kanila ahaha.
Ako ang nagdesign sa interior ng lahat ng Boiling Point branches, and mga colleagues ko na ang nagenhanced nun. Kaya naman sobrang saya ko ng mabasa ko sa mga magazines na isa sa mga top interior designing company ang M’BAD. And recently pagdating ko, I decided or should I say, my sister asked me to have a fashion line. Sa una ayaw ko, pano ba naman kasi sarili ko nga di ko maayusan ng fashionable na masasabi unlike her, siya lang talaga ang fashionista and I design for her. Pero dahil sa mapilit I gave it a try, and heto na nga meron na. buti na lang mababait ang mga kasama ko sa interior at binigyan ako ng secretary and they also hired people for me sa fashion team ng M’BAD.
M’BAD stands for Molly,Biance,Alexadrine and Denise. Name naming apat hindi ako ang namili niyan mga kasama ko ahaha. Anyway, back to Tina baka ngawit na to dami ko pang sinasabi.
“Si Mr. Tiu po galing dito sa office, hinahanap po kayo, sabi po niya kayo na daw po magtanong sa kanya kung bakit,importante daw po.”