3: Memories
De La Fuente Point of View
Saturday.
“Good morning po sir!”
Nagsmile lang ako as always, pansin ko ngang medyo nagblush pa ang babae, sabagay si Mark Isen De La Fuente yata ako and kilala pa rin as playboy. Kahit naman years na dumaan and we decided to leave the limelight, madami pa rin naman nakakakilala sa amin. Madami pa rin namang mga offers na kung ano-ano sa amin, pero lahat nang yun tinatanggihan namin. Ang alam ng lahat na disband ang Kyela Marjorene, pero ang totoo we decided to have some privacies na medyo mahirap pa rin iearn hanggang ngayon.
Inuulan pa rin ng mga iba’t-ibang issues ang grupo simula nung Hindi Na tapos Na concert. And dahil sa biglang pagkawala ng grupo. Si Heart, Terrence, Violet ayun! Kinasal at ikakasal na, ako?! Zero!!! Isang tumataginting na zero. Tsk! This is not Maisen! Hindi nawawalan ng girlfriend si Maisen! Pero ano ako ngayon? Bokya! Nagkakatotoo na yata ang sinabi ni Heart sa akin, tatanda akong mag-isa kung hindi ko aayusin ang buhay ko.
Wala na siya….
“Midori! Why do you have to leave me like this? Bakit?”
Yan na lang lagi ang sinasabi ko sa sarili ko simula ng mawala na si Midori. She’s the only girl who made me feel this way, and mas lalo ko pa siyang minamahal kahit ngayong wala na siya. Babaero? Simula ng makilala ko si Midori kahit na ngayong wala na siya, ni minsan hindi ko naisip na magdate pa ng iba. Feeling ko nagtataksil ako sa kanya. Tsk asar! Not so Maisen!
“Midori please tell HIM wag na kong parusahan. I know I’ve made so many girls cry but I’ve change since I met you… since I started loving you.”
“Haaaay….”
“Miss her?”
Napalingon naman ako ngayon sa familiar na boses na narinig ko. Sa may office kami ngayon ng institute na pinamamahalaan ng buong club speed. Pumasok ako sa may office para mapag-isa, nagiging emo na rin yata ako. Inikot ko ang swivel chair na kinauupuan ko para harapin si Terrence na nakaupo ngayon may opposite side ng table.
Before I answer on what he just said, huminga muna ako ng malalim.
“Sobra.”
Yun Lang naman ang sinagot ko, pero nakita kong nangisi ang loko at napaiwas pa ng tingin sabay iling sa akin.
“You really love her, she’s lucky. She thought you how to love, Siya lang ang nakagawa sayo ng ganyan.”Seryosong sabi ni Terrence.
“She’s so unfair Terrence, why did she leave me like this… minsan iniisip ko na sana naging ex ko na lang siya gaya ng iba para makalimutan ko na lang siya like I always do. But I can’t, I really can’t.” Napa closed fist na lang ako habang sinasabi ko yun hanggang ngayon naiinis ako bakit niya ko iniwan. Hindi ba niya alam na siya lang ang sineryoso ko ng ganito.
“Everything happens for a reason, lalo na sa love. First… masasaktan tayo… mahirap talagang tanggapin. Pero di magtatagal matatanggap mo din lahat ng nangyayari ngayon sayo.”
Napahilamos na lang ako sa mukha at hinawakan ang noo ko. Tama si Terrence, pero bakit parang sobrang hirap naman yata.
Tumayo si Terrence sa kinauupuan niya tsaka niya tinapic tapic ang balikat ko.
“If you can’t help yourself, hayaan mong tulungan ka ng iba.” Saka na siya lumabas sa office pagkasabi niya nun.
“If you can’t help yourself, hayaan mong tulungan ka ng iba.”