35

41 3 1
                                    


B R E N T .

Tapos na ang klase namin, siguradong tapos na din sila Miki. Naglakad na ako papunta sa music room. Habang tahimik akong naglalakad, may bumunggo sa akin dahilan para matumba ako.

Masyadong malakas yung pag-bunggo nya sakin. Halatang sinadya. Tumayo agad ako at kwinelyuhan yung lalaking bumangga sakin.

Sabi ko na nga ba e.

"Woah, bro easy." sabi ng hinayupak na 'to.

Mag-kaibigan kami dati. Bestfriends actually. Pero nasira ang pagkakaibigan naming 'yon dahil sa kanya. Nagkaroon ako ng girlfriend dati. Ang hindi ko lang maintindihan noong mga panahong 'yon, bakit mas madalas pa silang magkasama?

Doon ko nalaman na may gusto din sya sa girlfriend ko. Tangina lang. Kaya pala mas sweet pa ang mga hayop kesa sa mag-on. Sinabi din sakin ng girlfriend ko noon na may gusto din sya kay Max. Mga walang hiya sila. Pero wala na akong pake don dahil matagal ko ng kinalimutan yung babae.

Sobrang sakit. Hindi ko inaasahang aahasin ang girlfriend ko, tapos bestfriend ko pa ang gumawa. Ahas ka bes. Isa kang uri ng cobra, gago.

"Ba't ka pa bumalik dito? Diba nagpunta ka na ng ibang bansa? Dapat hindi ka na bumalik, tol." sabi ko at marahas na binitawan ang kwelyo ng polo nya.

"Nandito ako para kay Miki. Liligawan ko sya. Sa ayaw o sa gusto nya at ng mga taong nasa paligid nya." napangisi na lang ako. Ang kapal din talaga ng apog ng hayop na 'to e.

"Sa tingin mo sasagutin ka nya? Tch, tignan lang natin." sabi ko at saka sya nilagpasan. Ginawa ko din yung ginawa nya sakin, binangga ko din sya ng malakas.

Tumakbo na ako papunta sa music room. Naabutan ko si Miki na tumutugtog ng piano.

"Argh! Ang hirap naman nito! Kailangan ko ng tulong ni Brent." rinig kong sabi nya habang naglalakad ako papunta sa gawi nya.

"Nandito na ako." sabi ko nang maka-rating ako sa likod nya. Napa-lingon sya bigla.

"Ginulat mo 'ko!" sigaw nya kaya natawa ako. Ang cute nya magulat.

"Sorry na. Bakit ang aga mo? Dapat ako ang maunang pumunta dito kase ako nag-yaya." sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya.

Ngayon ko lang ulit naramdaman yung ganitong feeling. Yung parang may karera ng mga kabayo sa puso ko. I can't take my eyes off her.

"Pst, okay ka lang?" natauhan ako dahil sa sinabi nya. Ugh, ilang minuto na ba akong nakatingin sa kanya?

Hi Brent Senfai! ↠ z.clTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon