50

33 4 0
                                    


2 years later...

M I K I .

Naglalakad-lakad lang ako ngayon sa kalsada ng Seoul. Bored kasi ako sa bahay. Hindi ko mayaya ng gala yung mga kaibigan ko dahil busy sila sa kani-kanilang buhay.

Habang naglalakad ako nakakita ako ng isang merchandise shop. Puro k-pop merchandise ang tinda dito. Walang fangirl na hindi gugustuhing hindi tumira dito.

But there's one thing that really caught my attention. Yung poster ni Chenle ng NCT Dream. Napangiti na lang ako pero agad din 'yong napawi.

It's been two years. Two years simula nung umalis kami sa Pilipinas. Two years ko ng hindi nakikita si Brent. Miss na miss ko na sya. Graduated na ako ng highschool. Siguradong ganon din si Brent sa Pilipinas.

Walang araw na hindi sya nawala sa isip ko. Minuminuto ko syang iniisip. Sana okay lang sya sa Pinas. Sana totoo yung sinabi nya na hindi nya ako ipagpapalit. Sana ako pa din.

Kinuha ko yung poster na 'yon at pumili pa ng ibang merchandise. Pagkatapos ay binayaran ko na 'yon.

Naisipan ko na pumunta sa cafeteria na malapit dito para mag-relax. Um-order lang ako ng frappé at waffle. Tahimik lang akong kumakain ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Miks."

B R E N T .

2 days pa lang ang nakalipas nang pumunta ako dito sa Seoul para hanapin si Miki. I want to see her. I want to hug her. I miss her so bad.

Binenta ko ang mga gadgets ko na hindi ko na nagagamit para pandagdag sa pamasahe ko papunta dito. Dinagdagan din 'yon nila mom at dad. Matapos nila akong payagang pumunta dito mabilis na nagpa-book si dad ng flight papuntang South Korea.

Mas naging close kami ng parents ko. Mas naging open na ako sa kanila. Nasasabi ko na sa kanila ang mg problema ko. They're so supportive.

Wala akong ginagawa sa apartment na nirerentahan ko kaya nagpasya akong lumabas muna para maglakad-lakad.

Pumasok ako sa isang cafeteria. Um-order lang ako ng kape at umupo don sa may bandang dulo.

Habang humihigop ako sa kape ko. Parang tumibok ng mabilis ang puso ko nang makita ko ang babaeng naka-upo sa harapan ko. Bale naka-talikod sya sakin.

Her hair. The way she moves. Kung paano sya pumorma. Is it her? Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at mabilis na tumayo sa upuan ko. Nanatili lang ako sa likod nya.

At sa wakas, nagkaroon na din ako ng lakas ng loob na magsalita. "Miks." sabi ko kaya napatigil sya sa pagkain nya.

Dahan-dahan syang lumingon. Halatang gulat na gulat sya. Nangingilid na nga ang mga luha nya. Ngumiti ako at mabilis syang niyakap.

"Brent." sabi nya, rinig ko na din ang mga hikbi nya.

"Sabi ko naman sayo diba? Pupuntahan kita dito." sagot ko, kumalas kami sa pagkakayakap. Umupo ako sa harap nya.

"Brent." sabi nya at niyakap ulit ako. Hindi pa din sya nagbabago. Ang cute nya pa din kapag umiiyak. Para syang 2 years old na bata.

"Shh, stop crying." sabi ko habang kumukuha ng tissue at pinunas 'yon sa luha nya.

"I miss you. So so so much." she said, hindi pa din sya tumitigil sa pag-iyak.

"Nado. Sobra din kitang na-miss." sagot ko at hinalikan ang kamay nya. Napangit naman sya. I love it when she's smiling. Para syang anghel.

"Kamusta ka na?" tanong ko, buti na lang tumigil na sya sa pag-iyak.

"Nung wala ka dito, hindi. Pero ngayon na nandito ka na, okay na okay na ako." kinindatan nya ako kaya napa-ngiti ako.

Hinila ko sya palabas ng cafeteria.

"Tara."

"Saan?"

"Kahit saan. Basta kasama kita. Let's spend our day together. Deal?"

"Deal!" sumakay kami ng bus papunta sa amusement park. Halos sinakyan namin lahat ng rides. Except sa drop tower. Pareho kaming takot sumakay don.

"Let's conquer our fears together." lakas loob kong sabi kaya napahinto sya.

"A-ano?"

"Alam mo, kaya nating sumakay dyan sa drop tower. Pinangungunahan lang tayo ng takot. Natatakot tayo dahil mataas at natatakot din tayo na baka mahulog tayo. Pero 'wag mo isipin na mahuhulog ka kasi kasama mo ako. Kung mahuhulog ka man, hawakan mo ang kamay ko para sabay tayong mahulog." sabi ko kaya natawa sya.

"Dami mong sinabi. Tara na nga bumili na tayo ng ticket, hahaha!"

Pagkatapos namin bumili ng ticket, sumakay na kami don sa ride. Hinawakan ko ang kamay nya. Nagsimula ng tumaas ng mabagal yung ride. Maya-maya mabilis itong bumagsak kaya napasigaw kami.

Natapos ang ride na 'yon na naka-ngiti kami parehas. Nakakatakot sa una pero kapag tumagal na masasanay ka na at mae-enjoy mo na lang. Lalo pa't kasama ko ang babaeng mahal ko.

Umalis na kami don sa amusement park at nagpunta sa street kung saan madaming korean street food. Si Miki ang kumausap don sa nagtitinda. Ang galing na nyang magsalita ng korean. Sa bagay, dalawang taon na sya dito. Ako dalawang araw pa lang.

"Thank you sa araw na 'to, Brent. Sobra akong nag-enjoy." sabi ni Miki habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng bus.

"Wala 'yon, basta ikaw. Nag-enjoy din ako kasi kasama kita." kinindatan ko sya kaya namula ang pisngi nya.

"Nandito na pala tayo." sabi nya at nag-pout. Nalulungkot ba sya dahil uuwi na sya at hindi na nya ako makakasama? So cute.

"Pwede pa naman tayo mag-kita bukas."

"Sige, sa Namsan Tower."

"Okay, gusto mo ba sunduin kita?"

"Hindi na, hintayin mo na lang ako don. May sasabihin ako sayo." sabi nya kaya parang nag-liwanag ang paligid ko.

Ano kaya yung sasabihin nya? Sasagutin nya na kaya ako?

"Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?"

"Bukas na. Para memorable. Sige na, aalis na ako. Ingat ka pauwi ah?"

"Ingat din. See you bukas! Love you!" sabi ko habang sumasakay sya sa bus. Nag-flying kiss sya kaya sinalo ko 'yon at tinago sa bulsa ko. Nagagawa ko talagang gawin ang mga bagay na hindi ko ginagawa pagdating kay Miki.

Umuwi na din ako. Pagkadating ko sa apartment nahagis ko yung unan dahil sa sobrang kilig. Nagpagulong-gulong pa ako sa couch.

Si Miki lang talaga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I'm so inlove with her. Kahit saang lupalop ng mundo sya dalhin ng magulang nya para ilayo sakin. Gagawa at gagawa ako ng paraan para makita sya.

Hay nako Brent, tinamaan ka talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi Brent Senfai! ↠ z.clTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon