Chapter 1

60 2 0
                                    

Hani's POV

~FLASHBACK~

"Hani,move on kna ksi. Madali lang naman akung kalimutan!" Sabi ni jason

Akala niya lang na madaling kalimutan ang mga nangyari sa 3 years na pagsasama namin?

Sa tatlong taon na pinagsamahan namin gaganyanin niya lang ako?Dahil sa hindi ko lang binigay yung kagustuhan niya, hihiwalayan niya na ako?

"Akala mo lang ksi na ang dali-daling kalimutan ang tungkol sa atin! Matanong nga kita, anu ba habol mo sakin..yung para lang sa pangangangailan mo? O yung pagmamahal ko?" Walang emosyon kung sabi..

"Ano bang klaseng tanong yan? Syempre minahal kita,liligawan pa ba kita kung hindi kita mahal? Magtatagal pa ba tayo nang tatlong taon kung hindi kita mahal?" Sagot niya

~END OF FLASHBACK~

Yan ang mga salitang hindi ko makakalimutan,ang araw na nagkahiwalay kami..mga panahon na naghihirap na ako para lang sa kanya..tapos sasabihin niya minahal niya talaga ako? Baka minahal niya lang yung mga bagay na binibigay ko sa kanya.

"Bess,tulaley ka na naman diyan! Flashback mode on naman ba yan?" Sabi ni shane

She's Shane Madrigal,ang makulit kung bff. Long time bestfriend ko..nagkakilala kami since 7 years old palang kmi..magkakilala rin kasi yung mga parents namin! Baka meant to be talaga kmi..pero wala talagang forever...

Ok! It's my turn now, I'm Hani Smith 18 years old! Nag-aaral sa First Day High Academy sa course na Computer Engineering i'm single kaya lahat ng boys diyan pwedeng manligaw..

Nagtataka kayo kung anu yung sa flashbacks ko? Hindi yun totoo,haka-haka lang yun..wahaha biro lang..pero totoo,may naging ex ako..yung hayup na yun...

"2 liters!"

Napabalik ako sa realidad dahil sa sinasabi ni Shane na 2 liters! Anung pinagsasabi niya?

"Anung 2 liters pinagsasabi mo? Nakakain ka na ba?"  Kunot noong tanong ko...

"Syempre! Sabay pa nga tayong nag lunch eh!may mali ba sa sinabi ko?"kunot noong tanong niya.

"Oo meron! Anung 2 liters pinagsasabi mo?"

"Ahh,yun pala! 2 liters plang ung puno mo" saad niya..

"Napuno sa ano? Diretsuhin mo na ksi" naiinip na sabi ko..

"Sige na nga! 2  liters na yung napupuno  mo tumutulo na yung laway mo eh!ayan kasi nagpapantasya ka na naman,ba't hindi mo pa kasi kinakalimutan yung sa inyo ni Jason! Nakuu!" Sabi niya at napasapol sa noo niya..

Baliw talaga tung bestfriend ko!

Me And My ExWhere stories live. Discover now