Chapter 1: Being Sold

2.3K 28 2
                                    

Chapter 1: Being Sold

Isang silver grey sleeveless dress ang ipinasuot saakin ni Nikki. Kaya lamig na lamig na akong naghihintay sa labas ng Yodaya Club. Ang iksi pa ng fitted dress at sobrang nipis ng tela kaya halos hapitin ang kurba ng katawan ko, na dahilan para mangisay ako sa lamig.

Malapit pa naman ang pasko. Tag-lamig na nga.

Ang usapan namin ni Nicholas o 'Nikki' ay maghintay ako rito dahil kakausapin pa lang niya 'yung manager ng club. Naghahanap daw sila ng babaeng entertainer dahil nag-resign yung isa. Gusto kong pumasok pero ibinilin ni Nikki na bawal sa loob hanggat naroon ang mahaderang anak ng may-ari ng club. Galit daw sa mga magagandang worker.

Sira-ulo naman si Nikki para dito pa ako paghintayin sa labas. Gabi pa naman na. Maraming mga lalake, foreigner man o pinoy, ang napapatingin sa gawi ko. Ngumingiwi nalang ako kapag may mga lalakeng nagpapacute.

May dalawang bouncer ang nasa pintuan ng club. Nakatingin din sila saakin pero hinahayaan ko nalang. Sanay naman na akong pagtinginan. Ako ba naman ang halos iluwa na ang buong katawan.

Pero akma naman ang suot ko sa lugar. Natural na lugar ito ng club. Maraming mga babaeng kagaya ko na kinapos sa tela. Ako lang ang pinaka-disente tignan.

May boobs akong maipagmamalaki kahit hindi sobrang laki, flat ang tiyan ko, maumbok ang pwet ko at makurba ang baywang ko. Mahaba rin ang biyas ko. Papasa nga raw akong beauty queen lalo na sa morena kong kulay. Kung pupwede nga ay kukunin kong raket iyon. Kaso magastos talaga sa kahit saang angulo ko tignan.

Salamat sa lahi ng tatay kong German. Na gago naman at lumayas matapos mabuntis ang nanay kong gaga.

Nagulat ako ng may humintong sasakyan sa harap ko. Wala akong alam sa mga sasakyan pero masasabi kong agaw-atensyon talaga ang brand nito. Bumaba ang window ng nasa driver seat. Naroon ang isang lalake na naka-ngiti saakin.

"Miss?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"

"Hop in." Sagot niya. Nakangiti pa rin. 'Yung ngiting harmless pero misteryoso.

"Bakit ako hohop in sa kotse mo?" Mataray kong sagot.

Mukha siyang mabait pero ang weirdo niya. Tumingin siya saakin at unti-unting kumunot ang noo niya. "You're not a hook girl?"

Uminit ang buong katawan ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko umakyat yung dugo ko sa talampakan hanggang sa tuktok ng ulo ko. Sisinghalan ko na sana siya nang mapagtanto ko 'yung suot kong damit.

Sinong hindi mapagkakamalan akong pick-up girl?

"Gago hindi. Lumayas ka sa harap ko kung ayaw mong tawagin ko 'yung mga bouncer na iyon." Madiin at kalmado kong sagot. Isenyas ko 'yong bouncer sa likuran ko na hindi niya sinundan ng tingin. Naintindihan ko naman iyong pagkakamali niya. At pagkakamali ko.

Isa pa, iyon naman ang papasukan kong trabaho, a? Magiging entertainer ako ng club. In short, pokpok. Stripper.

Wala, e. Hindi ko naman ginustong pumasok dito, shit, sino bang gustong maging bayarang babae? Pero sino pa ba ang pipiliin ang dignidad kaysa pamilya at gutom? Mas mabuting mag-isa akong magsakripisyo kaysa buong pamilya ko ang magutom.

Leche kasi 'yung tatay ko. Hindi macontact simula nang mabuntis si nanay. Kaya nag-asawa ulit si 'nay pero iniwan din para sa ibang babae. Eto kami, lugmok na lugmok sa kahirapan. Tipong ang laki ng kasalanan namin sa past life namin para maranasahan ang kagaguhang ito. Shit lang.

Tumawa yung isa pang nasa loob ng sasakyan at umiling. "Pagpasensyahan mo na, miss, yung kaibigan ko. Nakainom, e. He's becoming horndog when he's drunk."

Sinilip ko 'yung lalakeng tumawa. Nakasilip din siya saakin. Bakit ang gugwapo ng lalake sa loob ng sasakyan?

Nginitan ko siya. May balak pa sana akong sumagot nang dumating si Nikki. Tumitili siyang lumapit saakin.

"Pasok ka na sis dali! Hinahanap ka!" Hinawakan niya ako sa braso at sinubukang hilain. Natigil siya nang mapansin ang sasakyan sa harap ko. Natigilan siya at namula ang pisngi. "Ay may menge keesep ke pele. Hehehe." Inipit niya ang maikling buhok sa gilid ng tainga. Grabeng bakla!

Humarap ako sa bintana ng sasakyan. Tinanguan ko lang sila. Saka ko hinila papasok sa loob si Nikki. Nilalamig na ako sa labas.

Pagpasok namin, halos hindi kami magkarinigan sa lakas ng boombastic ng sound. Ang lalaki ng speaker sa paligid at halos puro usok na rin ang loob. May mga babae nga ang nasa harap at nagsasayaw ng naka-underwear lang.

Nangilabot ako.

Pumasok kami sa kwarto ng manager. Mga personell yata ang narito. May dressing room sa kabilang kwarto. Tapos dito, sa manager nga dahil naroon ang manager at isang babae na sobrang daming burloloy sa katawan. Ang taba rin ay halata sa manipis niyang damit.

"Madam! Ito yung tinutukoy ko sa 'yo, o. Pak na pak, 'di ba?" Sabi ni Nikki.

Pinagmasdan ako noong madam. Mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay niya. "Hindi ba minor 'to, bakla?" Mataray niyang tanong.

"Ay madam! Wit ang kagandahan pero gurang na rin 'yan. Keribells na niyan mga work ditey. Kailangan niya ng datung." Sagot ni Nikki.

"Okay. Pasado na 'yan. Basta siguraduhin mo lang bakla na walang sabit 'yan." Aniya kay Nikki. Tapos humarap siya saakin. "Siya, magsimula ka na sa stage pagkatapos ng performance ng It Girls. Marunong ka naman gumiling, ano?"

"Opo."

Pinagpalit nila ako ng suot. Binigyan nila ako ng pantyhoose. Patungan ko raw ng mabalbon na jacket at hubarin kapag nagsasayaw na ako sa stage.

Iyon nga ang ginawa ko. Buti nalang may experience ako sa pagsasayaw. Nakatingin saakin lahat ng mata. Gustong manginig ng tuhod ko sa kaba pero naboboost ang confidence ko sa humahanga nilang tingin. Nang hinubad ko na ang jacket ko ay nagsimula na silang magmukhang naglalaway.

Hindi na sana ako titigil sumayaw nang masulyapan ko si Nikki na sumesenyas na itigil ko na. Kaya ginawa ko. Dahan-dahan akong kumembot at nagpalipad ng halik.

Nadisappoint yung iba nang bumaba na ako.

"My gawd teh! Kinabog mo ibang stripper ditey! Para kang 'di baguhan. Pak na pak!" Sabi niya.

Naglalakad kami sa backstage. Papunta sa manager room. "Bakit mo pala ako pinatigil agad? Akala ko ba ten minutes dance iyon?"

"Ay nako! Diz iz so mats to take! May papable kaninang nakipag-usap kay madam! Gusto kang i-date! Kaso ayaw ni madam dahil nakita niya ang potential mo. Pero bongga! Madatung pala si papable! Nagbigay ng ond hundred thousand kay madam. Kapalit ka."

Napaharap ako agad sakanya. Nanlaki ang mata kong hinawakan siya sa braso. "Anong sinabi mo?! Ibenenta niyo ako ng isang daang libo sa lalake?!"

"Aray ko bhe. E, malaking datung na kaya iyon! Malayo sa normal na presyong nasa isang libo hanggang dalawampung libo lang! De bale, mukha namang disente. At saka sis, adonis!"

Hindi ako makapaniwala. May bumili saakin? Isang daang libo? Huminga ako ng malalim para pakalamahin ang sarili. Kahit ayaw ko ay nakakapag-isip ako ng masama. Ang sarap katayin ni bakla. Akala ko ba hindi gano'n kadelikado ang trabahong ito?

Paano kung masahol na lalake pala ang bumili saakin? Parang gusto kong tumakbo palayo. Iniisip ko palang ang sarili kong binubogbog ay nahihilo na ako.

Pagpasok namin sa manager room ay agad dumako ang tingin ko sa dalawang lalake na nakaupo sa stool. Tumatawa 'yung isa. Seryosong nakatingin saakin 'yung kasama niya.

Kumunot ang noo ko. Sila 'yung lalake sa sasakyan, 'di ba?

Lumapit saakin 'yung tumatawa at niyakap ako. Nakiliti ako nang inamoy niya ang leegan ko. "Shit. You're finally mine."

At halos mangatog ulit ang tuhod ko sa titig ng lalakeng kasama niya.

Let's Measure LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon