Chapter 4: Danger
Ipinagdasal ko na rin ang kalagayan ni Precious sa lahat ng panalangin ko.
Kagagaling ko lang sa opisina ng doctor at napahilamos ako sa mukha dahil ang sabi niya ay kailangan muna ng down payment bago operahan sa puso ang kapatid ko. Kailangan din ng magdodonate ng puso at kulang-kulang isang milyon iyon.
Hindi ko alam, diyos ko, kung saan kukuha ng ganoong kalaking halaga ng pera.
Tulala akong naglalakad sa hallway pabalik sa kwarto ng kapatid ko. Kung anu-ano nang raket ang pumapasok sa isip ko.
Napatalon ako sa gulat nang may sumigaw.
"Mommy!"
Paglingon ko ay ang batang si Precious pala. Malaki ang ngiti niya habang naka-abang ang dalawang braso niya para yakapin ko. Kasama niya ang nurse sa tabi niya at mukhang may hinihintay sila rito sa labas ng room niya.
"Naku ma'am, kanina pa po naghihintay sa labas ang bata at nagdadabog na gusto raw kayong makita." Sabi ng nurse. Siya yung bagong palit sa masungit na nurse kahapon.
Tinanguan ko ang bagong nurse at nginitian. Sumunod ay si Precious ang tinignan ko. "Sana sa loob mo ako hinintay. Baka lamigin ka rito sa labas."
She pouted her lips. "Baka hindi ka po dumating, eh. I miss you, mommy." Malambing niyang sagot at niyakap ako gamit ang maliit niyang braso sa leeg ko.
"May prutas ako. Gusto mo ba?" I asked. Sinenyasan ko ang nurse na buksan ang pinto. Sinunod niya ito agad. Ipinasok ko sa loob si Precious at unti-unting inihiga sa kama. Bumibigay na ang mata niya at halatang inaantok pa.
"Opo..."
"Oh, sige. Kukunin ko lang sa—"
Namilog agad ang mata niya. "What!? No!" At nagsimula siyang magwala at umiyak. Pareho kaming nataranta ng nurse sa inasal niya.
"Calm down, baby. Hush." Pag-aalu ko.
"No! No! No! Don't leave me!" Palahaw niya ng iyak.
Nanikip ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. "Ssh. Calm down baby."
"Anong nangyayari rito? Nurse Mylene?"
Nakagat ko ang labi nang marinig ulit ang malalim na boses na iyon. Pilyong seryoso, nang-aakit at malakas ang hatak. Iyon ang boses na kanaig ko lamang kagabi...
Russel's wearing a laid-back blue shirt and khaki short. Naroon ulit ang clean-cut niyang buhok na sobrang lambot, proven by experience.
He seems very serious right now.
Nagulat siya nang makita ako. Damn. I saw the closer and in a light more version of his face. That expressive brown eyes paired with long and thick eyelashes, like captivating my inner soul. Bringing me into another world. His manly crooked nose. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang ilang beses sinamba ang katawan ko. Natural na nga yata itong mapula at parang laging may kahalikan sa lambot at mamasa-masa.
Now that I saw him in broad day light, he seems broading with his squared back, potruding stand, intimidating look, and deep stares.
Lumambot lang ang ekspresyon niya nang makita si Precious sa tabi ko. The kid was holding my hand tightly. May luhang nakasupil sa mata nito.
"Sir, ayaw pong pumasok kanina ni Precious dito sa kwarto hanggang sa hindi niya nakikita ang Mommy niya. Iyon po ang pulit-ulit niyang sinasabi kanina pa."
Kumalabog ang dibdib ko nang lumapit saamin si Russel. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at dumirecho siya sa batang nakahawak saakin. "What makes my princess cry, huh?"
BINABASA MO ANG
Let's Measure Love
RomanceFatima, 22 years old, ang babaeng mahirap. Isang kahig, isang tuka. Kapit sa patalim. Para sa pamilya. Para sa sikmurang gutom. Pumayag siya sa offer ng kaibigan niyang bakla. Desperada na siyang umahon sa hirap. Pumasok siya bilang entertainer ng...