Third part

1K 26 13
                                    

SA LIBLIB NA LUGAR

Mabilis ang lakad ni Migs.

Migs: Catarina.... Catarina nandiyan ako....
-------------------------------------

Samantala, isang may edad na babae naman ang napag tanungan nina Yassy at Adrian.

Yassy: Excuse me po, Nay. Nakita niyo po ba ang babaeng ito?

Ipinakita ang larawan ni Catarina na naka save sa kanyang phone.

Babae: Parang nakita ko nga siya mga ilang araw na rin yata yun. May mga kasama siyang dalawang lalake.

Adrian: Saan niyo po siya nakita, Nay?

Babae: (Nag isip) Sa pagkakatanda ko eh dun sa liblib na lugar. Medyo malayo pa dito eh, mga tatlong kanto pa.

Adrian: Pwede niyo po bang ituro sa amin kung paano kami makakapunta doon?

Binigyan sila ng direksyon ng babae.

Yassy: Sige po, Nay. Maraming salamat po.

Sumakay na ng kotse sina Yassy at Adrian.
-------------------------------------

Isang batang lalake naman ang naglalakad sa liblib na lugar.

Nakita niya si Migs.

Boyong: Kuya! Huwag ka diyan!

Pero hindi siya pinapansin ni Migs. Tulala lang ito at naglalakad patungo sa abandonadong bahay.

Boyong: Kuya, huwag kang pumunta diyan! May patay diyan! Kuya!

Hindi pa rin siya pinakinggan ni Migs.

Tumakbo ang bata palayo sa liblib na lugar.

------------------------------

Kasalukuyang papunta sina Dino sa liblib na lugar kung saan nila nakita si Migs kaninang tanghali. Sakay sila ng van.
Si Dino ang nagda drive.

Mia: Siguradong doon ulit siya pupunta.

Kara: Pero bakit kaya doon pa?

Dino: Oo nga, anong kinalaman nung Catarina na yun sa lugar na iyon?

Ton ton: Kung talagang patay na nga yung babaeng yun, ang ibig sabihin multo na yung nakikita ni Migs?

Mia: Posible ba yun? Totoo ba ang mga multo?

Kara: Eh paano natin maipapaliwanag yung mga nangyayari?

Kinabahan silang lahat.

Aira: Hindi ako papayag! Kailangang mailigtas natin si Migs! Bilisan na natin baka kung ano pang mangyari sa kanya.

Isang kotse ang nakasalubong nila at muntik na nilang makabanggaan.

Kapwa nakapag preno agad sina Dino at ang driver ng kotseng nakasalubong nila.

Bumaba si Dino.

Dino: Pasensiya na ho kayo.

Bumaba din ang driver ng kotse--- Si Adrian.

Adrian: Okay lang. Pasensiya na rin, hindi kasi namin kabisado ang lugar na ito eh. May lang hinahanap kasi kami dito.

Bumaba si Yassy.

Bumaba din sina Mia, Kara, Ton ton at Aira.

Pamilyar kay Aira si Yassy at Adrian pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

Dino: Hinahanap din kasi namin yung kaibigan namin. Sige, nag mamadali rin kami.

Yassy: Sandali lang!

BAKASYON 3 (CATARINA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon