KINABUKASAN...
Naunang nagising ang mga girls kaya pinuntahan nila ang mga boys sa kwarto nila.
Sina Ton Ton at Dino lang ang nandoon.
Aira: Nasaan si Migs?
Nagkatinginan sina Dino at Ton Ton.
Kara: Oo nga, nasaan si Migs?
Mia: Don't tell us nauna siyang gumising?
Nagkibit balikat lang si Dino.
Dino: Hindi namin alam, pag gising namin wala naman siya sa higaan niya eh.
Ton ton: At saka tignan niyo, parang hindi man lang nagulo ang kama niya.
Aira: Oo nga noh? Nasaan kaya yun?
Mia: Tara, bumaba na tayo.
Kara: Mabuti pa nga.
BUMABA NA SILANG LAHAT.
Sa ibaba, nakahanda na ang umagahan, agad silang binati ng tita ni Dino.
Luisa: Oh, gising na pala kayo. Tayo na at mag umagahan na.
Dino: Tita, nakita niyo po ba si Migs? Yung isang kasama namin? Wala na kasi siya sa kwarto kanina pag gising namin.
Nagtataka ang tita niya.
Luisa: Ha? Hindi eh, maaga akong nagising mga alas singko y medya.
Tinignan ni Luisa ang dalawang care taker na sina Mang Oryo at Aling Risa.
Luisa: Kayo ho, Mang Oryo, Aling Risa?
Oryo: Eh hindi rin po.
Risa: Wala pa namang bumababa mula kanina pagka gising namin.
Nag alala na silang lahat lalo na si Aira.
Aira: Kung ganun, nasaan si Migs?
Kara: Hindi kaya hindi siya dito natulog?
Mia: At saan naman siya matutulog?
Ton ton: Oo nga, imposibleng umalis yun dito, wala naman siyang alam sa lugar na ito eh.
Dino: Nasaan kaya siya?
Napaisip silang lahat.
Aira: Tignan natin yung van kung nandiyan.
Kara: Oo nga!
Lumabas sila upang i-check kung nandoon ang van, at nandoon naman. Wala si Migs sa loob ng van.
Kung ganoon, nasaan si Migs? Saan siya nagpunta?
Labsi ang pag aalala nila.
Maging ang tita ni Dino at ang dalawang care taker.
Luisa: Kumain muna kayo tapos hanapin natin ang kaibigan ninyo.
Kumain sila pero halos wala silang gana dahil sa labis na pag aalala kay Migs.
Matapos kumain ay handa na silang umalis ng bahay ng biglang dumating doon si Migs.
Aira: MIGS!
Agad siyang niyakap ni Aira.
Kara: Saan ka ba nagpunta?
Mia: Kanina pa kami nag aalala sa'yo?
Dino: Oo nga, dude. Bigla ka nalang umaalis ng hindi man lang kami sinasabihan?
Ton ton: Akala namin kung napaano ka na eh.
Aira: Migs, saan ka ba galing?
Walang imik si Migs, parang wala siyang narinig.