Zarlette's P.O.V.-___________________-
"Ms. Sanchez, I understand that you are new here but aren't you getting cocky?" Sabi ng lalaking epal na Student Council President pala ng lecheng school na 'to. Nakakainis. I want to wipe that smirk off his face. And so what? Pakialam ko ba sa kanya?
"Why would I be cocky when I was only doing an act of self defense." Kalmadong sagot ko habang diniinan ang salitang self defense. He raised an eyebrow and smirked. Again. Okay, inaamin ko na ang gwapo niya magsmirk pero unfortunately, I'm not like any other girls, I'm unique. Lol.
"Haven't you read the rule book yet?" Tangina. Engrish mga bes, di ko kinaya. Ano ba?! Bahala siya sa buhay niya. Magtatagalog ako. Hmppf. Akala niya ha. "Of course I have. My eyes aren't just for display. Mr..." Putek. Hindi ko pala alam ang pangalan niya. At binabawi ko na yung sinabi ko kanina, mag-eengrish na ako.
Napangisi siya ulit. " Byun Taehyung." Sagot niya sa akin. Napakunot-noo ako parang narinig o kaya nakita ko na yung apelyido niya. Saan ko nga narinig yun? Abah ewan. Wala naman akong pakialam sa kanya. He sighed." But since you are still new, I'll let you off the hook." He said at may hinagis siya sa akin. Isang maliit na shoulder bag. "Nandyan na ang room number at dorm key sa bag at nandoon na rin ang schedule mo. Infact, you are already late for your first class but I excused you and you should start attending your afternoon class dahil hindi ka na excused doon. You may now go, Ms. Sanchez." Napairap nalang ako sa sinabi niya at lumabas na sa Student Council Office.
Pero infairness, marunong pala siyang magtagalog. Sus. Akala ko engrish lang. Pumunta naman ako sa building ng mga dorm. Kinuha ko yung room number sa bag ko at tiningnan ng mabuti.
Room 632. 7th floor. Potek
Ang taas! Kainis naman o! Wala akong fear of heights fyi. Nakakapagod kayang mag up down up down achuchu. Ugh. -_- leche. Pumasok na ako sa building dala-dala yung mabigat na maleta ko at sumakay na sa elevator patungo seventh floor. Mabuti talaga at may elevator dahil kung wala, bubuhusan ko talaga si Taehyung ng glutathione. Speaking of glutathione, nasaan na kaya yung impaktong iyon? Sana namatay na siya. Bagay pa sakanya yun. Mukha pa naman siyang bangkay. XD
*ding*
Bumukas na yung elevator at lumabas na ako. Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin ang room number ko at napagtanto na nasa dulo na pala. Leche. Ang malas. Kinuha ko yung susi sa shoulder bag at binuksan ang pinto. Pero napaatras ako nang may espada na lumipad patungo sa kin kaya mabilis akong napaatras at kinuha ko yung bokken na nakasabit lang sa likod ko. I deflected the sword at lumipad naman ito sa ibang direksyon at wala na akong paki diyan.
"ANO BA ANG PROBLEMA MO?! NANANADYA KA BA TALAGA?!" Hindi ko mapigilang sumigaw sa kanya. Punyeta mas pinainit pa niya yung ulo ko. Kamalasan lang ba ang matatanggap ko ngayong araw na 'to?!
Pero nagulat ako ng lumapit siya sa akin at niyakap ako. "WAAH! Sorry talaga! Kinakabahan ako sa'yo eh! Hindi ko mararamdaman ang presensya mo! Katakot! Nung nakarinig ako ng kaluskos sa pintuan, shet bes, kinakabahan ako sa'yo. Akala ko minumulto ako ni Sadako!" Hysterical na sabi niya at binitawan na ako.
Napataas naman ang kilay ko. "Ako? Sa ganda kong ito? Mukhang si Sadako? Asa ka bes, mukhang ikaw ang Sadako. Gulo-gulo ng buhok mo oh." Inis na sabi ko at pumasok sa loob ng room namin. Ang malas ko nanaman. Maging roommate ko ang babaeng 'to.
Napatawa siya sa sinabi ko at pumasok na din. Sinara niya ang pinto at hinayaan akong pagmasdan ang kwarto namin. Well, maganda naman siya. May dalawang queen sized bed at sa isang side ay punong-puno ang dingding ng kpop posters achuchu yan at malinis naman siya. I guess it's her side of the room. Yung isang side ay parang empty at lonely and I'm sure na maging side ko yun. Hinagis ko yung maleta ko sa tabi ng kama ko at humiga na ako.
"Ang ganda ng room natin noh? By the way ako si Heart Thea Valerie Lazaro. Isang gangster at ang attribute ko naman ay light. Ikaw?" Tsk. Ang daldal naman ng babaeng 'to. Ayoko sanang makipagclose pero it's good to have one friend right?
Nakaupo siya sa kama niya kaya bumangon ako at umupo sa tabi niya. "I'm Zarlette Angel Sanchez. Isang delinquent. Ice ang attribute ko." Sabi ko sa kanya. "Waah! Omo. Ang rare ng attribute mo! Ang taas naman ng rank sa pamilya mo. Sabagay, ganyan din ako. Hehehehe." Sabi niya at tumawa.
"Anong rank?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Lumaki ang mata niya sa sinabi ko. "Hindi mo alam?" Tanong niya sa akin. "Ay hindi, alam ko! Kaya nga tinatanong kita eh kasi alam ko!" Inis kong sabi at binatukan ko siya. Napanguso naman siya sa sinabi ko.
"*sigh* Mukhang hindi mo talaga alam. Sige listen carefully because I don't want to repeart myself. I'm gonna explain the system of this goddamned school." Seryosong sabi ni Heart sa akin and it piqued my interest.
Now I'm starting to get curious.
-----
Ta-da! New update! And please forgive my grammar. Again. XD
Please don't forget to vote and comment. And I hope you enjoyed ma story.Wendy of RV as Zarlette Angel Sanchez
Min Yoongi as himself
Kim Taehyung as Byun Taehyung
Irene of RV as Heart Thea Valerie Lazaro
YOU ARE READING
The Enigma and the Curious Little Thing
ActionMeet Min Yoongi. Mostly known as SUGA. A typical hearthrob. But enigmatic as hell. Yes, he got the looks, the brains and the like. But lonely as f*ck. Oh well, he keeps a secret. A secret darker than anyone could imagine. No one can piss him off...