Noong unang panahon sa ilalim ng lupa ay may naninirahang tatlong mga bathala. Sina Arde, Ether, at Emre.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sa lugar nila ang mga tao ay naghihirap. Kaya gumawa ng paraan ang isa sa mga bathala na si Emre. Hinati nya sa apat na bahagi ang mga lupain at binigyan nya rin ito ng mga kanya kanyang mga katangian. Ang Adamya,
naninirahan dito ang mga mapagmahal at mababait na mga nilalang at sila ang mga adamyan mayroon silang pinuno na kayang malaman ang mangyayari sa hinaharap,kasalukuyan at maging ang nakaraan. Ang Sapiro,
naninirahan naman dito ang mga matatapang matitipuno at matitikas na mag nilalang sila ang mga sapirian. Ang may mga dugong bughaw sa kanila ay kayang magpagaling at pagalingin ang sarili nilang sugat. Ang Hathoria,
ang tirahan ng mga mababagsik ng nilalang sila ay tinatawag na mga Hathor. Sila ang pagawaan ng mga sandata dahil kaya nilang gumawa ng mga malalakas na sandata gamit lang ang apoy na lumalabas sa kanilang mga kamay. At ang panghuli ang Lireo
naninirahan naman dito ang mga maaalahanin na mga diwata at mga lambana na tinatawag na Lirean. Ang mga lambana ay ang mga maliliit na nilalang na kayang lumipad. Ang may dugong bughaw lang sa kanila ang may kakayanang mag laho o biglang mawala patungo sa ibang lugar ( Teleport). Tinatawag na Sangre ang mga prinsesa ng lireo. At sila rin ang pinaka kilala at pinakamayamang lahi. Iyan ang mga kaharian sa kanilang lugar. At pinangalanan nila ito na Encantadia. At dahil doon sinamba ng mga tao si Emre na dahilan ng pagkainggit ni Arde at Ether, kaya nagplano sila na patayin na lang si Emre. Ngunit hindi nagtagumpay ang masamang plano nila Ether at Arde. Kaya pinarusahan ni Emre ang dalawang bathala ginawang dragon ni Emre si Arde upang maging tagapangalaga ng Valaak o Impyerno. Ginawa namang ahas ni Emre si Ether upang sa gubat na lamang manirahan. At mula noon tinawag nalang sila na Bathaluma. At dahil sa ginawa ni Emre sa dalawa nagalit ang dalawa kaya gumawa sila ng pang - limang kaharian at iyon ang Etheria palihim nila itong ginawa at bumuo ng masasamang pangkat kaya tinago nilang dalawa ang kahariang Etheria upang balang araw ay ang Etheria ang mag papabagsak sa Encantadia. At dahil kailangan alagaan ni Emre ang Devas o ang langit, naglikha siya ng isang makapangyarihang bato na tinatawag na brilyante at tinawag itong Inang brilyante,
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
upang pangalagaan ang mga mahal niyang nilalang. At ibinigay ni Emre ang makapangyarihang brilyante sa isang makapangyarihang diwata na si Cassieopea.
At ipapakilala ko ang mga tauhan sa kwento : Emre - isang bathala Arde- isang masamang bathaluma Ether- isang ahas na bathaluma Cassieopea- sinaunang reyna ng mga diwata. Pinunong Imaw- pinuno ng Adamya Arvak- unang hari ng hathoria Armeo- hari ng Sapiro Mine-a- reyna ng Lireo Bathaluma(masamang diyos) Banak at Nakba- mga bata sa adamya Hagorn- anak ni Arvak at ang magiging bagong hari ng Hathoria Ybbaro- prinsepe ng sapiro Raquim- prinsepe ng sapiro kapatid ni ybbaro Aquil- mashna ng lireo Agane- mashna ng hathoria Alira naswen- mashna ng sapiro Awook- mashna ng adamya Mashna(guro o teacher) Muros-kawal ng lireo Asval - kawal ng sapiro Muyak - lambana ng lireo Lila sari- anak anakan ni cassieopea Hitano- kawal ng lireo Pakito- umampon kay ybbari Uantok- kaibigan ni ybbaro Pakko- kaibigan ni ybbaro Vishka- pinuno ng mga higantes Gurna - damma ng lireo Damma( katulong) Lira- anak ni amihan Mira- anak ni pirena Kahlil- anak ni alena
At ang mga bidang sangre ng lireo:
Alena- mabait at pangatlo sa mag kakapatid at mayroong siyan taglay na kapangyarihan kaya niya wasakin kahit ano gamit ang kanyang boses Kulay: berde o green
Danaya- matapang at bunso sa magkakapatid kaya niyang pagalingin ang mga sugat at kaya nya ring mag anyong pashneya. Kulay: kayumanggi o brown Pashneya( hayop)
Pirena- masama at inggetera at sya rin ang panganay sa magkakapatid kaya nyang gayahin ang wangis ng kahit na sino Kulay: pula o red Wangis( itsura )
Amihan- mabait,matapang at mapagmahal pangalawa sa magkakapatid kaya niyang tanggalan ng hininga ang kahit na sino. Kulay: asul o blue