As a Student Council secretary kelangan kong mag madali para makahabol ng meeting para sa
darating na JS Prom sa darating ng February 14 almost 1 month from now. Kakapasok palang ng
bagong taon pero eto nagkukumahog na agad para makapasok ng maaga para sa "pesteng
meeting" na yon.. actually hindi naman talaga ako nag cecelebrate ng Valentines Day sa katunayan
nga tuwing "Araw ng Puso" ee absent ako.. nag simula kong hindi maappreciate ung February 14
nung Grade 6 ako. I had a bad experience on that occation.
"Allyana Shaunne Santiago ma le late ka na sa school" sigaw saken ni Mama
Ganyan ang tawag saken ng Mama ko pag nagagalit na. Binabanggit nya ung buong pangalan ko
na para bang nagtatawag ng attendance sa school.
"Eto na po pababa napo Mama, Nagsusuklay nalang po" sagot ko
Hindi ko na tinapos ang pagsusuklay ko sa mahaba at kulot kong buhok sa harap ng salamin.
Bumaba na ko sa hagdan habang hawak ang suklay sa kaliwang kamay ko at bag ko sa kanan.
Humalik nako ke Mama at tumayo na si kuya Aaron na maghahatid saken sa school.
"Hindi ka na naman nakakain sa sobra mong tagal bumangon Allyana" sabi ni kuya Adam na kumakain.
"Sa school nalang po kuya " sabay ngiti ng matamis sa akin ng gwapong gwapong kuya Adams ko.
"Tara na"tipid na sagot ni kuya Aaron.
Mag kalayong mag kalayo ang personality ng dalawa kong kuya. Si kuya Aaron ay tahimik (sa ibang
tao), matalino, mahilig magbasa, homebody at responsible na siyang kabaliktaran ni kuya Adams
na chickboy, mahangin,mahilig mag lakwatsa at mejo pasaway . Ang pinag kaparehas lang nila ay
matangkad, gwapo at parehas kong mahal.
"Bye kuya salamat sa paghatid at ingat sa pag da drive" nagmamadali kong paalam ke kuya
Aaron.
I was half running and half walking papunta sa Student Council Room. Pagdating ko sa tapat ng
pinto natapilok pako kaya bukod sa nakatingin sila saken dahil ako nalang ang kulang ee natatawa
pa ung iba dahil sa ka lampahan ko.
“Im very sorry Im late, I had a hangover on vacation” nakayuko at hingal kong paliwanag.
“It’s okay, be on time next meeting” sagot ng president ng Student Council na si Frank Justine
Rivera.
“Yes! I will” sagot ko bago ako umupo sa upuan.
“Your not suppose to sit there” sigaw ni Justine saken.
Nagulat ako at tumayo
“Is anybody owned this sit?” naiinis kong sagot.
“That’s not what I mean, You should be here in front to write the agenda of our meeting today
because you’re a secretary right?” derederetchong sagot ni Justine.
“Im sorry for the second time” sambit ko.
Tumayo na ako at nagpunta sa unahan at nag sulat na sa white board. Ganyan talaga yang si
Justine strict sya pag dating sa seryosong bagay kaya nga pati English speaking ni implement nya
sameng SC.Kadalasan opposite ung opinion namen kaya madalas ganyan ung scene namen pag
nag uusap. Mejo mainet ulo lage.Pinag usapan ang magiging flow ng program at kung sino sino
ang in charge sa mga preparations. Napatitig ako ke Justine dahil naiinis ako sa kanya. Kahit
matangkad siya, matangos ang ilong , singkit ang mata at kissable lips ay hindi ako
magkakagusto sa kanya. Mainitin lage ang ulo at strict hindi talaga kame magkakasundo kahit
halos maraming buwan ko na siyang nakakasama sa SC (Student Council).
“how about you Ms. Santiago?” nakatingin sakeng tanung ni Justine.
“huh?” takang sagot ko.
“are you with us Ms. Santiago? Im asking you if you have any question before we end up our
meeting” tanong ni Justine.
“No I don’t have Mr. Rivera” mahina kong sambit.
Narinig kong nag tawanan sila Aryanne na muse, Scarlett na Vice President at Gian na escort.
“Then if no more question, MEETING ADJOURN” he ended.
“Salamat natapos din” sabi ko sa kaybigan kong si Aryanne.
Binitbit ko na ung bag ko .
“Paborito ka talagang pag intresan ni Pres” sabay tawa ni Aryanne.
“Ano pa nga bang bago?” tanong ko.
Inaya ko ng pumasok si Aryanne dahil mag classmate naman kame. Pag dating sa classroom
naupo na ko sa pinaka likuran at tinungo ang aking ulo sa mesa. Inaantok pa ko at gusto ko pang
matulog pero kelangan kong mag aaral. Natapos ko naman ang klase namen ng Science ng hindi
nakakatulog kaya pag tunog na pag tunog ng bell ay agad akong tumayo at lumabas para umuwi.
Tinawagan ko na ang kuya Adam ko dahil magpapasundo ako.