Friday ng Gabi
Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung pupunta ba ako bukas para makipag kita kay Menopause
ay kay Justine pala. Kinakabahan ako baka kung anung gawen nya saken. Kung meron man syang binabalak nako bubugbugin ko siya ng todo todo.
Punta?
Hindi?
Punta?
Hindi?
"Oy Allyanna anak? kinakausap mo na naman ung sarile mo?" narining kong sigaw ni Mama.
Nagulat ako at napatingin ke Mama.
"Me iniisip lang po Mama." sagot ko.
"At anu naman un anak?" tanong ni Mama.
"Aa wala po. tungkol lang po sa school." pagsisinungaling ko.
Ayoko ng sabihin pa kay Mama dahil baka kung ano pang isipin niya. Hindi pa naman kase ako
nakakapagkwento ng kahit sinong lalake sa family ko kaya malamang big deal un pag bigla akong
nag kwento. Nahihiya pa ko. Sorry mama nag sinungaling ako. Nginitian ko nalang si Mama.
"Nga pala anak nagtxt saken ung school mu. Meron daw kayong Prom?" tanong ni Mama.
"aa opo. Hindi naman po sana ako aatend kaso lang SC po ako kame po ung mag organize ng Party" matamlay kong sagot.
"Mabute nga ung umattend ka anak. Once in a lifetime un. at alam mo ba na dun ko nakilala ang Daddy mo?" biglang nalungkot na sinabe ni Mama.
Kung mapapansin niyo siguro hindi ko nababanggit ang Daddy ko. 3 years old ako ng mamatay
ang Daddy ko. Namatay siya dahil sa sakit na Heart Attack. Namana ni Daddy un sa Angkan nila
Daddy. Wala pa kong malay ng mamatay si Daddy pero base sa kwento nila kuya ay sobrang
mapagmahal ni Daddy at napaka bait. Narining ko ngang sabi ni Kuya Aaron noon na Idol nya daw
si Daddy sa sobrang baet. Namimis ko si Daddy pero wala na siya. Hindi na ulet nag asawa pa si
Mama kahit ilang taon ng patay si Daddy tinuon nya nalang ang pansin nya sa aming magkakapatid.
"Anak sa sunday mag shopping tayo for your prom. excited nako anak for you" excited si Mama.
"Opo Mama okay lang naman saken kahit simple lang po." sagot ko.
"No! princess gusto ko maganda ka sa prom mo. akong bahala sayo." nakangiting sagot ni Mama.
Hindi naman kame ganun kayaman. Meron kameng shares sa isang clothing line sa bansa pero
hindi naman kame ang major share holders nun, un yung naiwang pamana ni Daddy bago siya
namatay. Si Mama ang nag aasikaso nun pero mas tuon ang pansin ni Mama sa flower shop. Kadalasan tuwing weekend ee tumutulong ako ke Mama sa Flower shop.
"Kayong bahala Mama" nakangiti kong sagot ke Mama.
Alam ko naman na hindi ako titigilan ni Mama kakakulit pag hindi ako pumayag at hahaba pa ang usapan.
"akyat nako Mama. Gudnyt" sabe ko ke Mama.
"Gudnyt din anak. I love you" sweet ni Mama.
"I love you too Mama, pahinga na din po kayo" sagot ko.
Humalik ako kay Mama at umakyat na sa kwarto ko.
Nag Facebook na muna ako at nag post:
"Pupunta ba ako o hindi? kinakabahan ako"
Agad agad naman ay my nag comment
"ahaha lagot ka Yana" comment ni Aryanne.
"Takot ako :(" comment ko din.
At me mga nag like narin. Kinakabahan talaga ako para bukas. Sinara ko na ung Laptop at nahiga na ako. Nagpasak ako ng headset sa tenga ko at nag music nalang para kumalma ako.
Now Playing : My favorite
"Superman" by Five for fighting
I can't stand to fly
I'm not that naive
I'm just out to find
The better part of me
I'm more than a bird
I'm more than a plane
More than some pretty face beside a train
It's not easy to be me
Wish that I could cry
Fall upon my knees
Find a way to lie
About a home I'll never see
It may sound absurd but don't be naive
Even Heroes have the right to bleed
I may be disturbed but won't you concede
Even Heroes have the right to dream
It's not easy to be me
Tama nga ung sabe sa kanta:
IT'S NOT EASY TO BE ME!