Tumutulong ako ngayon sa gawaing bahay. Mag- isa lang ako ngayon, kung ano ano ang pinagagawa. Kung tatanungin niyo kung bakit hindi na ko umalis para mag- apply ng scholarship? Dahil mahigit sampung academy na ang na applyan ko.
At kung anong nangyari kahapon? Buti natapos kami ni Trixie sa pila at nakakuha ng exam pati interview. Umaaasa ako na sana sa sampung inapplyan ko eh may pumasa. Dahil bukas na ang pasukan. Meron na akong gamit, wala nga lang school na papasukan. Hahaha.
Macheck nga yung mailbox sa labas. Kaagad kong kinuha yung mga sulat at tinignan isa isa. Tss, puro mga babayarin!
Meralco bill.
Water bill.
Utang sa Bombay.
Listahan ni Aling Marie.
Upa sa bahay.Ay! Bwiset! Ayoko na nga tignan, badtrip! Puro mga babayarin lang pala ang makikita ko.
Pabalik na sana ako sa loob ng bahay, ng may nalaglag na sulat na nakaputing sobre. Infairness! Magaling yata mag surprise ang isang to. Pasobre sobre pa tapos ang laman din pala utang lang.
Binuksan ko ang sobre at may nakita akong tatak ng EIA. Sulat to galing sa kanila? Oh my ghad! Bigla akong kinabahan baka Hindi ako pasado. O kaya nagsosorry lang sila kasi not accepted. No! Positive thinking Emerald...
Ipinikit ko ang mata ko at dahan dahan ko itong binuksan. Idinilat ko ang isa kong mata at sinilip ang loob. Argh! Ayoko na. Sinara ko ulit ang sulat, kahit pangalan ko pa lang ang nakikita ko. Tatawagan ko na lang si Trixie tutal alam niya naman ang bahay ko, dahil dito siya nagmeryenda sa amin. Kapal no? Joke lang!
Pumasok na ako sa loob ng bahay at kinuha ko ang telepono at di-nial ang number ni Trixie.
Kaagad niya namang sinagot ito.[" Ahhhhhhh!!! Emerald!!!!!"] My eardrums, ouch! Nilayo ko ang telepono sa tainga ko baka tuluyan na akong mabingi.
"Ano ba Trixie? Kung makasigaw ka para kang nasunugan! Porket close na tayo, sigawan na! At yung eardrums ko please lang." buti na lang tumahimik siya. Naku! Kung nandiyan lang talaga ako kanina ko pa naplasteran ang bibig nito.
[" Sorry naman! Excited lang talaga ako sabihin sayo eh. Ahhhh!!" ]tili ulit nito. "Isa na lang talaga Trixie Villegas ibababa ko tong tawag!" for sure naman titigil to.
"Okay! Okay, eto na talaga. Guess what?" halata sa boses niya ang excitement. Ano naman ang sasabihin nito?
" Hindi ako manghuhula kaya sa sabihin mo na." masyado kasing pabitin pwede namang straight to the point di ba? Ayoko sa taong paghihintayin ka ng matagal.
["Oo na! Masyado ka namang KJ eh. Sasabihin ko sayo na nakapasa ako sa EIA. Kaya ang saya ko talaga ngayon kasi dream come true ko to eh."] kaagad akong napanguso ng maalala ko ang sulat di ko pa pala nabubuksan at nababasa. What if...... arghh! Buti pa siya, ang lakas ng loob.
["......and sobrang saya ni mommy ng sinabi ko sa kanya. Hello? Hello to the Earth? Emerald? Nandyan ka pa ba?"] nabalik ako sa sarili ko ng magsalita ulit si Trixie.
" Ah eh oo, nandito pa" sagot ko sa kanya, nakakahiya naman kwento lang siya ng kwento di naman ako nakinig.
Actually! Hindi ko alam ang kwinento niya.
["Nakikinig ka ba? Tsaka nakapasa ka ba? May natanggap ka ba na sulat? Dali ano na?"
" Teka isa isa lang,okay? Naguguluhan ako eh. Tungkol doon, pwede ka bang pumunta ka dito sa bahay?"
["Huh? Bakit naman?] huminga ako ng malalim.
" Kasi gusto ko lang may makasama. Di ko pa kasi nabubuksan yung sulat eh. Baka kasi di ako pasado, tapos natatakot ako eh."
[" Ganun ba ? Sige pupunta ako diyan. Bye!] Ay! Bastos! Binababaan kaagad ako, di pa ako nakapagsabi ng' bye'. Tignan nyo ang ugali ng babaeng to.
Naghintay lang ako ng ilang saglit, ay may naririnig na akong babaeng sumisigaw na parang nakalunok ng megaphone. Sino pa ba? Edi si Trixie lang naman.
Kaagad akong bumaba sa hagdan at lumabas ng bahay.
" Emerald!?!? Yohoo! Nandito na ako." nakakahiya talaga sa mga kapitbahay. Kulang na lang umabot sa kabilang baranggay ang boses niya.
" Di nga halata na nandiyan, eh halos ipagsigawan mo nasa baranggay. Paalala ko sayo ha? Wala tayo sa palengke." tinaasan ko siya ng kilay para tarayan pero siya sige lang siya sa pagtawa.
" May nakakatawa ba? Alam mo magpatingin ka na sa hospital. Mukhang may tama ka eh" kung kanina masaya ang mukha niya bigla naman siyang nagseryoso ngayon.
"So sinasabi mo bang baliw ako? Tandaan mo Emerald ikaw ang nagpatawag sa akin dito" parang nageeskandalo niyang acting, kaya naman napapatingin ang ibang taaong dumadaan. Mahilig siyang mag Joke Time, yun ang hilig niya, ang mang trip.
" Baliw! Tigil tigilan mo yang kalokohan mo ha! Ano ba ang nahithit mo?" hinila niya ako at inupo sa upuan sa garden. Umupo din siya sa katapat ko.
"Alam mo bang hindi ako nakapag- ayos? Dahil sa pinapunta mo ako dito." pinagloloko nya ba ako,eh ako nga magulo pa rin ang ayos ko. Samantalang siya, bihis na bihis. Kaagad tumaas ang kilay ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
" Kaya pala nakasuot ka ng crop shirt,rubber shoes, pantalon at may red lipstick. Di ka pala ayos ng lagay na yan" kaagad naman siyang namula at umiwas ng tingin.
"Baka kasi makita ko ang love of my life. Edi maganda ako sa paningin niya." agad na naningkit ang mata ko sa sinabi niya. So that's why? Naghahanap ng soulmate. Pwe! Kadiri.
" Pwede ba tsaka na tong suot ko. Bakit mo ba ako pinapunta dito? Tsaka nabuksan mo na ba yung sulat? "
" Hindi pa, pero ikaw ang magbabasa ng sulat para sa akin. Dapat may feelings at nasa tamang intonation."
" Kailangan pa ba talaga nun? Eh parang babasahin ko lang naman" sagot naman niya.
" Basta! Sundin mo na lang ako. Tsaka kailangan kong mafeel" sabay hawak ko sa puso." Ang arte! Asaan na ba kasi yung sulat? Para mabasa ko ng may kadramahan." kinuha ko sa bulsa ang sobre at iniabot sa kanya.
Binuksan nya ang sulat at tumingin sa akin.
" Eto na ha ? Makinig ka ng mabuti!" tumango ako sa kanya at huminga siya ng malalim.
" Dear Pamilyang Suarez, ako to si Marie sa may kabilang kanto. Gusto ko lang ipaalala sa inyo ang lista niyo dito sa tindahan ko. Ang tagal tagal na ng utang niyo di niyo pa rin mabayaran. Kaya bago kumulo ang dugo ko sa inyo, magbayad na kayo ng utang niyo. Ano pang hinihintay niyo? Pasko? Magbayad na! Aba. From: Marie Masingilin." kaagad kong nasapo ang ulo ko, maling sobre. Tumingin ng masama si Trixie.
" Niloloko mo ba ako, Emerald? Hindi to sulat galing sa EIA. Kaagad kong kinuha ang sulat sa kabilang bulsa ng short ko.
"Pasensya na! Nagkamali lang" binigay ko sa kanya ang sulat.
" Last na to ah? Pag di ito yun, ikaw na ang magbasa magisa mo." tumango na lang ako ulit, naisip ko tuloy napakamasunurin niyapero di gumagamit ng common sense. Dramang drama na siya eh, kaso nasayang kasi maling sobre.
Huminga ulit siya ng malalim bago nagsimula.
" Dear Ms. Suarez, we want to inform you that you passed our entrance exam due to your intelligence and being talented that you shown up in our interview. We are honoured to have scholar like you. Emerald International Academy given you scholarship and allowance every month. Continue of being adorable and wise woman. Congratulations and God bless you! From : EIA Organization.
Kaagad kong natutop ang bibig ko, nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ako ng dinig?Pasado ako! Nagtatalon kami ni Trixie at nagsisisigaw. I passed, thank you God. Napaiyak na ako halo halong emosyong nararamdaman ko. Malaking bagay to para pamilya namin.
YOU ARE READING
When The Destiny Play
Teen FictionMay isang masayang pamilya na kinakainggitan ng iba ang mayroon sya. Ni wala man syang materyal na bagay na mayroon ang iba meron naman syang Nanay at Tatay na lagi siyang sinusuportahan at mahal na mahal siya. Magaling kumanta at matalino kaya naka...