CHAPTER 3 INTERVIEW FLASHBACK

5 0 0
                                    

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nakapasa ako. 8:57 na pero di pa rin ako makatulog. Dapat tulog na ako sa mga oras na to dahil maaga ang pasok bukas at first day ko.

Hawak ko pa din itong sulat hanggang ngayon. Kahit na nakahiga na ako di ko pa rin mapigilan ang sarili ko na ngumiti. Naaalala ko kasi ang nangyari nung interview.




[FLASHBACK]

Nakapasa na ako sa entrance exam at ang kailangan ko na lang gawin ay makapasa sa interview. Nauna na si Trixie na magpa interview. Nakakainis nga eh dapat sabay  kami kanina kaso nagkahiwalay kami dahil siksikan at halos di ko na siya makita  sa lawak ng Academy na ito.

" Miss,asaan po dito yung interview section?" magalang na tanong ko sa babae.
" Diresto lang po kayo sa hallway tapos liko po kayo sa kanto. May mahaba po dung pila para sa interview." sinunod ko naman ito at pumila na, nakita ko naman si Trixie na lumabas ng room. Napansin niya yata ako kaya huminto siya sa tabi ko.

" Oh, di ka pa ba aalis? Tapos ka na di ba?" umiling lang siya at ngumiti ng nakakaloko. Ano naman ang tumatakbo sa isipan nito?

" Magpasalamat ka na lang pagkatapos ng interview ha? Magbibigay ako sayo ng tip, wag kang maingay" pabulong niyang sabi, gusto ko sana siyang sigawan kaso masisira ang image ko.
" What do you mean?!?" pasinghal kong tanong sa kanya.

" Makinig ka ng mabuti! Dahil isang beses ko lang itong sasabihin sayo. May anim na mag-iinterview sayo. Mukhang professional kaya iba iba ang tanong kada mga passers. May tatlong babae, dalawa sa kanila ang masungit, nakapuyod pareho. Sa tatlong lalaki naman, may half Chinese yata, tapos yung dalawa, main officers kaya straight to the point ka dahil strikto. Mahihirap ang questions, pero nakasalalay sayo ang tagumpay mo." mahabang litanya tapos kinindatan ako, tsaka naglakad papalayo. Napailing na lang ako sa mga sinabi niya.

Dapat pala iniwan ko muna sa simbahan itong gitara. Yan tuloy sukbit ko pa rin hanggang ngayon. Di ko to pwedeng iwan basta  basta lang, regalo sa akin to ni Tita Jane. Kapatid siya ni mama, alam niyang hilig ko ang tumugtog at kumanta.

Unti- unting umuusad ang pila, narinig ko naman sa likuran ko ang dalawang magkaibigan na nagtitilian.

" Bes! Ano kamusta ang interview? Ano sa tingin mo?"

" Bes! Ang gwapo ng mga nag-iinterview!!! Kaloka makalaglag panty, ohmyghad! Hihimatayin yata ako kanina eh, buti napigilan ko"

" Talaga bes? Ilan sila bes?"

" Bes anim bes, ang hot. Iinit talaga ang pisngi mo sa kagwapuhan nila."

Anim? Bakit anim? Ang sabi ni Trixie, tagtatlo ang babae at lalaki. Baka niloloko lang ako nun,hilig pa naman nun ang gumawa ng kalokohan.

" Next! Pasok na" sigaw nung lalaki sa may pintuan. Ayy! Ako na pala. Di ko napansin dahil sa pakikinig sa dalawang babae sa likuran ko. Pumasok na ako sa loob at naramdaman ko na ang lamig. Mental slap! Malamang may aircon.

Nakita ko naman ang mga interviewers. Gosh! Ang gagwapo at hot. Totoo nga ang sinabi nung babae kanina. Shit lang! Kung may tanong na 'how to be you po?' Pwede bang mag tanong ng ' how to focus po?'.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Siguradong namumula ako ngayon. Ngumisi naman ang pinakagwapo sa lahat. Bakit ba sila nagsisikuhan? Ganyan na ba talaga ang  interviewers ngayon?

No Emerald! Umayos ka nandito ka para sa scholarship hindi para sa kalandian. Kung gusto mong pumasa tigilan mo na ito. Pumunta ako sa gitna ng room, kung saan may upuan at umupo dito.

Bakit di pa rin sila nags- start? Ngumingiti lang sila ng......... Nakakaloko? Palagay ko, this is just a test. Nakatitig lang sila sa akin, pero kung ibang babae siguro ako malamang kanina pa ako nahimatay. Pero I used to it kasi nung mga highschool days ko , marami rin ang ganyan sa akin. Inaantay siguro nila akong mahulog sa pagsubok nila, EDI maghintay sila!

" Ahmm, may problema  ba? Di pa po ba tayo mags-start?" nagtinginang naman silang anim sa isa't isa at parang nag-uusap gamit ang mata.

" Well! We can now start. So tell us your personal profile." sabi ng lalaki na singkit.

" I'm Emerald Amelia Suarez, 18 years old. Taking course of business management." napatingin naman ako dun sa lalaking nasa gitna. Bukod siya ang pinakagwapo at ang lakas ng porma. Nakakaakit lang kasi, alam niyo yun attractive siya masyado. Did I just say attractive? Crap that shit thingy.

Parang nagiisip siya ng itatanong sa akin. Pinagdikit niya ang kamay niya tsaka pinatong ito sa table tsaka nangalumbaba. Ang ho- este ang bwiset masyadong pasuspense.

" Okay Ms. Suarez! I want an answer from your heart. Why do you need to take scholarship and graduate? Aside from the answer' you want to help your family or want an profession. " grabe  from the heart talaga, ang lalim ng question na ito. Bakit nga ba  kailangan ko ng scholarship? Eh nasabi niya na ang sagot.

Sandali akong natahimik at huminga ng malalim. Meron akong pinakaiisang dahilan..

" Simple lang naman ang tanong mo! Sa tingin mo, bakit kaming mahihirap  o may kaya may kagustuhan ng scholarship at maka-graduate? Kasi gusto namin na may mapatunayan sa mga matataas na tulad niyo na may mararating kami. Ang unang pumapasok sa akin ,pag inaalipusta kami eh,, balang araw mas  magiging mataas kami sa kanila. Gusto kong malaman nila na hindi lang kami hampas lupa na kung sino man." halata sa mga mukha nila ang gulat pero bigla ring nagbago at nging poker face.

" Very well said Ms. Suarez" nagtinginan ulit sila at tumango tango.

" Wait Kiel, it's my turn to ask" sabi ng cute na lalaki at binaling sa akin ang tingin niya.

" So? Study first huh? Give me one reason to prove na pag-aaral ang punta mo dito at Hindi lovelife." What a lame question? So anong pinapalabas nya? Na lalaki ang punta ko dito kaysa pagaaral. Kapal ng mukha! Binigyan siya ng  masamang tingin ng mga kasamahan niya pero bahagya lang siyang napatawa.

" We're waiting for your answer, Ms.Suarez."

" Wala sa bokabularyo ko ang salitang boyfriend. Maniwala man kayo sa Hindi wala akong naging boyfriend"  binigyan ko siya ng matalim na tingin. Nakakabastos kasi yung tanong niya! Di ko parin  hinihiwalay ang tingin ko dun sa lalaki.

" Such a playboy, sorry for that Ms. Suarez. So do you know how to use that guitar of yours?" another lame question! Magdadala ba ako nito kung di ako marunong.

" Anong sa tingin mo? Hindi! Hindi ako marunong. Nagdala lang ako nito para pumorma. Bwiset! " pabulong Kong sabi , baka kasi di na ako makapasok pag sinabi ko ng harap harapan eh.

" May sinasabi ka ba, Ms. Suarez? " kaagad akong umiling at ngumiti ng pagkatamis tamis.

" Ang sabi ko po oo, marunong po ako maggitara." nag-smirk naman yung lalaki kanina, yung nasa gitna.

" Maghintay ka na lang ng sulat na darating sayo. It will says if you passed or not. Sign this papers as a requirements. "  sabi pa niya, kaagad naman agad akong tumayo at pumunta sa harapan nila. Kinuha ko yung papel, Hindi ko na binasa, requirements daw eh.

" Here take this pen!" kaagad ko namang kinuha yung ballpen. Shit! Dumikit yung kamay ko sa kanya. Di ko tuloy maiwasan ang pamumula. Hindi ko na alam kung anong pirma ang ginawa ko.

" Thank you!" Sabay linapag ko na ang papel at ballpen sa lamesa. Sa huling pagkakataon, ngumiti na lang ako. Sabay nagmamadaling lumabas  ng room na ito. Pagkalabas na pagkalabas ko lumanghap ako ng hanging. Pakiramdam ko kanina muntik na akong magdeliryo... Hinawakan ko ang puso ko at daig pa nito ang sumali sa karera .

END OF FLASHBACK....

Sino ba ang hindi  magkaka- ganun eh, anim na nagwagawapuhang lalaki ang nag-iinterview sayo. Ngiti pa lang nila, siguradong hihimatayin ka na. Pero Buti na kaya ko pang huminga. Gosh! Baka sila ang ikamatay ko pag nagkataon.

Sana lang huwag na kami magkita ng landas, dahil di ko na alam ang gagawin pag nangyari man yun.

When The Destiny PlayWhere stories live. Discover now