Three Years na pala
Tatlong taon na walang pinagkaiba
Nararamdaman koy ganoon parin sinta
Laman ng puso'y ikaw parin talaga.
Sa iyo lamang ako naging ganito kasaya
Kahit hanggang imagination lang kita
Ano pa nga ba ang aking magagawa
Gayumahin kay isang malaking kasalanan naman di ba?
Sabi nila pagpapakatanga
Ang tawag sa tulad kung labis na umaasa
Ngayong alam ko namang ako sayo'y balewala
Pero salitang paglayo ay di ko nakilala.
Sinubukan ko'ng lumayo at kalimutan ka
Pero wala, useless talaga
Siguro'y tulad ng isang Angeline Quinto'ng kanta
"Born to love you" sabi pa .
Alam kung lubos na itong pagdurusa
Tatlong taon ng umaasa
Tanga na kung tanga
Ikaw talaga ang mahal at hindi sila
Ngunit ganoon paman
Susubukin kung limutin ka
Mga mata'y ibabaling sa iba
Kahit ito'y imposible pa.
katojikutakimika
01/03/14
11:14 pm