Chapter 2:Mr. Taxi

267 5 0
                                    

<Myrdel's POV>

"MALAS! MALAS KA! LUMAYAS KA DITO!"

"wala po akong ginagawa !"

"anong wala!? tignan mo?! namamatay ang mga tao dito! salot! salot ka!"

"wala po talaga---"

"patayin yan! patayin !"

*kriiiing* *kriiiing* 

uhmp ..haaaay!lagi ko na lang yun napapanaginipan..buti na lang at nagising na ako..kaso.. monday na naman!pasukan time na naman! at mag isa na naman..

alam ko sa sarili kong hindi ito okay.. pero wala naman akong magagawa..

pati yata sa ibang tao nagdadala ako ng malas..

ANO ba kasing meron sa birthday ko?! Ipinanganak lang naman ang isang napaka gandang nilalang ah?! este..ipinanganak lang naman ako huh?!

kung bakit ba naman kasi dikit ng dikit ang malas sa akin.. kung bakit kasi..hindi ako pwedeng mabuhay ng masaya..

HAAAY! ..hindi pa talaga ako nasanay! eh lagi namang ganito e!

kahit ilang beses pa akong humiling na wag na kong magdala ng malas e, mas lalo pa yatang lumalala..

yung feeling na..

kahit anong pilit kong umiwas ..

ako parin ang sinisisi nila..

meron pa ngang nag sasabi na..

"hala!? anjan na yung malas..mamalasin na naman tayo!"

o di kaya,

"anu ba yan?! baka walang gaanong bumili ng tinda ko nyan ineng? diba ikaw yung malas?"

ang sakit di ba? minsan nga ..iniisip ko kung may taong tulad ko..

yung ..parang walang space para sakanya sa mundo..

sana nga noh?! sana..

dahil gusto ko syang makilala..

tapos..kami na lang ang mag best friend..

haay! pero tama na nga ang pananaginip..maliligo muna ako..

--------------------------------------------------------------------------------------------

after 15 minutes:

*tok*tok*

"pasok po.."

sakto..kakalabas ko lang ng cr..

"myrdel..akala ko naman ay di ka pa rin gising..mabuti yan,osya. mag almusal ka muna bago umalis.."-aling Zeeta

"salamat po aling Zeeta! susunod na rin po ako pagkatapos kong magbihis."-ako

"mabuti.."-aling Zeeta

isinara na nya ang pinto..

ano nga bang araw ngayon?

June 23 na pala..

hindi kasi ako pumasok ng 3 araw..

nung wednesday pa nagsimula ang klase..

iniisip ko kung papasok ako ..pero hindi ako pumasok dahil sa mga sinasabi ng kaklase ko..

ewan ko ba ngayon..gusto kong pumasok..

living in the world of pain and sadness (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon