Everything has change

88 10 5
                                    

Lahat ng bagay sa mundo ay pwedeng mawala, magbago, at mga pangakong pwedeng hindi matupad... at lahat nga iyan ay may dahilan....

Ako si Jean , sa barkada namin ako lang yung single , na-iinggit rin ako sa kanila paminsan-minsan pero alam ko naman na darating din yung lalaking para sakin sa tamang panahon.

" Jean hindi kaba nalulungkot? " tanong ng bestfriend kong si Chelsea

" hindi, kasi nandyan ka at ikaw yung bestfriend ko, tinutulungan mo ako pag may problema at pinapasaya pag nalulungkot. pero bakit mo naman ata na tanong? "

 " alam mo Jean sa barkada natin ikaw lang yung single at syempre pag nandyan na yung boyfriend kong si Lloyd hindi na kita masyadong na-aasikaso, alam mo Jean hindi naman sa lahat nang panahon kasama mo ako diba.. "

sa sinabi ni Chelsea naisip ko na may point rin sya totoo na hindi sa lahat nga panahon naaasikaso nya ako. Makalipas ang dalawang araw may ipinakilala ang guro naming si Ms. Cruz na bagong kaklase na nagngangalang Adrian.

" okay Class listen, may bago kayong kaklase.. 

" Goodmorning everyone my name is Adrian Agustin i'm from ********** "

kaya naupo siya sa harap ko...

O_O

" Hi my name is Adrian.. "

" ah eh oo alam ko ikaw si Adrian, ako nga din pala si Jean " sabay nagkamayan

naging mabait sakin si Adrian tinutulungan rin nya ako sa mga assignments lalo na sa Math...

"Jean pwede ba tayong sabay mag Llunch? kung okay lang sayo? "

" syempre naman, pero ilibre mo nalang ako okay lang ba? "

" sige ba.. "

pumunta kaming canteen at dun nag Llunch hangang napunta nalang ang usapan namin sa

LOVE <3

 " Jean may boyfriend kanaba o naging boyfriend? " 

" ako??! wala no.. NBSB means No Boyfriend Since Birth "

" pero bakit naman ganun eh sa ganda mong yan wlang magkakagusto sayo imposible.. eh para sakin nasa yo na ang lahat "

" alam mo Adrian ayoko kasing masaktan kasi alam kong masakit yon, naranasan na kasi yan ng mama ko dahil iniwan sya ng papa ko "

pero makalipas ang isang taon 3rd year highschool na kami

O_O

" Jean pwede ba kitang ligawan??"

" ah eh eh s-seryoso k-kaba?? alam mo bago mo gawin yan mag isip-isip ka muna,pero hindi naman sa pinag tutulakan kita,, pero ang dami-dami pang mga babae dyan oh, maganda mabait at matalino "

" pero Jean ikaw ang gusto ko at gagawin ko ang lahat, makuha lang ang matamis mong OO "

" pero pano na yan hindi na tayo classmate eh, pero sabi mo ha na gagawin mo ang lahat, pero pano kung pag hintayin kita nga dalawang taon "

" okay lang sakin diba sabi ko ng na gagawin ko ang lahat "

gabi-gabi niya akong tini text  at binibigyan niya rin ako ng load

" Hindi ka paba inaantok? "

" grabe kakatext mo palang antok agad "

incoming call from Adrian

" hello Adrian bat napatawag ka pwede ka namang mag text eh " 

" tinatamad ako eh napagod siguro ako kakaturo sayo ng Math " sabi ni Adrian

11:30 pm

" goodnight Jean,sweet dreams "

" oo na sige na goodnight din, sleep tight " sagot ko naman

" w3w ang sweet "

" ay hindi mo alam matagal na akong sweet no "

bat ang tagal nag reply nun anong nangyari dun, so  decided to text him again

" hoy!! okay kalang ba anong nangyari sayo? hoy!! reply ka naman "

 after 3 minutes 

" huh! kita mo  na hindi lang ako nag reply, nag-alala kana baka ano na nangyari sakin, uuuyy concern may feelings ka narin siguro sakin no <3 "

" eh ano naman ngayon kung Concern sweet nga ako diba!... matulog kana nga nag goodnight kana tapos mang-aasar kapa, sige na tulog kana "

" okay GOODNIGHT

I

L

Y "

kaya gabi-gabi kaming nag tetext sa isat-isa hangang sa......

ilang araw na siyang hindi nagtetext hindi man lang sya pumupunta sa room ko, ne paramdam wala eh...

nagtext sya tas tinanong

" sinu ngayon crush mo wag kang mag alala susuportahan kita " 

kaya naisip ko, ano naba talaga nangyari sa kanya sabi niya mahal nya ako at gagawin nya ang lahat sagutin ko lang siya, pero bat ganun ngayon pinapamigay na niya ako...

gabi-gabi hinihintay ko txt nya o tawag pero ni isa wla, hindi ko naman alam na masasaktan pala ako sa ginawa niya sa akin, kahit anong pilit kong kalimutan siya nasa isip at puso ko na sya, parang mighty band ang hirap tanggalin. Hangang sa makalipas ang ilang araw nakita ko nalang syang may kasamang babae and I realize....

hindi lahat nang pangako matutupad at lahat pala pwede maglaho at magbago......

The end...

Thanks for reading I hope you like it :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything has changeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon