Chap. 18

7.8K 187 1
                                    

Nang pumasok ang mag-asawa sa loob ng building sinalubong naman sila ng ibang mga Businessmen at Socialites. Kabila’t kanan ang ngiti nilang dalawa.

“Congratulations! Both of you look so happy. ” Sabi ng isang ginang.

Hindi mapigil ni Mauve na hawakang mahigpit ang kamay ng asawa habang nakikipagkamayan sa ibang tao. Pakiramdam tuloy ni Amy ayaw s’yang pakawalan ni Mauve sa bawat kilos nito.

Ngunit nabigla si Amy nang may isang babaeng lumapit sa kanyang asawa at agad itong hinagkan  si Mauve sa pisngi..Hindi n'ya agad nakilala. Muli n'yang nilingon at walang iba kundi ....si MAYBELLE.

“ Hello, Honey. You look so hot.” --si Maybelle

Habang binubulongan ni Maybelle  si  Mauve ay pinulupot nito ang kanyang  kamay sa kabilang bisig. Habang ang kabilang kamay ni Mauve ay nakahawak sa kamay ng asawa.

“ Maybelle, pwede ba h’wag kang gumawa ng iskandalo dito.” Palihim na sinabi ni Mauve.

Ngumiti lamang si Maybelle na parang inaasar si Mauve.

“Oh, Hi Amy. ” Sarcastic na sinabi ni Maybelle kay Amy. Tumaas naman ang kilay ni Amy nang makitang nakapulupot ang kamay ng babae sa asawa.

“ Nagkamali ka yata nang pagpulupot ng kamay mo. Humanap ka nalang ng ibang partner. Because Mauve is not available.” ---sabi ni Amy.

Napalingon si Mauve sa asawa. Nginitian lamang ni Amy.

“ Oh, by the way, Have you seen Andrew? He’s here.” Dagdag ni Maybelle.

Napalingon si Mauve kay Amy. Hindi umimik si Amy iniwasan n’yang tumingin sa asawa.

“ Gusto mong hanapin ko s’ya sa ‘yo? Magsama nalang tayo sa iisang table. Kayong dalawang mag-asawa kasama kami na mga EX n’yo. Exciting di ba?” Tila inaasar pa ni Maybelle si Amy.

Gustong lapitan ni Amy at sabunutan si Maybelle. Kung hindi lang nakakahiya sa mga taong nakapaligid sa kanila baka nakalmot na n’ya.

“Maybelle, please. Tumigil ka.” Mahinahong sinabi ni Mauve pero maawtoridad. Lumayo nalang si Maybelle sa dalawa. Nakahinga naman ng maluwag si Mauve.

Dumiretso si Maybelle sa Bar Counter at nakita si Andrew.

“Andrew. ” Nakipagbeso-beso si Amy sa kababata.

“ You look sexy tonight.” Sabi ni Andrew habang pinagmamasdan si Maybelle mula ulo hanggang paa.

Every Now And Then ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon