Trip Lang!

389 26 6
                                    

*****

Nandito ako sa hallway naglalakad. Hays! Sana talaga napasa ko yung exam sa Calculus. Ewan ko ba kung bakit ipinanganak akong bobo.

"Tabi!"

"Ay kabayo!"

Syet! Ang sakit ng balakang ko! Sino ba tong bumangga sa akin? Makakakitim talaga toh!

"Uhh.. sorry Aishel" sabi ng lalake. Pero teka! WHAT!

"Bakit mo ako kilala?" Tanong habang matalim ko siyang tinitignan.

"Cute"

Napairap na lang ko. Obvious naman kasi eh. Mas lalo ko siyang tinignan ng masama.

"Okay fine!" At tinuro niya ang ID ko. Ghaaad! Ang panget ko kaya sa pic na toh!

Nagkibitbalikat na lang ako at kinuha ang gamit kong nahulog at nagpatuloy sa paglalakad. May naramdaman akong kamay sa braso ko kaya napalingon ako.

"Ano nanaman?"

"Uhh.. available ka ba?" ANO?!

"Anong tingin mo sa akin? Prosti?! Tatanungin mo lang kung kailan ako available? Ghad!"

"HAHAHAHA! Ayos ka rin noh? Lupet mong mag-isip!" Sabi niya habang tumatawa. Urgh! Sana mabilaukan ka sa sarili mong laway!

"I mean single ka ba?" Tanong niya habang pinipigilan ang pagtawa. Namula naman ako sa tanong niya. Ano may balak ba siyang ligawan ako? Pwes! Di ko siya type! Sorry na lang.

"Anong pake mo?" Mataray kong sabi sa kanya.

"Pwede bang manligaw?" Ano?! Ramdam ko ang init sa aking pisngi. Ghad Aishel Kim! Nakakahiya.

"B-bahala ka nga diyan! Wala akong oras para sa mga taong walang kwenta!" Sabi ko at naglakad ng mabilis para hindi maabutan ng hinayupak na yun.

Nakatambay ako ngayon sa likod ng school. Ang loner ng dating ko. Buti pa magsa-soundtrip muna ako. Kinapa ko ang bulsa ko. Wala dito yung phone ko! Asan na kaya yun? Kinuha ko ang bag ko at hinalughog ang lahat ng gamit-- TEKA! Wala akong makita! Sino ba tong nagtatakip sa mata ko?!

"Miss me?" Tumindig balahibo ko ng may naramdamang hininga malapit sa tenga ko. Ang bango ng hininga! Amoy strawberry! Ay sandali! Kinurot ko ang braso ng may hawak sa akin at tinanggal ang kamay niya sa mata ko.

"Ikaw nanaman!" Sigaw ko at tumawa lang siya. Kanina pa tong lalakeng to h ni hindi ko nga kilala.

"Bakit mo ba ako pinepeste ni hindi kita kilala!" Bulyaw ko sa lalakeng feeling close.

"Chill babes mas naiinlove ako sayo." Ano ba talagang problema niya at ako ang trip niya ngayon?

"Wag mo nga akong mababes-babes diyan! Sino ka ba ha?!" Talagang ginagalit ako ng lalakeng to ha!

"Pffft. You're so cute when you're mad. My name is Ethan Marcoso" Sabay ngiting aso.

*thump*

*thump*

*thump*

A-ano yun?!

*thump*

*thump*

Jusko! May sakit ba ako?

"Mahilig ka pala sa Hello Kitty?" How on earth!?

"Marunong ka rin mag skateboard. Cool" Bat niya alam yun?!

TRIP LANGWhere stories live. Discover now