I'll Be (Chapter 4)

982 26 8
                                    

4

I need you...

Anong kalokohan ang narinig ko!? Hindi ko magawang intindihin kung anong rason bakit bigla na lang siyang nawala at bigla na lang niyang sasabihing salamat sa lahat. Hindi ako galit kay Thea, pero galit ako sa sarili ko dahil wala akong alam sa nangyayari.

May problem ba siya? Pwede naman niyang sabihin sa'kin kung meron.

Hindi niya ba nagustuhan 'yung ginawa ko sa gym? Pero nakita ko siyang nakangiti kaya imposibleng dahil dun kaya bigla na lang niya 'tong ginawa.

Sorry Thea, pero hindi ako titigil hangga't 'di ko nalalaman ang dahilan. Hangga't 'di kita nakikita, hindi ko gagawin ang sinabi mo. Hahanapin kita kahit sa'n ka pa magpunta. Not now kung kailan ko gustong alagaan at protektahan ka—pasayahin ka sa kahit anong paraan na pwede kong gawin.

Nagmamadali akong pumunta sa locker room ng team namin. Kinuha ko agad ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng pintuan, na agad din namang hinarang ng iba.

"Pre, nagmamadali ako," seryosong sabi ko. Si Rick ang humarang sa'kin sa pintuan.

"Chill lang, nakita mo ba si Thea?" tanong niya.

"Hindi, pero hahanapin ko siya," at saka ko siya nilagpasan at lumabas na 'ko ng pintuan.

Ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi ko pinilit alamin ang ibang bagay tungkol sa kanya. Ngayon, wala akong alam sa kung sa'n ko siya unang hahanapin. Siguro, huling solusyon ko na lang ang lalaking 'yun sa kung anong dapat kong malaman tungkol kay Thea. Bahala na, wala na 'kong pakialam kung ano pang iisipin ng taong 'yun sa gagawin kong pagtatanong. Ang mahalaga, makita ko si Thea ngayon.

Pumunta ako sa university ng kalaban naming team. Ramdam kong hindi ko na dapat ipagpabukas pa ang paghahanap sa kanya. Hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang totoong dahilan ng biglaang pag-alis ni Thea. 'Di ako papayag na basta sa gano'n na lang mauwi ang lahat.

Magkikita pa tayo, Thea. Hintayin mo lang ako.

-=-=-=-

Walang tao sa kwarto nang magising ako. Dapat sanay na 'ko pero nakaramdam pa rin ako ng takot. Parang noong unang beses ko pa lang na ma-confine sa ospital. 'Yung takot na baka bigla na lang akong mawalan ng hininga at magdilim ang paningin.

Natatakot ako ngayon dahil ayoko pang mawala sa mundo, gusto ko pang mabuhay.

Gustung-gusto ko pang mabuhay...

"Sorry, Vic..." mahina kong sabi sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ng nangyari sa kanya. Hindi man lang ako pinagbigyan na matapos ko ang game nila. Sinadya ba 'yun ng tadhana dahil sa gagawin kong pag-iwan kay Vic ng walang paalam?

Siguro nga...

Pero para rin sa kanya ang ginawa kong pag-alis.

Narinig kong bumukas ang pintuan pero hindi ako makalingon para tingnan kung sinong pumasok. Pakiramdam ko kasi ay ang bigat na naman ng buong katawan ko. Pagod na pagod, at walang lakas para igalaw ang bawat parte nito.

"Thea," lumapit sa gilid ko si Ate Celine. Hindi siya nagkapagsalita kaagad matapos niyang tawagin ang pangalan ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang mga salitang hindi niya mabitawan. Kaya pilit akong ngumiti para ipanatag ang loob niya. Hinimas niya ang ulunan ko at saka umupo sa gilid ng kama. "This time, kailangan mo nang sundin ang lahat ng sasabihin ni Ate at ni Doc, okay?"

Ngumiti ako at saka sinabing, "Kamusta na ang katawan ko, Ate? Mas lumala ba siya? Kailangan ko na bang malaman kung ilang buwan, linggo, o araw—."

I'll Be (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon