I'll Be (Chapter 5: Last Chapter)

1.4K 49 9
                                    


5

I'll be with you...forever.


Sana maggabi na para dumating na si Vic. Alam kong nahihirapan din siya pero tulad ng sinasabi niya sa'kin palagi, ang pahinga niya ay ang makita akong nakangiti at masaya. I'm happy sa tuwing nakikita ko siya, gumagaang ang loob ko.

"I miss you..." nabulong ko na lang sa sarili ko.

Lumabas si Ateat may titingnan lang daw siya sandali. Kaya nang bumukas 'yung pinto ilang minuto pagkalabas ni Ate, I'm expecting na siya naang dumating pero mali ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko...

"Jayson," 'di makapaniwalang tawag ko sa kanya.

Nakatitig lang siya sa'kin habang papasok siya sa kwarto at papalapit sa kinahihigaan ko. "Thea," tawag niya na parang hindi makapaniwala sa nakikita ng mga mata niya. Kita ko sa mga mata nito ang nagbabadyang mga luha. Nasasaktan akong makita siyang umiiyak. It's not what I want...

Nang huminto na siya sa tabi ko. Nakatitig siya sa'kin na parang nakatingin siya sa pinakakawawang nilalang sa mundo. That's not what I want...

"Thea—."

"Stop looking at me like I'm piece of crap, Jayson," umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang makita niya 'ko ng ganito. "Ayaw kitang makausap—," bigla siyang napaluhod sa gilid ng kama ko at tumungo. Hinawakan niya ang kamay ko at saka sinabing...

"I'm so sorry, Thea," umiiyak siya. Hindi ko pa nakikitang umiyak si Jayson simula nang makilala ko siya. Ayoko siyang makitang umiyak. "Alam ko, oo, napakalaki kong gag*. Bakit naniwala ako sa'yong okay ka na?!" Pa'no niya nalaman? Bakit kailangan niyang malaman?! "Pumunta ako sa shop at nakita ko si Vic na kausap ang manager ng shop. Tinanong ko kung anong ginagawa ni Vic doon. Hinahanap ka raw niya. No'ng una, natawa pa 'ko dahil akala ko tinataguan mo siya pero nang puntahan kita sa bahay niyo para ipaalam sana sa'yo na hinahanap ka niya, hindi na kayo do'n nakatira. Kinabahan ako eh, parang may mali. May mali sa nangyayari at alam ko na isa ako sa mga maling nangyayari ngayon sa'yo. Kaya binalikan ko 'tong ospital..." ramdam ko ang guilt sa boses niya, ang panghihinayang, at ang lungkot. "Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun sa'yo. Bakit bigla akong umalis—," at itinuloy niya ang pag-iyak niya. Ramdam ko ang pagsisisi at panghihinayang. "Natakot ako, 'yun ang totoo, Thea. Natakot akong ipaalam sa'yo ang tungkol sa'min ni Faye lalo na nang sabihin mo ang naging sakit mo. Ayokong makaramdam ng guilt kaya umalis ako nang hindi nagpapaalam sa'yo. Pero," tumingin siya sa'kin na may luha sa kanyang mga mata.

"Mali ako. Maling-mali..." at saka ulit siya tumungo para iwasan ang tingin ko. "Pumunta ako dito, nalaman kong naka-confine ka pa rin. Hindi ko nagawang puntahan ka agad, nilamon ako ng konsensya ko sa mga ginawa ko sa'yo. Nahiya ako sa sarili ko, sa mga ginawa ko.Wala akong takas, patawarin mo 'ko Thea. Dahil din sa'kin kaya nagkasira kayo ng kabigan mong si Faye. I'm sorry. I'm very sorry." Hindi niya inaangat ang ulunan niya para tingnan ako. That is not what I want...

Hinawakan ko siya sa balikat. "Ilang beses kong sinabing galit ako sa inyo ni Faye. Pero alam mo ba, Jayson? Ilang beses ko rin kayong pinatawad. Sinasabi ng utak ko na dapat magalit ako sa inyo, pero sa puso ko... hindi ko magawang magalit sa inyong dalawa dahil parehas ko kayong mahal."

"I don't deserve any kindness from you, Thea. Most especially your love, I don't deserve any of that. Hindi ko alam...hindi ko alam na hanggang ngayon may sakit ka pa rin. Pinili kong 'wag alamin kunganong lagay mo, I'm sorry Thea. Patawarin mo 'ko..."sabi niya habang nakatungo pa rin.

I'll Be (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon