Chapter 2: Memories

8 0 1
                                    

Summer's P.O.V

Lakad lang ako ng lakad dahil nawalan nako sa mood. Tumawag lang kasi ang magaling kong tatay.

Pero kahit ganoon yun? Miss ko na yun. Pati si mama. Nung bata kasi kami lagi kaming sama sama kumakain pero habang patagal ng patagal

Nawawalan na sila ng oras saamin ni kuya. Nagiging workaholic sila hanggang sa naging ganto na.

Kami dito naiwan sa bahay kasama mga maid sila sa ibang bansa pero naiintindihan naman namin eh

Pero nung si kuya pumuntang ibang bansa? Duon ako naiyak talaga. Wala na nga ang magulang namin pati siya iiwan ako? Pero dahil mahal ko si kuya okay lang saakin. Dahil yun naman ang gusto niya tsaka nagpromise siya saakin na babalik siya rito

✴✴✴✴

Andito ako ngayon sa garden para makapag relax. Ngayong iniisip kong darating sila papa parang masaya na nalulugkot eh

Ahggg. Never mind nalang. Makaidlip na nga lang

✴✴✴✴

'Ano ba wag kayong maingay'

'Pagyan nagising di ko kasalanan yan'

'Gisingin mo nyo nakaya'

'Huh? Bat ako pa?'

Ano bayan ang iingay naman! Kitang natutulog eh.

Ilang sandali pa

*poke*poke*

May tumapik nang balikat ko pero di ko parin minumulat yung mata ko. Actually kanina pako gising di ko lang talaga sila pinapansin at nakapikit ako

"Summer gising na" sabi ni Marc sabay yugyog medyo naasar naman ako ruon

Kaya minulat ko na ang mata ko nakita ko sila na nakaupo rin dito sa tabi ko sa ilalim ng puno si Justine panga eh nakahiga na

"Dito kalang pala nagpunta? Kanina kapa namin hinahanap eh" simula ni Marc

"Sinabi ko bang hanapin nyo ko?" Sabi ko ng may irap. Nakakabadtrip kasi si Papa salagay eh

"Nagaalala kasi kami nung umalis ka na kasi ng room para sagutin ang tawag ng papa mo sayo,  inorasan ka nga ni Justine eh. Nung tumagal na duon na kami nagtaka" paliwanag naman ni David

Kaya napataas naman ako ng kilay sabay tingin kay Justine na nakatingin rin saakin. Seriously inorasan pa niya talaga ako? Tinaasan niya rin ako ng kilay kaya napaiwas nako ng tingin. Pshh sungit talaga nito.

"Nga pala ano yung sinabi nang papa mo sayo?" Usisa ni Marc

Tingan mo toh kalalaking tao napaka chismoso!

Napaiwas ako ng tingin sakanila at bumuntong hininga

"Uuwi naraw sila papa sa makalawa"

"Yun lang naman pala eh anong prob--- ANO? DADATING NA YUNG PAPA MO?" sigaw ni Marc busit kailangang isigaw?

"Kailangan ba talagang isigaw?!" Iritang natong ko. Buwisit!

"Hehehe, Sorry" sabi niya sabay peace sign

Napa roll eyes nalang ako.

Lumapit saakin si David at ginulo ang buhok sabay sabing

"Hayaan mo nandito naman kami eh, pero sa ngayon kailangan muna natin ng practice para sa school festival dito kinuha narin namin yung gamit mong gitara at bag sabi kasi ni Ma'am excuse daw tayo" mahabang paliwanag ni David kaya tumayo na kami at dumeretso sa music room.

Ng nakarating nakami sa music room naguusap usap kami kung ano ang kakantahin namin sa school festival magkakaroon kasi kami ng special event na sesentro sa banda namin na tutugtog.

(A/N: binago ko na po di na po pala dahil sa isang subject kaya niya dinala yung gitara dahil sa school festival napo pala.)

Nang nagsa-suggest na ng mga kanta ay bigla akong natahimik ng bangitin ni David ang kantang sa tingin ko ay ayaw ko ng marinig pero sa tingin ko maririnig ko nanaman at Malala pa kakantahin at tutugtugin pa namin

Pero wala narin akong nagawa dahil payag silang lahat sa sinuggest ni David at ng matapos na namin planuhin ang lahat ng kakantahin namin ay nagpratice na kami

Kinuha ko na rin ang gitara ko at nagsimula na kaming tumugtog

'Ako Nalang Ang Bibitaw' na ang kakantahin at tutugtugin namin at aaminin ko nanginginig ang mga kamay ko hindi dahil sa kaba kundi dahil naaalala ko nanaman ang mga nangyari noon bago niya ko iwan

Sino ba ang unang magsasabi
na hindi na tayo tulad ng dati?
Napipilitan nga ba tayo?
Dahan-dahang nadarama ating paglayo

Mga ilang weeks rin nung naramdaman kong medyo umiiwas siya saakin

'Di ba oras na mulatin ang mata?
Aminin ang tunay na nararamdaman
'Wag sana nating hintayin na maubos ang isat-isa
Wala nang maibibigay pa

Pero di ko na pinapansin yun kasi baka busy lang siya

Minahal kita, Minahal mo ako
Ngunit tadhana ay sadyang nagbago
Kumakapit na lang ba sa alaala
no'ng panahon na tayo'y masaya

Baka mabuti pang ngayon palang ako na ang magpapaalam
Para sayo ako na lang ang bibitaw

Ako na lang ang bibitaw

Pero nung inaya niya kong gumala kami as in kaming dalawa lang ang saya ko nun kumanta panga siya eh kaso parang may mali nun, kasi yung kinanta niya ay ang kantang ito

Paulit-ulit na mga alitan
Masasakit na salita ngayo'y 'di maiwasan
Hanggang kailan ba magtitiis?
Napapagod na sa kakaisip

Di ko na namamalayang tumulo na pala ang luha ko kaya pinahid ko agad ito bago nila mapansin na umiiyak ako ito na nga ba ang kinakatakot ko eh ang umiyak ulit ng dahil sa kanya

'Di ba oras na tanggapin na hanggang dito nalang tayo?
'Wag nang patagalin pa

Minahal kita, Minahal mo ako
Ngunit tadhana ay sadyang nagbago
Kumakapit na lang ba sa ala-ala
no'ng panahon na tayo'y masaya?

Di ko alam kung bakit siya umalis bigla pero etoh ako ngayon pilit na lang pinapaintindi sa sarili ko na kaya lang siya umalis ay may kailangan siyang gawin

Baka mabuti pang ngayon palang ako na ang magpapaalam
Para sayo ako na lang ang bibitaw

Nasaktan ako nun nung umalis siya ng walang paaalam bigla bigla nalang niya akong iniwan pero alam kong may dahilan siya

Hay nako nagbababalik na naman ang mga alaala

Bakit kaya ganon kahit ilang beses mong kalimutan ang mga alaala bumabalik pa din
Pero buti pa ang alaala bumabalik balik pero siya kelan kaya babalik

================================

Humugot na si bes oh my gush hahaha

Maraming salamat sa mga nagintay sa ud hahhaa kung meron. At kung meron man comment naman kayo

Pag pasensyahan na at ngayon lang ako nakapag ud ah? Naka focus kasi ako dun sa isang story kong 'She's the long lost princess' sana po basahin niyo

At syempre maraming mariming salamat sa aking editor

Mhuaaa loveyou talaga. Ambait bait

Anyway satingin nyo sino yung tinutukoy ni Summer?

Well basahin nalang at intayin para malaman hahaha

Hanggang samuli babye

Can You Bear My Flaws?Where stories live. Discover now