Chapter Two

105 2 0
                                    

CHAPTER TWO

 

Thursday

Dahil na-late na nga ako, naprincipal's office ako. Nandito ako ngayon sa isang maliit na silid na may isang mesa at isang silya kung saan madalas nakatambay si Aling Mameng. Malapit iyon sa counter ng canteen.

Sumasabay sa sermon ng kwarenta'y singko anyos na biyuda ang ingay ng dinosaur niyang electric fan na ayaw pa niyang pagpahingahin.

"Ilang beses ka ng na-late?"

"Sorry naman Aling Mameng. Welgang bayan pala ngayon kaya nahirapan akong sumakay."Nagkamot pa ako ng ulo. 

"Hindi ko na kasalanan 'yon. Alas-sais ang usapan nating pasok mo kaya dapat nandito ka alas-sais impunto!"

Mukhang gutom 'tong si Aling Mameng. Balak yata akong gawing hapunan. Katakot kung makasigaw.

"Hindi na po mauulit, promise." Sabay taas ng kanang kamay ko.

"Hindi na mauulit? Eh 'yan din ang sinabi mo kahapon ah."

Sinabi ko ba 'yon? Anyway, OA talaga itong si Aling Mameng. Hindi naman siguro ikalulugi ng canteen niya kung na-late ng kaunti ang dishwasher niya.

"Ikakaltas ko ito sa suweldo mo."

Hala. Kaltas na naman?

"Pwede ho bang sa susunod na suweldo n'yo na lang ikaltas? May babayaran ho kasi akong utang."

"Hindi maaari. Ngayong cut-off ka na-late kaya ngayon dapat ibawas. Kung ayaw mong kinakaltasan ka sa suweldo mo, pumasok ka ng maaga at huwag kang nagpapa-late."

Sabi ko nga. Magre-react pa ba ako eh siya ang amo.

Lumabas na ako ng opisina niya at dumiretso sa kusina. 

Hmp! Pasalamat si Aling Mameng at malawak ang pang-intindi ko kundi sa dahon ng saging kakain ang mga customers niya kapag aksidente kong naibagsak sa sahig ang mga plato niya. 

I-try ko kaya? One time lang?Hihihihi. (Witch laugh)

Kinabukasan.

Masama ang kutob ko. Parang may kakaiba sa araw na 'to. Pagpasok kong gate ng Woodrose University, nakatingin na sa akin lahat ng makasalubong ko. 

I'm not used to it. Sanay akong itrato na parang si Casper. Invisible.

Weird. Nasa ibang dimension ba ako?

Tiningnan ko ang oras sa suot kong wristwatch. Maaga pa. Pwede pa akong dumaan ng library para humiram ng libro.

The Handsome and the Pretty BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon