Kabanata 1: Ang Ipinadala ni Emre

2.5K 62 9
                                    

Enchan Word/s

Avisala Eshma- Maraming salamat
Encantado/Encantada- tawag sa nilalang sa Encantadia
Emre- Ang sinasamaba ng mabubuting encantado/ encantada

∞∞∞

"Ades hindi ko na kailangan pang suotin itong napakarangyang kasuotan gayong ako'y matutulog lamang." Wika ni Amihan sa kanilang punong dama na si Ades. Naupo naman si Mine-a sa tabi ni Amihan at binigyan nya ito ng malapad na ngiti.

"Mahal na Reyna mas mabuti na ang maghanda dahil batid kong anumang oras sa iyong pagpikit ay maaring makasama mo na ang encantado na inilaan ni Bathalang Emre upang maging ama ng iyong tagapagmana." Wika naman ng punong dama.

"Tama ang tinuran ni Ades anak, anumang oras ay iyo nang makakaniig ang encantadong pinili ni Bathalang Emre kung kaya't mas mainam nang ika'y maghanda." Hinawakan naman ng dating Reyna ang mga kamay ng anak. Dahil na rin sa tinuran ng punong dama at ni Mine-a ay bigla na lamang nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso nya si Amihan kung kaya't napahawak na lamang sya sa kanyang dibdib kung saan matatagpuan ang kanyang puso at dinama ang mabilis na pagtibok nito.

"May problema ba Amihan?" Nag- aalalang tanong ni Mine-a ng mapansin ang ginawa ni Amihan.

"Wala naman ina may naramdaman lamang akong kakaiba sa aking dibdib kung kaya't wag ka nang mag- alala."

"Kung gayon, mauuna na ako nang ikaw ay makapagpahinga na anak kong reyna." Pagpapaalam ni Mine-a kay Amihan.

"Avisala Eshma Ynang Reyna." Tumayo na nga si Mine-a at bago nya nilisan ang silid ni Amihan ay niyakap nya muna ang anak.

"Batid kong nagbabahala ka Amihan at hindi ko maiwawaksi sa iyo na maramdaman iyan ngunit isipin mo na lamang na kung sino mang encantado ang napili ni Emre ay siyang tunay na karapat dapat at natatanging nilalang na ipinagkaloob sa iyo ng ating mahabaging bathalang si Emre."

Linisan na ni Mine-a at ng punong dama ang silid ni Amihan at ilang sandali pa lamang ay nahimbing na sa pagkakatulog ang Reyna.

∞∞∞

*(Panaginip ni Amihan)*

Natagpuan ni Amihan ang kanyang sarili sa isang napakaganda ngunit hindi pamilyar na lugar.

"Marahil ay ngayon na ang oras na inilaan ni Emre upang makilala ko ang magiging ama ng aking anak." Napabuntong hininga si Amihan ng dahil sa kabang kanyang nadarama. Minabuti nyang maupo muna habang naghihintay kung darating na nga ba ang nilalang na pinili ni Emre para sa kanya.

Maya- maya pa ay nakaramdam siya ng yabag ng paa sa kanyang likuran. Hindi man nya ito lingunin ay sigurado syang ang nilalang na nasa kanyang likuran ay ang encantadong ipinadala ni Emre sa kanya.

"Diwata." Panimula ng engkantadong nasa likuran ni Amihan.

Nang marinig ni Amihan ang boses ng encantado ay mas lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso ngunit gayon pa man ay tumayo sya at hinarap ang engkantado ng may malapad na ngiti sa kanyang mga labi.

"Ikaw...ikaw ba ang ipinadala ni Emre sa akin?" Nauutal na tanong ni Amihan sa encantado.

"Ako nga diwata."

Hindi maipagkaila ng encantado na lubhang napakaganda ng diwatang nasa kanyang harapan. Batid nya sa kanyang sarili na ngayon lamang siya nakakita ng nilalang na may ganito kagandang wangis.

Naupo silang dalawa at kahit walang nagsasalita sa kanilang dalawa ay mababatid ang pangungusap sa kanilang mga mata. Marahang hinawakan ng encantado ang kamay ni Amihan at pinagdaop ang kanilang mga palad. Nang mga sandaling iyon, ay nagliwanag ang magkadaop nilang palad. Hindi mapigilang ng encantado ang kanyang sarili kung kaya't hinalikan nya nang walang pag- aalinlangan ang kamay ng diwata.

Hindi maiwasan ni Amihan na mapatitig sa engkantadong kanyang kadaupang palad at ganon din naman ang nasabing encantado.

"Lubhang napakaganda mo diwata." Sambit ng encantado. Napangiti na lamang si Amihan dahil sa tinuran ng encantado "Avisala Eshma encantado" at binigyan nya ito ng napakatamis na ngiti.

"Hindi mo kailangang magpasalamat encantada sapagkat pawang katotohanan lamang ang aking tinuran." At binigyan din ng encantado si Amihan ng matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi.

"Paumanhin ngunit nagtagpo na ba ang mga landas natin noon?" Tanong ni Amihan sa encantado. Batid nyang imposible ngunit pakiramdam nya ay nakita na nya ang mga ngiti ng encantado noon.

"Sa pagkakatanda ko ay hindi pa diwata, ngunit ang hindi ko rin mawari ay parang nakilala na kita noon pa." Pagtatapat ng encantado kay Amihan.

Hanggang ngayon ay magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Tila ba walang gustong bumitiw sa kanilang dalawa.

"Nais kong malaman ang iyong ngalan encantado nang sa gayon ay aking maalala kung nagkita na ba tayo noon pa."

"Ybrahim, yan ang aking ngalan diwata." Kasabay ng pagsambit ng encantado sa kanyang ngalan ay ang pagtatagpo ng kanilang mga mata.

Hindi maitatago na may kakaiba silang naramdaman ng mga oras na yon. Tila ba, tumigil ang mundo ng mga sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata. Pakiramdam nila'y kahit noon pa man ay may nag- uugnay na sa kanilang dalawa kung kaya't ngayon ay natagpuan nila ang isa't isa.

"Kung mamarapatin mo ay ibig ko sanang malaman ang iyong ngalan diwata." Nagsusumamong wika ni Ybrahim.

"Ami----"

∞∞∞

"Ybarro?" Gayon na lamang ang gulat ni Ybarro ng maalimpungatan mula sa kanyang pagkakatulog.

"Bakit kaydali mo naman yatang nagising sa iyong pagkakatulog?" Agad namang napatingin si Ybarro sa mukha ng diwatang kanyang iniibig.

"May kakat'wang napanaginipan lamang ako Mahal kong Alena kung kaya't ako'y nagising." At mas hinigpitan pa nya ang yakap nya kay Alena.

"Maaari mo bang ilahad kung ano ang iyong napanaginipan Mahal ko?" Alam ni Ybarro na hindi dapat sya maglihim sa kanyang kasintahang diwata subalit batid nitong hindi nya maaaring sabihin na ang laman ng kanyang panaginip ay isang napakagandang diwata at hindi rin nya maikakaila na sa panaginip na iyon ay lubos syang nabighani dito.

"Hindi ko na masyadong maalala mahal ko at hindi na rin mahalaga kung ano man ang napanaginipan ko dahil batid kong hinding hindi mangyayari iyon." Umayos sa kanyang pagkakaupo si Ybarro at hinawakan ang kamay ng diwatang nasa kanyang harapan.

"Mahal na mahal kita Alena at nakasisiguro akong ikaw lamang ang nag- iisang diwatang aking iibigin hanggang sa huli."

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon