Kabanata 12: E Correi...

1.4K 46 3
                                    

Enchan Word/s

E Correi- Mahal Ko

∞∞∞

Nakabalik na si Sang'gre Danaya sa Encantadia at sa kanyang pagbabalik ay naisama nya si Lira, ang totoo at nag-iisang anak ni Hara Amihan at Rehav Ybrahim. Hindi naman naging lingid sa kaalaman ni Diwani Lira ang tungkol sa kanyang pinagmulan at ang kanyang totoong katauhan sapagkat magmula bata pa'y nagabayan na siya ng kanyang kaibigang lambana na si Muyak.

Totoo ngang kasama sa pagbabalik ni Snag'gre Danaya ang kanyang hadia subalit sa kasamaang palad ay nahiwalay ito sa kanyang piling ng isang beses na sinalakay sila ng mga Hathor.

Sa tulong ng brilyante ng lupa at ng mga pashnea ay natunton ni Danaya ang pinagkukutaan ng kanyang kapatid na Hara. Subalit kasabay nito ang kanyang pagkalungkot sapagkat nabigo siyang isama sa kanya ang matagal nang nawalay sa kanilang si Lira.

"Kung narito lamang si Sang'gre Danaya ay malaki ang kanyang maitutulong sa atin sampu ng kanyang brilyante." May lungkot na tinuran ni Mashna Aquil sa kaibigan at kapwa mashnang si Alira Naswen. Lingid sa kaalaman ng mashna ay narinig ito ng kadarating lamang sa kuta na si Sang'gre Danaya.

"Ako ba ang hinahanap mo Aquil?" Nangingiting sambit ng Sang'gre.

Laking gulat naman ng mashna at hindi makapaniwalang nasa kanyang harapan na ang diwatang matagal na niyang hinihintay na magbalik.

"Sang'gre Danaya? Totoo bang naririto ka na o isa ka na namang kathang gawa ng aking isipan!?"

"Nais mo bang gamitin ko sayo ang aking sandata upang patunayan na nagbalik na ako?" Mapang-asar na winika ni Danaya.

"Ikaw na nga Sang'gre Danaya!" At agad na niyakap ng mashna ang Sang'gre at ganun din naman si Danaya.

"Ikinalulugod ko ang iyong pagbabalik Sang'gre." May pait na tinuran ng mashna ng Sapiro na si Alira Naswen.

"Avisala Eshma Alira Naswen." Pagpapasalamat nito sa mashna saka hinarap muli si Aquil. "Kung inyong mamarapatin ay nais kong malaman kung nasaan ang aking kapatid na Hara nang sa gayon ay maipabatid ko na sa kanya ang aking pagbabalik." Sabik na sabik na wika ng Sang'gre.

"Ngayon din ay ipapabatid ko sa Hara ang iyong pagdating Mahal na Sang'gre."

"Avisala Eshma Aquil."

Ilang sandali pa'y lumabas na si Amihan sa kanyang kubol at pagkakita nya sa matagal ding nawalay na kapatid ay agad nya itong nayakap habang tumutulo ang kanyang mga luha.

"Danaya aking nakababatang kapatid, avisala eshma at nakabalik ka ng ligtas dito sa Encantadia. Kung alam mo lamang kung gaano ako nanabik na makita kang muli."

"Masaya din ako Amihan sa aking pagbabalik. Lubhang napakasaya ko rin sapagkat kasama ko na ulit kayo."

Hinawakan naman ni Amihan ang magkabilang kamay ng kapatid "Agape Avi kung noo'y hindi ko pinaniwalaan ang iyong mga tinuran. Poltre Danaya, poltre aking kapatid." Naluluha pa ring turan ni Hara Amihan.

"Wala kang dapat ihingi ng paumanhin sapagkat ginawa mo lamang ang iyong nararapat gawin bilang reyna at hindi bilang aking kapatid." Bumitaw sa pagkakahawak ni Amihan si Danaya at tinalikuran niya ang reyna ng may pag-aalala "Sa katunayan ay ako ang dapat humingi ng paumanhin sapagkat nabigo akong dalhin dito si Lira, ang iyong tunay na anak Amihan."

Dahil sa winika ni Sang'gre Danaya ay bahagyang naguluhan ay reyna. "Anong ibig mong sabihin Danaya? Paano mo nalamang nawawala ang aking tunay na anak at huwad lamang ang kinilala at pinalaki kong anak na si Mira?"

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon