𝟑: 𝐌𝐚𝐧𝐝𝐚𝐭𝐨𝐫𝐲

142 15 20
                                    

     "It's a pleasure to meet you, future wife," Lucas said, extending his hand with a smirk on his face.


     Naiwan sa ere ang kamay ni Lucas, hindi ito tinanggap ni Arriety. Hindi niya feel ang binata. Lucas is undeniably handsome but that fact is overshadowed by his smug aura.

     He had broad shoulders, jet-black hair on a textured undercut, thick brows on a sharp angle, hooded eyes, slim and pointed nose, a kissable thin lips and a symmetrical diamond face. Para siyang brunette leading man sa Hollywood but half Pinoy. Let's add the fact that he is tall. Sobrang layo ng itsura nito sa katabing ama. He must've had those features from his mom.

     Inalis ni Arriety ang mga tingin dito kaya inalis na ni Lucas ang kamay niya. That was a bit embarassing.


     "Tingin mo papayag ako agad?" she reacted to his sentence a while ago. Parang kumulo na naman ang dugo ni Mathias sa tinuran ng anak. He had a hidden agenda at ayaw niyang sirain 'yun ni Arriety.

     "Ari--" Mathias spoke her fake name to give her a heads up.

     "Ah yes, tama naman. We still need to know each other." Lucas.



     Cafe Unicorn.

     It was all awkward. Tahimik lang ang dalawa habang nagkakasalubong ang mga blankong mga titig sa isa't isa. It felt more as a mission rather than a date. Sino ba ang may pakana? Their dads.

     They are wearing all black outfits on a pastel colored cafe. Arriety on her white croptop tube paired with an oversized jacket, loose pants and a pair of rounded polished shoes, while Lucas on his suit. 

     'Yung cafe na napili nila, 'yun lang ang pinakamalapit. They chose it without an effort. 

     Napaikot pa ang mata ni Arriety nang mapansin ang tauhan ng ama na halatang halatang nakasunod sa kanila. Nasa may puno ito na katapat ng table nila, nakatago pero kita naman ang parte ng suit nito.

     Napansin din ni Lucas na pinasundan din siya ng dad niya. His dad entrusted the mission to an oddly inexperienced spy. Paano namang di niya makikilala? E nakaupo ito sa table na nasa likuran ni Arriety wearing the same suit hiding his face with a piece of newspaper. Ang tanging iniba lang nito sa suot ay ang colorful na eyeglasses nito.


     "Kailangan pa ba tayong pasundan ng spies na bulok?" Lucas spoke trying not to bring his voice up, almost not opening his mouth. Nahihiya pa siya sa ginawa ng ama.

     "They are indeed bestfriends," sabi naman ni Arriety dahilan para muntikan na silang matawa. Their faces betrayed hints of amusement, though they made an effort to hide it from each other.

     Hinihintay lang nila ang order nila habang naka-upo doon sa pink na table. Medyo matagal ito, Lucas then made his move to avoid boredome. Hinawakan niya ang kamay ni Arriety na nakapatong sa mesa.


     Aalisin na sana 'yun ng dalaga pero hinila ito ni Lucas pabalik sabay bulong, "Wag ka masyadong pahalata diyan na wala tayong spark."

     "Bwesit ka, first time nating magkakilala. You think this is normal? This is called taking advantage," she hissed silently, pabulong.

     Binitawan naman ng binata ang kamay nito. She was right. 

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟐: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐞𝐜𝐞𝐢𝐭 (𝐎𝐍 𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon