"Hi babe!" hapong hapo kong sabi. Panu ba naman nagtatatakbo ako para makapunta agad sa kanya syempre ayoko namang maghintay sya ng matagal sa kin. "Hello. Oh bat pagod na pagod ka? tumakbo ka siguro papunta dito noh!"-nica "oo babe :) ok lang yun ayokong maghintay ka sa kin ng matagal"- ako "Sus! ayos lang yun noh!"- nica "Haha. tara na?!"- pagpapalit ko ng usapan "Ok :)" - nica nag simula na kaming maglakad papunta sa patutunguhan. Habang naglalakad kami may dumaang maganda, sexy, hot, at mabangong babae sa gilid ko *drools. Napasunod ng tingin* "Ang MATA!" hinatak nya yung leeg ko palapit sa kanya. "He-he" medyo fake na tawa tas nag peace sign ako, inisnoban nya lang ko tas lumayo ng konti sakin. "ui babe!" paglalambing ko sa kanya "lumayo ka nga sakin! ang baho baho ng hininga mo! Amoy tae, Kumakain ka ba ng tae?"- nica "aw babe ang hard mo naman" medyo nadisappoint sa sinabi nya "Lul di ako pader!" sabay isnob nya sakin. "Sorry na! Malikot man ang mata ko, stick to one naman ang puso ko" - ako "Yiee! Ang korni" sarkastiko nyang sabi. "babes wag na ikaw galit" tas inakbayan ko nalang sya. At sa kabutihang palad, di na nya inalis yung kamay ko sa balikat nya.
"san mo ba kasi ako dadalhin?" tanong nya na medyo kalmado na "malapit na tayo"- ako. After 5 minutes ng paglalakad nakarating na kami sa... "Dito na tayo" sabi ko "Dito? sa lugawan?" sabi nya na medyo naiinis "oo eh. Hehe. sandali lang oorder na ko. Upo ka na dito" pinaupo ko na sya tas umorder na ko ng lugaw with egg and tokwa and towel haha XD "Oh kain ka ng marami ha!"- sabi ko "he-he ok"- nica, at nagsimula na syang kumain. "bat mo nga pala ako dito dinala?"-nica "ah.. onti lang kasi yung binigay ni papa na allowance ko eh" katwiran ko, Ngiti lang nya ang tanging natanggap kong response "Debale punong puno naman ng pagmamahal ko yang kinakain mo :)" dugtong ko "Korni mo talaga! kumain ka na nga lang"-nica di ba sya kinikilig sa mga tirada ko? nu ba yan. ang hirap namang pakiligin netong babaen to. Debale, basta akin sya :)
![](https://img.wattpad.com/cover/11381059-288-k41379.jpg)