Chapter 5
••••••••••••Third Person's POV
"They're here." Black Diablo said at kasabay nito ang pagpatay ng ilaw kaya mas lalo silang kinabahan dahil sigurado sila andito na ang
Underworld Royalties.
Pagbukas ng ilaw nagulat sila dahil nakaupo na sakanilang mga trono ang mga Royalties na hawak ang kanilang armas. Bakas ang gulat sa mukha nila dahil kanina lang nasa baba sila ngayon nasa harap na nila.
Sobrang bilis nila kumilos, walang sinasayang na oras.
"Sit." Utos ni Merciless Queen.
Agad naman siya sinunod ng mga top 5 gangster na kanina nakatayo lang dahil pinapanuod ang mga nangyayari sa baba.
Kaba at takot ang namumuo sa loob ng hall dahil sa kaharap nila ngayon na naglalabas ng malamig at nakakatakot na aura.
Samantala ang mga Black Phantom ay malalim ang iniisip dahil pakiramdam nila pamilyar ang mga nasa harapan nila ngayon.
"Introduce your gang, leaders." Malamig na sabi ni Devil King.
'Fuck! Parang galing pa sa ilalim ng lupa ang mga boses nila.' Sa isip isip ng mga top gangster.
Nauna ang Black Phantom magpakilala dahil sila ang top 1 sa Pilipinas.
"Black Diablo the Leader of Black Phantom, top 1." Malamig na pakilala ni Black Diablo sa gang nila. Tumayo naman ang mga kagang niya at yumuko sa royalties upang magbigay galang.
'Akala mo kung sinong siga sa school ngayon payuko yuko kayo samin.' Sa isip isip ng Royalties.
"Dark Angel the Leader of Hell's Angel, top 2." Pakilala ng top 2. Meron silang limang member at puro babae sila at yumuko din sila.
"Snow the Leader of Cold Duos, top 3." Dalawa naman sila. Isang babae at isang lalake.
"Fire the Leader of Deadly Elements, top 4."
"Joker the Leader of Cartoon Killer, top 5."
Hanggang top 5 lang ang nasa loob ng hall dahil sila ang mga pinakamalakas sa Underworld Philippines.
"We know that you already know why we are here, right?" Paninigurado ni Pain Princess.
Tumango naman sila.
"Good, then let's start the meeting." Sabi naman ni Coldhearted.
"Report what the Yakazi Empire have done to the Underworld." Slayer Prince said.
"Madaming tumiwalag na gangster sa underworld at lahat ng tumiwalag sa underworld ay nilalabag na ang lahat ng patakaran. Sumapi na din sila sa Yakazi Empire." Lakas loob na sabi ni Dark Angel.
"Hindi lang yon halos lahat ng tumiwalag sa Underworld eh pinaghahanap na ng mga pulis dahil sa ginagawa nilang paglabag sa batas." Dagdag ni Ice na kagang ni Snow.
Nakatingin sila sa Royalties na seryoso lang na nakikinig sakanila.
Hinihintay nila na magsalita sila lalo na ang Emperor at Empress kahit na natatakot sila.
"Kumalat na din sa mga tao dito na meron ngang Underworld kaya natatakot na ang mga inosenteng tao ngayon." Joker said.
"They already know the exsistence of Underworld and now we are on danger." Malamig na sabi ni Black Diablo. Sumangayon naman ang mga top 5 gangster pati ang mga ka gang niya.
Para sainyong kaalaman walang inosnteng tao ang nakakalaam tungkol sa underworld dahil pagnalaman nila ito matatakot sila lumabas ng bahay nila at makakarating ito sa mga pulis.