"You are invited to the most awaited wedding of the year of
Nathaniel Go and Selena Misty Ramos"
After all the challenges....
The tragedies..... The heartaches........
Here we are........Soon to be united
With the power and love of our God.
CHAPTER 1
Napangiti ako nang makita ang sariling repleksyon sa salamin
Simple yet elegant....
I'm wearing a white long gown designed with sequences and diamonds
Hindi ko akalaing masusuot ko pa ito. But ofcourse, despite of the circumstances, here I am wearing the best gown I could ever imagine
"Misty let's go baka naghihintay na si Nate sayo sa simbahan" nakangiting sabi sakin ni Mama kaya naman sinukluan ko din siya ng matamis na ngiti
"Mama....." mahinang tawag ko sa kanya na nagpabagsak sa namumuong luha sa mga mata niya
"Oh, God! Misty, be happy, okay??" wala akong nagawa kundi tumango
Feeling ko tutulo na yung mga luha ko kaya naman agad siyang lumapit sakin upang pigilan ang pagtulo nito
"Don't cry masisira ang make-up mo. I love you anak" niyakap ko siya bago ako sumagot
"I love you too, Ma" mahinang bulong ko sa kanya
"Let's go?"
* * * * * * *
My bridal car parked infront of one of the most known churches in the country. I don't know pero kinakabahan ako, is this what they call Wedding Jitters? Jeeeez!
"Misty, just stay inside the car, okay?" sabi sakin ni Papa after keeping his phone to his pocket
Why? What happened?
"Pa, may problema ba?" nag-aalala kong tanong. He simply smiled to me before saying that everything's fine
Akala ko naman kung ano na
Pumasok na sila sa loob ng simbahan, siguro para sabihing nandito na kami, hindi nila naisara yung malaking pinto kaya naman nakikita ko silang lahat doon
Nakita kong lumapit sila Mama at Papa sa parents ni Nate
Bakit kaya? Siguro, gusto lang nilang makausap muna yung soon-to-be balae nila. Hahaha
After 30 minutes....
Bakit hindi pa lumalabas sila Mama at Papa?
Tinignan ko yung oras sa sasakyan, teka.....kanina pa dapat nagsisimula ang kasal
Tumingin ulit ako sa loob ng simbahan. Bakit di pa nagsisimula?? Baka naiinip na si Nate kahihintay doon...
Nakita ko si Papa na para bang sumisigaw sa loob. Ano ba talagang nangyayari??
Bubuksan ko na sana yung pinto kaso pinigilan ako ng driver
"Ma'am! Utos po ng tatay niyo na wag kayong lalabas" paalala niya sakin
"P-pero--"
"Ma'am, mapapagalitan po ako ni Sir" di na ako lumabas kasi tama naman siya. Baka mapagalitan pa siya
Pero kasi, parang nagkakagulo na sa loob. Ano bang problema? Ngayon pa ba ipapahinto nila Papa ang kasal?? No! There's no way I'll let them! Not now na heto at malapit na kaming ikasal!