Chapter 2

42 3 0
                                    

Here Comes The End

Chapter 2

“Di pa ba magsstart?” naiinis kong tanong kay Samantha na bestfriend ko. Nandito kasi kami sa court dito sa village namin at naghihintay na simulan ang basketball game. “Excited? Wala pa nga yung kalaban, e.” Nakairap nyang sagot sakin.

Tss. Kailangan talaga nakairap? Tusukin ko mata nya, e.

Haaaay! Ang tagal naman kasing magsimula ng laro nila Kuya Shaun, oo, kapatid ko. First time ko nga lang manuod sa ganito, kung hindi nya ako pinilit, hindi naman ako manunuod. Di naman din kasi ako mahilig sa mga ganitong sports.

Pero gusto daw nya kasing Makita ko kung paano ‘daw’ tatalunin ng magaling kong kuya ang kalaban. Ang yabang nya, right? Hahaha!

“Misty, di na daw pupunta, si Mitch. As usual, tinatamad daw siya.” Samantalang si Mitch ang matagal nang aya ng ayang manuod. Hahaha. Pero wala, expected ko na din ‘to. Hahahaa. Wala nang bago dun sa isa pang bestfriend namin na yon.

“Mula nang malate sya ng 20 mins, alam ko na yan. Hahaha. Btw, matagal pa ba talaga? Nabobored na ako, e.”

“Ewan lang.Ang tagal nga ng kalaban, e. Anong group daw ba?”- Sam

“Di ko alam.” Di naman sinabi ni Kuya, e

“Oo nga naman, bakit sayo pa ako nagtanong. E hindi mo nga ata alam team ng Kuya mo, e. Hahaha—“ Bigla syang napatingin sakin. “Hindi mo nga alam?”

“Ehh.. Nakalimutan ko, e. bakit ba?” Napailing nalang sya sakin. Paanong gagawin ko? Sila lang naman ni Mitch ang mahilig sa ganito. Or should I say, mahilig sila sa ganito kasi madaming gwapo. -_____-  “Lalabas muna ako, ha? Nagugutom na ako, e.”

Di ko na sya hinintay sumagot, basta nadinig ko na lang syang sumigaw at nagpapabili ng Hotdog Sandwich. Magpapabili nanaman siya, pero hindi naman ako babayadan. Haaay! Lagi na lang!

“Miss, 2 pong hotdog sandwich, 2 fries at 2 bottled water po. Salam—A-awww!“ Napahawak na lang ako sa ulo ko at napaupo na dahil sa sakit. Napatingin ako sa bolang gumugulong palapit sakin tapos napatingin ako sa gawi ng mga basketball players na kulay blue ang jersey. May isang lalaki na papalapit sakin na sa tingin ko, ay kukunin yung bola.

Tumayo ako at inapakan ang bola, napahinto naman ang lalaki. “Miss, pahagis ng bola!”

Miss, pahagis ng bola?! Iyon lang? Iyon lang sasabihin niya?! Walang sorry?! Aba naman!

“Hoy Nate! Magsorry ka na!” Narinig kong sigaw ng kagrupo nya na nasa may likod nya.

“Bakit ako magso-sorry, e—Ahhh! SHIT!“

Aba! Loko, e! Ayaw pa mag-sorry , e sya ang may kasalanan. Nakapanakit na sya at lahat, tapos! Tss! Ayan tuloy, sinipa ko ng malakas yung  bola.

Pero.. di ko naman sinasadya na.. na dun tumama sa may… sa may.. uh.. sa may ano nya. >_______<

“B-bakit.Bakit mo naman ginawa yun!!” Halos nakahiga na sya sa semento at nakahawak sa may.. ano nya. Mukhang namimilipit na sya sa sakit at medyo namumula na din ang mga mata nya na para bang any minute ay iiyak na sya. Nagtatawanan naman ang mga kasamahan nya na para bang may nakakatawa sa pangyayari.

Magso-sorry ba ako? E kasi.. baka.. hindi na sya makagawa ng panibagong generation.. Pero, Hindi! Hindi din naman sya nagsorry sakin. Aba, pede din akong mamatay dahil sa lakas ng tama ng bola. Kaya hindi din ako magsosorry!

Umalis na ako at dumiretso pauwi, medyo malapit lang naman ang court sa bahay. Tsk. Mga katulong lang ang tao sa bahay dahil umalis sila Mama at Papa, nagbakasyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Here Comes The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon