"Charmaigne Louise Park Alcantaraaaaaaa! Gumising ka naaaaa!"
"Umm... mamaya naaa... "
"Chaii!"
"Di ka naman galit nyan mommy?"
Haha. Kaaga-aga, nasigaw. XD
Tiningnan lang ako ng masama ni mudrabels. Para bang sinasabing 'hoy! Pag di ka pa gumising alam mo na!' Haha.
At dahil mabait naman akong bata...
"Mi, five minutes pwede?"
"Five minutes." Kinindatan ko na lang si Mother Earth. Haha.
Pero inirapan ako? Torooooy ng loleng nyo! XD Siguro red alert. Mwahahaha!
After five minutes...
"Charmaigne Louise Park Alcantaraaaaaaaaaa!"
"Oo na maaaaaaaaaaaa!"
"Okay!"
Ba? Ngumiti pa si mudra at nagpeace sign? Witwew. Si mama talaga slash mommy ever bagets infiniteyyyy! Iksdi e. Haha!
(Iksdi = xD)
Bumaba na ko dala yung tuwalya ko. At opkors, naligo at ginawa lahat ng orasyon ng kababaihan sa mundong ibabaw! Pero di masyadong matagal. Di naman ako ganun ka-echos. Ika nga, simplicity is beauty. ;)
"Mommmmmyyyyyy! Mudrabelllllsssss! Maaamaaaaaa! Mamuuuuuu!"
"Problema mo Chaii?"
"Ihh mudra! ang ikli ng paldaness!"
"Yaan mo na!"
"MA! Anong hayaan ko na?! Ikaw magsusuot ma?!" Urrrggg! Kaya ayaw ko sa school na yun eh! Parang... para sa... uhm... basta! Arrrrgh!
"Bah? Tinataasan mo ko ng boses Chaii?"
"Ayy sorry mu!" Sabi ko with matching beautiful eyes at peace sign! Haha! Umepek ka!
"Alam mo kase Chaii na magandang manang mana sa mudra nya..." at binola niya pa ang sarili. Bow. XD "Di na natin kakayanin na pag-aralin ka sa luma mong school..."
"Ma, joke ba to? Are you kidding meh? Linoloko mo ba ako, ang lelong ko at lelong mo? Ma..."at hinawakan ko sa magkabilang balikat si Mama. "Mas mahal pa yung school na papasukan ko ngayon! Anong kahunghangan yan?"
"Nak, may scholarship ka. Buti na lang friendship ko si principalette ng skulembang nyo." Sabay kindat. Eh???
Tapos tinanggal niya yung kamay kong nakahawak sa magkabila niyang balikat. Sya naman ang humawak sa magkabila kong balikat. Pero di paharap sa kanya. yun bang, parang itutulak akong ewan? Lammoyun? YUN.
"Kaya pag-igihan mo ha? Sayang din yan. Plus malelate ka na. Tsaka wag ka magpahaggard ha?"
Eh?
Nanlaki naman mata ko sa sinabi ni mudra.
"Ma, ano konek?"
"Konek sa?"
"Anong konek ng pagkahaggard sa pag-aaral inang nature? Wala namang mangyayari sa grades ko kahit mahaggard ako ah?"
"May masisira."
"Ha? Aneyy naman mudrabels?"
"Future. Baka di ka makakuha ng rich and ever poging boyfriend. Arasso? Sige. Gora na! Baboosh!"
Haayyy. Nanakot daw ba? XD
Si mama talaga nahahawa na kay tita leanne aka leandrong bakla eh. Tsk tsk tsk. Operation make layo layo my mudra from tha braguda? Wala na eh. Wala ng pag-asa. -.-"
