||Nathaniel's POV||
By the way, bago ko umpisahan ang POV ng pogi, ang Janus lang ang nakakaalam ng korean name ko. Kunyari di niyo alam, k? ;)
Nandito pa rin kami sa underground. Dito na rin kami natulog. Today's Tuesday, the day of our concert.
Bale, gaganapin yun sa school gymnasium. Maganda naman kase ang gymnasium ng Ikemen. It's like an actual concert ground.
Wait, it's an actual concert ground.
Bale mga five minutes na lang mag-uumpisa na yun.
Pero andito pa rin kami ni Kael at Jeremy sa underground, sa harap ng TV, nanonood ng Lion King 2.
"Stay out of this."
"A wise king once told me, "we are one... "
"Hoy Minwoo! Youngmin! Kwangmin! Wala ba kayong planong harapin ang fans niyo?! Ano, manonood na lang kayo jan?"
"I would never let it go!"
"This one's for you, Scar!"
"Hoy mga batugan!"
Mahuhulog na siya.
Nahulog na!
Buti nga. Bwahahahahaha!
"Kiara."
"Daddy, I tried."
"Nak ng ramyeon naman! Mag-uumpisa na eh!"
"Malapit na matapos!"
"Sandali na lang tol!"
"Yun nga o! Kinasal na si Kiara at Kofu!"
"Kasal ba yun pre? Kasal agad? Di ba pwedeng basbas muna?"
"Pano mo naman nasabing basbas lang yun?"
Antagal namin naghintay ng sagot ni Kwangmin pramis.
"Kase..."
"Kase ano?"
"Walang reception."
Napaface palm na lang ako. Si Minwoo naman, nakifacepalm na lang din. Pero sa tindi ng face palm niya, nasampal niya sarili niya. XD lakas terp e.
"Uy, wawa naman si maknae namin!" with matching tingin tingin pa si Kwangmin sa mukha ni Minwoo.
"Tingin nga!" Dinamayan ko na rin daw. Para masaya. ;)
At whatta coincidence! Sabay pa naming binatukan si Minwoo...
"Katol pa dre!"
Hahaha. Epic.
"Yung totoo. May plano kayo magconcert o wala? Kanina pa the end oh!"
"Oo na leader. Lumalaki na naman butas ng ilong mo eh," sabay kindat kay Donghyun hyung. Haha.
Tsura niya eh. =_="
Haha.
Baka naman napansin niyo na naman ugali ko? Iba kasi ako sa labas at sa loob. In short, iba si Nathaniel kay Youngmin. Gets? ;)
Minadali namin ang pagbibihis. Tas diretso sa make up. Di naman super. Di naman kami babae noh! Yung ano lang naman linalagay... uhm... ano nga yun?!
F-foundation ba yun?
Ah. Oo.
Yak! Sabihin pa lang, nakakabakla na.
And dumiretso kami sa backstage.
