Hide & Seek

0 0 0
                                    

Ewan!!

Hindi ko alam kung saan at paano nag-umpisa, basta napansin ko nalang na parang lagi ko na syang napapansin.

Paano ba naman, pareho kami ng way ng inuuwian kaya paanong hindi ko sya madalas makita at mapansin.

Malapit na nga akong mag-assume na may crush sya sa akin e.

'Assumerang frog lang 'di ba??'

Haaaayyy!!! Basta ewan!!! Pakiramdam ko may kakaiba kaming koneksyon.

Hindi ko alam kung gusto ko ba syang iwasan o ano!?

"Ang lalim!!" Biglang dating ni Mathrese. Friend kong mas maangas pa sa tomboy. Hehehehe!! Pero may jowa 'yan.

"Hmf! Andyan ka na pala, late ka na naman!" Sita ko sa kanya kahit hindi pa naman talaga sya late.

"Late ka dyan!! Baka 'yong braincells mo 'yong late at parang lumilipad pa sa kung saan!!" Anitong naghahagilap na naman ng mapagti-trip-an.

"Tsk! Ang ingay mo!! Hanap ka nga ng kausap mo!!" Hehehe.. ganto talaga kami magmahalan ni Mathrese, bardagulan.

"Uy! Saan ka pupunta??" Pahabol na tanong nya habang naglalakad na ako palabas ng classroom.

Hindi ko na sya sinagot pa, alam ko namang susunod din sya sa akin, ngunit hindi pa ako nakakalabas ng classroom nang bigla akong napahinto.

Bigla kaseng sumulpot sa harap ko si Leeyo.

Oo! Sya nga!!

Nagkrus na naman ang mga landas namin.

Hehe.. malamang magkaklase kami e kaya paanong hindi araw-araw magkukrus ang mga landas namin!?

Lutang ka ba Brenda!?

Nagkatinginan lang kami saglit at ako na din ang lumihis upang makadaan na sya.

Gentlewoman kase ako e.

Haaayyy!!!

Mabilisang eksena na naman.

"Brenda!!" Malakas na sigaw mula sa kung saan paglingon ko si Fed, short for Frederick, ang bakla kong frenny.

"Sambakol naman 'yang mukha mo, Brenda!?" Anitong umangkla agad sa braso ko.

"Huwag mo nang itanong!" Iyon nalang ang naisagot ko.

"Alam mo, Brenda lately ko pa napapasin 'yang pagtulala mo e. May problema ba??" Tanong din ni Mathrese.

"Meron lang ako ngayon, 'yon lang!" Iyon nalang ang naisagot ko at dumiretso na nga kami sa canteen at nag-almusal.

"Hi Bren!" Bigla namang dating ni Dinno ang aking kababata slash manliligaw.

Last year lang sya umamin sa akin kaya hanggang ngayon ay medyo may ilang pa ako sa kanya.

Sumabay na sya sa aming pagkain buti nalang at nakaorder na kami malamang manlilibre na naman sya.

"Musta ka naman??" Bigla nyang tanong sa akin habang nakangiti ng maamo. Lumabas tuloy ang braces nya sa ngipin at talagang mas naeenhance nito ang natural nitong kagwapuhan.

Sa totoo nyan, tropa kase sya ni Kuya Brandon kaya parang kuya na din talaga ang turing ko sa kanya, kaya nang inamin nya sa akin na nagugustuhan nya daw ako ay parang nag-iba ang tingin ko sa kanya.

At maya-maya nga lang ay biglang napukaw ang atensyon ko ng isang imahe sa pinto sa canteen.

Si Leeyo na naman.

Dumiretso ito sa coffee vendo at doon ay nagdispence ng kape nya at naupo sa isang tabi at tahimik na nagkape.

Mabilis na natapos ang araw na 'yon sa school at uwian na naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIDE &&& SEEKWhere stories live. Discover now