PART 1: TSN

343 20 0
                                    

A/N: 

SETH PICTURE ON THE MULTIMEDIA BOX. = )

[ SETH’s POV]

 “Sir! Sir! Excuse me sir! Sir Teka lang po.”  rinig ko na sigaw ng isang babae hindi naman ako tumitingin hindi naman kasi ako assuming hahahah.

“Sir na nakapula at may suot na body bag!”  teka ako na yun ah! Iba talaga kapag gwapo habulin. Tsk. Itong isa hindi na makapagpigil nagsisisigaw pa.

“Na – na – ku – Sir – bu–ti  na – man at naa–bu–tan ko ka–yo!” hingal na sabi ng isang babae.

Sa tingin ko nasa 16 to 18 years old lang ang batang ito. Hoy! Hindi pa ko matanda 23 palang kaya ako maka “Sir” naman kasi ito.  (=___ =)”

Napangiti na lamang ako ng pilit  dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagkukumahog ang isang ito na lapitan ang napakagwapong nilalang na katulad ko. Ehem.

Hinayaan ko muna na mawala ang pagod niya. Inaya ko siya sa isang bench malapit sa kinaroroonan namin. Nasa plaza kami na katapat lang ng isang simbahan.

[ KEENA’s POV ]

Jusmiyo Marimar! Anak ni Pulgoso!

Grabe ang hingal ko sa paghabol sa taong ito.

Siya ba si Lastikman napakabilis kasi maglakad animo’y tumatakbo o nakalutang ang paa sa ibabaw ng lupa.

Grabe ang bilis talaga. Hindi naman ako hihingalin ng ganito kung hindi siya mabilis maglakad e.

Inaya niya ako sa isang bench dito sa Plaza nauna pa nga akong makarating sa upuan dahil gusto ko talagang makahinga ng mabuti.

“Bakit mo naman ako hinahabol? Ayan at napagod ka pa. Ok ka lang? Gusto mo ng tubig?”  may pag-alalang tanong niya sa akin.

Napailing na lang ako. Masyado ko na siyang naaabala.

“Ako nga po pala si Keena. Sorry po kung nagsisisigaw ako para makuha ang atensyon niyo.”  nahihiyang pahayag ko sa kanya.

 “Hindi po kasi ako makasigaw sa loob ng simbahan, kaya nung paglabas ninyo dali ko kayong hinabol e napakabilis niyo po pala na maglakad sir.” pagpapatuloy ko.

 [ SETH’s POV ]

Aisssh! Ang daldal naman pala nito. Pero ang cute niya sorry siya Taken na ako e.  ^_^v

Ako?? Mabilis maglakad e sabi nga nila pagong daw ako. Maliit lang siguro ang paa nito kaya feeling niya mabilis ako maglakad. Hahaha. Perstaym ko to ah.

“Bakit mo ba ako hinahabol? Sorry miss pero taken na kasi ako e.” sabi ko sabay pakita ng singsing sa kamay ko.

“Ang assuming mo naman pala sir.HAHAHAHAH!” tumatawang sita ng batang ito sa akin.

Anak ng Plorwaks! Napahiya ako dun ah!

Geh! Poker Face na lang para hindi obvious. Tsk!

“Ito po yung dahilan kung bakit ko kayo hinahabol Sir.”  Natatawa niya pa rin na sabi sa akin at ipinakita ang isang notebook.

“Seth na lang.”  poker face na sabi ko. Ayoko magpahalata na napahiya ako no!

“Ah sige po Sir Seth”  nakangiting sabi niya.

Nangaasar ba ‘to? Bahala na nga siya.

“Sir Seth, nakita ko po kasi kayo na idinikit ito kanina doon sa may simbahan” nakangiti niyang sabi habang pinakita ang isang maliit na papel. Matang Lawin pala ang babae na to.

“Nakita mo ako?” poker face pa rin dapat.

“Hindi sir. Baka nakita kita.” Sabi ni kulet.

“Nakita mo nga ako?” poker face pa ulet.

Ay hindi Sir Seth yung pari. Baka yung pari.” pamimilosopo nito sa akin.

Nag “Sir” ka pa namilosopo ka naman.” saad ko.

“Unlimited ka Sir Seth?” tanong nito sa akin.

“NakaPlan ako e. May tatawagan ka?”  tanong ko naman.

“Jusmiyo Marimar! HAHAHAH. Ang slow mo rin no?”  tumatawang asar nito sa akin.

 [ KEENA’s POV ]

Jusmiyo! Saan kaya aabot ang usapan namin na to! Ang gwapo medyo shunga lang. AHAHAHAH!

“Sir Seth” tawag ko sa kanya.

“Oh Marimar?” natatawa nitong sagot.

Corny nito!

“Matagal ko na po kasi kayong hinahanap. Simula po nung nakakuha ako ng ganito.”  sabi ko sabay pakita ng notebook na pinaglagyan at pinagdikitan ko ng lahat ng naipon ko na sticky notes.

Bakas sa mukha nito ang pagkabigla ng makita ang lahat ng naipon ko. Hindi rin maipagkakaila ang lungkot sa mga mata niya.

“Pero kung Seth po ang pangalan niyo ano po yung “A” di’ba dapat “S” ?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

A/N:

Libre to. Alabyou bebe!

Short Story lang to.

Pinapahaba lang ng A/N HAHAHAHAH. ^___^ v

The Sticky Notes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon