Wag ka na magtaka sa bagong mundo
Kung puro hindi na maganda ang nakikita moDahil ito sa mga masasamang tao
Na ang alam ay kasamaan at gulo.
May matitino pa namang natitira
Dahil malakas ang kanilang pananampalataya
Iilan na lang ito
Minsan ka na nga lang makatagpo.
Mahirap na baguhin ang ibang tao
Lalo na sa ayaw ng pagbabago
Mga aral sa kanila'y naglaho
Sa pag-sunod sa Diyos ay hindi desidido.
Bakit tila'y hirap sila dito?
Ano ba ang gusto nyo?
Ang mapunta sa impyerno?
Kung lahat sana marunong sumunod sa mga utos
Sayo'y malulugod ng lubos ang Diyos
At ang mundo'y payapa na at maayos
Gawang masama'y kailangan ng matapos.
BINABASA MO ANG
BAGONG MUNDO
PoetryIto ang tula na babatay sa bagong sistema na ang mundo'y puno na ng masama