Minsan kailangan ko talagang mapag isa kahit na hindi ko kaya.
Kahit labag sa aking kalooban kailangan ko pa ding gawin ito para magbagong buhay at para sa ikabubuti ng sarili ko.
Pinipilit kong kalimutan ang masalimuot na nangyari isang taon na ang nakakalipas pero tila ba nakatatak na yata sa isipan ko yon. Ang pangyayaring palaging napapaginipan ko tuwing gabi.
Sa tuwing napapaginipan ko iyon naalala ko ang isang taong tanging laman ng puso't isipan ko, ang inakala kong kapatid dahil sa kasinungalingan ng mga taong umampon sa amin noong kami'y sampung taong gulang pa lamang.
Di ko akalain na tila ba nawala ng parang bula ang mga alaala namin simula ng nasa orphanage pa kami at yung alaalang sampung taon naming pagkakaibigan . Dahil lamang naaksidente kasi ako noong ako'y labing tatlong gulang , at dahil sa pagka aksidente kong iyon nagkaamnesia ako ,hanggang ngayon dinadala ko pa din ang sakit na ito pero sa tagal naming nagkasama , nakalimot man ang isipan ko hinding hindi makakalimot ang puso at inaamin ko hindi sya nawala sa puso ko.
Sya lang at wala ng iba ang mamahalin ko habang buhay at ngayong unti unti ng bumabalik ang alaala ko tsaka naman siya mawawala sa buhay ko.Ang sakit, sobrang sakit ng puso't damdamin ko ng malaman ko iyon.
Bakit ba nagkaganito ang buhay naming dalawa?
Hindi ito ang pinangarap naming buhay simula pagkabata.
Bakit kailangang mawala siya?
Kung kailan gusto kong makasama siya palayo sa dalawang taong may kasalanan ng pagkasira ng aming buhay na sila din ang may kasalanan kung bakit naghihinagpis ako sa pagkawala ng taong mahal na mahal ko.Gusto kong gumanti sa kanilang dalawa pero hindi ko iyon kayang gawin siguro mas mabuting mabulok na lamang sila sa kulungan habang buhay.
Pero hindi iyon sapat na hustisya para sakin dahil kinuha ko ang lahat ng ari arian nila at ibinenta sa mga taong naging kasyoso nila dati.Ang pera naman na natatanggap ko ay inilaan ko sa gastusin ng orphanage na tinuring na naming tahanan.Yung natira ilalaan ko naman sa sarili ko.
May karapatan akong kunin ang mga iyon dahil matagal na nilang pinagdesisyunan at pinirmahan na sakin lahat mapupunta ang lahat ng kanilang kayamanan.
Sa kabila ng lahat ng nangyari panahon na para magsimula uli, panibagong buhay na wala siya at malayo sa dalawang taong kinasusuklaman ko.
Masakit at ang hirap mabuhay ng magisa pero ito na siguro ang nakatakda para sakin.Gagawin ko ito kahit hindi ko kaya.Tatanggapin ko ito kahit hindi pa ko handa.
Maybe this is the time to change my life.
And...
Maybe it's better to be alone.
Maybe it's better...Author's note:
Hey! this is my first romance story but sad to say this is not a happy ending its a sad love story.
Para maiba naman dahil ito lang ang sineryoso kong gawin dahil nagkaroon ako ng inspirasyon dito <3<3<3. Please read and vote of my story to those who want.Vote and comments:)
God Bless You All:):)
Love Carmie<3<3<3