Chapter 1: Rizza, Rizza, anong meron sa'yo?

37 1 0
                                    

"Sa isang tahimik na lugar, parang feeling ko, nasa heaven ako. Kasi ang sarap sa pakiramdam. Wala kang iniisip na problema, in short, stressed out. Sana nandito na lang ako lagi."

Habang naglalakad si Rizza papunta sa burol, may nakita siyang tao sa tuktok nito at nakadamit na puti. Parang ngayon lang niya nakita yung taong yaon. Umakyat si Rizza sa burol at nandoon pa rin yung lalaki. Nung tatanungin na niya....

"Rizza, hoy rizza..... RIZZA!!"

"ano ba nman yun?!" nagulat na bumangon si Rizza sa pagkakatulog.

Kuya Ren nakakagulat ka naman?! papatayin mo yata ako eh?!"

"Eh anong oras na kasi, 7am na po ng umaga?! malelate ka na!" sinisigaw ng kuya niya.

"WAAAAAAAAAAAAH!!! oo nga... -.- sige sige.."

Agad na bumangon si Rizza para makapagprepare ng pumasok sa school.

Si Rizza ay simpleng babae lang. Hindi siya masyadong matalino pero ok naman yung grades niya. Sa tuwing papasok na lang siya sa school, napapabuntong hininga na lang siya. Lagi siyang binubully ng mga classmates niya dahil daw yung ugali niya ay parang special child. Walang araw na pinalampas yung mga kaklase niya na hindi siya aasarin o pipikunin. Kaya walang siyang confidence sa sarili niya. Kahit na kaya niya mag top 1 sa school, hindi niya magawa dahil nadadala siya sa mga pang aasar.

Nung nakapasok na si Rizza sa classroom nila..

"Hoy mongoloid!" tawag ni Miggy sa kaniya

"ano ba?! kailan niyo pa ko titigilan niyan ha?!" nainis si Rizza

"may assignment ba ngayon sa mga subjects?"

"wala." pumunta na si Rizza sa upuan niya at yumuko.

"Miggy, ano na naman ba yan? Bakit inaway mo na naman si Rizza?" tanong ni Ma'am Nora

"Wala po 'cher." sagot ni Miggy

"kailan pa kaya ako matatahimik sa school na 'to? sa tuwing papasok na lang ako eto lagi ang bungad sa akin. mga walang magawa sa buhay 'tong mga 'to! kaasar!" sabi ni Rizza sa sarili niya.

"Pero, sino kaya yung lalaking nasa burol sa panaginip ko? siya na kaya prince charming ko? hihi. XD" dagdag niya

May mga kaibigan din si Rizza kaso kaunti lang dahil hindi talaga siya mahilig makihalubilo sa mga kaklase niya. Tuwing recess time niya lang nakakasama yung mga kaibigan niya dahil magkaiba sila ng section.

Recess Time. Nagkita si Leigh at si Rizza sa canteen. As usual, malungkot pa rin si Rizza.

"Rizza, ba't ang lungkot mo na naman? pinagtripan ka na naman ba nila?" tanung ni Leigh

"As usual. Hindi naman titigil yang mga yan.. kailan ba tumigil yan eh since grade 3 pa ko ganyan na sila." sagot ni Rizza

"Hayaan mo na lang, huwag mo na lang damdamin." advise ni Leigh kay Rizza

"Nga pala, ipapakita ko sa 'yo yung crush ko. hihi :">" biglang dinukot ni Leigh yung wallet niya at pinakita kay Rizza yung picture ng crush ni Leigh.

"Sino siya? in fairness, cute siya."

"kinikilig aq pag babanggitin ko pa lang yung name niya.. hihi.. :">"

"Teka, parang taga rito 'yan sa school natin ahh?"

"Oo, siya si Fei. 2nd year student. Gwapo niya kasi eh!" biglang tapik ni Leigh kay Rizza

"Grabe ka naman makatapik oh?! Gusto mo na yata ako lumipad eh.. >_<"

"Sorry Rizza, kinikilig kasi ako eh! hahaha XD"

"Huwag mo ko idamay. hahaha.. nga pala, meh napanaginipan ako."

"ano yun?" tanong ni Leigh

"Nasa isang place ako na parang gubat na may burol. Nung makita ko yung burol, may nakita akong lalaki. Nung tatanungin ko... bigla na kong ginising ni kuya?! nakakainis... >__<"

"Eh baka si Jam naman yun? Hindi kaya? Ayieeeee! "

"Tigilan mo nga ako.. imposible yun noh?! And for your information, si Zieanne kaya mahal nun ni Jam!"

"Baka lang naman.. pero parang may ibig sabhin yan ahh... baka manligaw sa sa'yo! AYIEEE! XD"

"Grabe ang ingay mo! pag may nakarinig, issue na naman. tapos ano? aawayin na naman ako ni Jam dahil jan. Kinasusuklam nga ako ng taong yun nung nalaman niyang crush ko siya eh. Badtrip! makabalik na nga sa room ko, time na." at umalis na si Rizza sa canteen.

"Rizza, wait lang, meh praktis tayo bukas sa banda ha..." Sigaw ni Leigh

"Ok dowkie!"

Bumalik na si Rizza sa room niya. Naiisip pa rin ni Rizza kung sino yung lalaki sa panaginip niya. Hindi na nakaconcentrate hanggang sa natapos ang klase niya sa maghapon. Parang kinikilig na ewan si Rizza nung pauwi at halos nagsasalita na ng mag-isa.

Sabado ng umaga ay may praktis ang banda dahil malapit na ang competition. Ang school band nila ang defending champion sa marching band competition kaya todo ensayo sila para maidepensa nila ang pagiging champion nila. Sa school band nila, walang nang aasar kay Rizza kaya medyo ok lang siya dun.

Hanggang sa mga oras na 'yon ay iniisip pa rin ni Rizza kung sino yung lalaking nasa burol nung panaginip niya. Napansin ni Abby na tulala si Rizza kaya kinausap niya ito.

"Rizza, may problema ka ba?" tanong ni Abby

"Ahmm.. wala naman, may naiisip lang ako."

"ahhh... c Jam noh?! XD"

"Naku, hindi ahh... grabe naman... >__<"

"Sus, tanggi mo pa.."

"Hindi nga?! >__<"

"Sige na nga.. hindi ko nga ipipilit. Teka, kilala mo ba yung taong yun? " tinuro ni Abby kay Rizza si Fei.

"Alam ko lang ung name niya pero hindi ko siya kilala literally" sabi ni Rizza

"Alam mo bang suplado yan?"

"Ha?! bakit naman?"

[this will be continue in chapter 2. I hope you enjoy the first Chapter :)]

The Forgotten MemoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon