1.
"EXCITED NA ako!"
Nilingon ko siya at pinitik sa kanyang noo.
"Aray!" daing niya at hinimas ang parte ng kanyang noo na pinitik ko.
"Para saan 'yon?" nakangiwing tanong niya habang hinihimas pa rin ang noo niya.
Ganoon ba talaga kasakit ang pagkapitik ko sa noo niya?
Ibinalik ko nalang ang paningin ko sa librong binabasa ko.
"Baliw ka kasi."
"Ha? Ano bang baliw ang pinagsasabi mo?"
Naiinis kong isinara ang makapal na libro na binabasa ko at tumingin sa kanya. "Adik ka ba, Corrine?"
"Hindi naman. Hindi naman kasi ako nagd-droga eh. Matinong tao ako uy!"
Naihilamos ko ang aking mga kamay sa mukha ko.
Ano ba namang babae 'to, oo! Good luck nalang talaga sa mapapangasawa nitong babaeng 'to.
"Gusto mo ng pitik ulit sa noo ha, Corrine?"
Nanlaki naman ang mga mata niya at agad na tinakpan ang kanyang noo gamit ang kanyang mga kamay.
Napabuntong-hininga nalang ako. Nakita ko namang dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga kamay.
"Ang sakit mo sa bangs, Hazeline, alam mo 'yon?"
Napakunot ako ng noo. Anong bangs ba ang pinagsasabi nito?
"Bakit may bangs ka?"
"Oo, bakit may angal ka?" nakataas ang kaliwang kilay niyang tanong.
Minsan iniisip ko kung may sakit ba 'to sa pag-iisip dahil ang bilis magbago ng mood eh.
"Ewan ko sa'yo, Corrine. Punta ka nalang ng mental," sabi ko at ibinuklat ulit ang librong binabasa ko kanina at nagpatuloy sa pagbabasa.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paglapit niya ng kanyang inuupan sa pwesto ko.
"Ano ba kasi 'yang pinuputok ng butsi mo?"
Hinarap ko naman siya. "Eh kasi naman, Rinn, adik ka ba?--"
"Hindi nga sabi eh."
"Patapusin mo nga kaya muna ako, pwede?!"
Napatawa naman siya. Sarap sapukin ng isang 'to eh.
"Oo na, oo na. Chill, Haze. Masyadong mainit ang ulo mo. Masyado ring baliktad sa pangalan mo."
Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang daldal ng babaeng 'to. Grabe.
Napataas naman niya ang dalawa niyang nga kamay na parang sumusuko. "Eto na. Mananahimik na, Senyora," nakataas ang dalang kamay na sabi niya.
Tumikhim ako. "Kasi naman, Rinn, bakit ka ba naeexcite diyan? Excited ka ng mag-exam? Adik ka ba? Sinong matinong tao ang maeexcite na magtake ng exam? Isa pa, ikaw 'yung klase ng tao na hindi mahilig sa exams. Ni hindi ka nga nag-aral kagabi eh. Nababaliw ka na ba, Rinn? Sabihin mo lang, dadalhin agad kita sa mental hospital."
Inirapan niya ako. "Bakit ba? Walang basagan ng trip, Haze. Isa pa, last exam na natin 'to bilang mga estudyante kaya nae-excite na talaga ako! Matatapos na rin sa wakas!"
"Tsaka, tumingin ka nga sa brighter side, Haze. Masyado kang nega diyan. Masyado ka ring nagpapastress. Kaya hindi sumasaya ang mga tao eh. Masyado silang nagpapa-alipin sa mga bagay na panandalian lamang," napa-iling-iling na sabi niya.
Inirolyo ko lang ang aking mga mata at ibinalik sa libro ang aking atensyon. "Ewan ko sa'yo, Corrine. Mag-aral ka na nga."
"Hmp. Ewan ko rin sa'yo Haze. At isa pa, hindi ako nababaliw noh kaya thank you nalang sa concern at offer, but no thanks, hindi ako pupunta doon."

YOU ARE READING
To Keep
Ficción GeneralIn this world where everything is temporary, how would you make your life last?