CHAPTER 4

46 1 1
                                    

Matapos ang hapunan at ligpitin ang pinagkainan nila ay inilabas naman ni Manong Kanor ang dala nitong lambanog, chicharong bulaklak at mani. Napaisip sya kasi parang alam ni Manong Kanor na darating si Zack.

Tumayo sya para mag-CR sandali. Nang hawakan ni Zack ang kamay nya.

"Where are you going?"

"Need to pee, sama ka?" napapangiting biro nya dito.

"Pwede ba?" sakay naman nito na nang ngumiti ay muntik nang tumunaw sa puso nya.

"Asa ka pa," at tinalikuran nya ito.

Matapos mag-CR ay inabangan sya ni Lucy sa labas.

"I think he likes you," anito at sinabayan sya pabalik.

"I think you have some storytelling to do, about the legend of this man named Van," at umikot ang mata nito. Na ikinatawa nya nang sobra, at least may maitutukso na rin sya rito ngayon.

Nang makaupo ulit ay sinalinan sya ni Mang Kanor ng lambanog.

"Naku, ito na lang pong mani ang kakainin ko," tanggi nya.

"Sige na Mia, uminom na nga ako. At mabuti na rin 'yung paminsan-minsan ay may alcohol intake ka at 'di lang puro gatas." tukso ni Lucy.

"Baka naman ayaw mong payagan Zack?" tanong ni Aling Martha dito.

Tinitigan sya ni Zack, "Kung ayaw mo talaga okay lang naman," at ngumiti ito, "I'll just make sure to serve you a glass of milk before you sleep tonight, baby ka pa eh," at saka bumulong sa kanya "Scaredy cat."

Naningkit ang mga mata nya at bumulong din, "Alam mo hindi kita papatulan kasi mukhang lasing ka na."

Natawa pa ito at bumulong, "I don't get drunk easily sweetheart, that was just two shots," ang sarap sa pandinig ang endearment nito sa kanya, "Ikaw lang naman ang inaalala ko, baka one shot lang ay tumba ka na,"

Tumaas ang kilay nya, "Ah talaga? Watch me then," at mabilis na kinuha sa mesa ang basong sinalinan ni Mang Kanor na para sa kanya at inisang lagok 'yun. Dahil sa naramdamang hapdi sa lalamunan ay napa-ubo sya.

Pinagtawanan naman sya nina Zack at Lucy. Hinagod ni Zack ang likod nya at pinainom sya ng tubig. "Ayan kasi, sabi nang gatas na lang," biro nito.

Inismiran nya ito. "Nabigla lang naman ako 'no!"

At muli ay humingi sya ng isa pang shot kay Mang Kanor, para lang patunayang kahit hindi sya sanay ay hindi din sya basta basta na matutumba.

Hinawakan nya ang baywang ni Mia para makaakyat ito sa truck nang bigla itong pumiksi.

"'Wag mo kasi akong hawakan dyan, nakikiliti ako!" at itinulak sya nito.

She was already drunk, dahil lang sa gusto nitong patunayan na matibay ito ay napadami ang shot nito ng lambanog. Kahit nga sinasaway na nya ito ay tinatabing nito ang kamay nya. Nagreklamo pa ito nang maubos na ang dalawang bote ng lambanog na bili ni Mang Kanor.

He was smiling half the time because no matter what Mia did, he just found it cute and amusing. Actually gusto nga nya itong makitang malasing kaya nya ito inasar dahil gusto nyang makita ang iba pang side nito. He wasn't expecting to see a wild side pero mas nakikita kasi ang totoong kulay ng isang babae pag lasing sila. And this method was tried and tested.

Pero para lang itong mas naging childish, every act nito ay parang sa isang bata na madaling matawa at magtampo 'pag hindi nasunod ang gusto. At pagnguso lang ang panlaban nito.

At ayaw pa nitong sumama sa kanya pauwi, muntik na nga silang mabuko ng mag-asawa nang masabi nitong 'wag na daw syang magpanggap. Mabuti ay kinuha ni Lucy ang atensyon ng mga magulang. He knew that Mia already told Lucy the whole story. Hindi rin maingay si Mia kahit lasing, she only talks when asked tulad nang 'pag normal ito. Ayaw na ayaw lang ata nitong hinahawakan dahil kundi sya natatampal ay itinutulak naman sya.

Behind His Hazel EyesWhere stories live. Discover now