Chapter 7: Dog and Cat

15 1 0
                                    

Paulo's POV

.
Kung hindi naman na pala mahal ni Dee si Ian bakit nya pa iiyakan yung tao na yun.
Sabi nga nila.

.

Bakit mo iiyakan kung pwede mo naman palitan.

.

Ashhh !!! tama na nga.. pasok nalang ako para my maasar na ako este may matutunan na ako.

.

"Uyy!! bakit ngayon ka lang Paulo?"

.

"Bakit Dee namiss mo na agad ako.?"
Pang aasar ko. hehe.

.

"Ang kapal mo ahh, bakit naman kita mamimiss UNGGOY."

.

ha, ako daw unggoy , mas muka pa nga akong tao kesa sa kanya ehh.

.

"Unggoy mo muka mo"

.

"Wag ka nga, muka ka naman talagang unggoy ehh."

.

"Ehh kumusta naman yang sayo mukang aso na may lahing pusa."

.

HAHAHAHA!!! mukang napikon na yata tong kasama ko ehh.
buti nalang dumating na yung teacher namin, kaya tumahimik na kami ni Dee.

.

Nakakapag taka lang kasi mukang ang tahimik ng klase namin ngayon di kagaya ng dati na sobrang ingay.

.

Biglang nagsalita yung teacher namin about dun sa buisness project namin kaya maghanap nalang daw kami ng buisness partners namin after closing period ng school year nato kasi requirements daw yun para sa susunod na school year.

.

"Huyyy!!! unggoy sino partner mo sa buisness project natin?"

.

"Wala pa ehh, matagal pa naman yan nevermind nalang muna, tska before closing period pa naman yun ASONG PUSA."

.

"Anung asong pusa, baka ikaw , unggoy."

.

"Sa gwapo kong to naturingan akong unggoy wow ahh."

.

"WOW ang kapal naman, naririnig mo ba sinasabi mo PAULO DELA FUENTE?"

.

"Oo naman syempre, may mali ba sa sinabi ko DEE REYES."

.

Natahimik nalang kami pareho. Kasi kanina pa kami nag aasaran, lunch time na pala.

.

"Tara, lunch na tayo."

.

"Hindi ako gutom, ikaw nalang hintayin kita dito."
Wow ahh, ngayon lang yata hindi nagutom si Dee himala ahh.

.

Habang papunta ako sa canteen dinumog nanaman ako ng mga tao aba naman ganun na ba talaga kalakas yung karisma ng gwapong tulad ko.

.

Napatingin ako sa bandang kaliwa kasi may kanina pa may tumitingin sakin dun.

.

Pagtingin ko, sila nanaman di ba sila nagsasawa na buwisitin ako.

.

Ahh siguro naiinggit sila kasi mas sikat na ako sa kanila, dati kasi sila yung dinudumog pero akalain mo nga naman na simula nung dumating ako, ako na yung idol nila.

.

Gwapo effect lang yan.

.

Kanina pa masama yung tingin sakin ng boyband group na yan akala mo naman sikat, ehh mas sikat pa nga ako sa kanila. Halata ba.  whahaha..

.

Pagkatapos ko kumain bumalik na ako sa room ko, di pa man ako nakakalayo may sumusunod sakin na lalake. Di ko namalayan nasa likod ko na sila agad. Tska ako hinila at hinarap sa kanila, aba bastos tong mga to ahh..

.

"hoyy ikaw hindi porket sumikat ka na ehh magyayabang kana. Tandaan mo kami yung sikat na boyband dito."

Teka inaano ko ba sila??

"Alam nyo rin ba na sikat ako dito at ako lang naman yung sikat na badboy dito, BADBOY KING."

.

May biglang sumigaw, nung narinig nila yun, bigla akong binitawan ng tatlong ugok na to yung pagkakahawak nila sa damit ko.

.

"Hoy, anu ba nangyayari dito?"

"Pagsabihan mo tong boyfriend mo Dee, bastos ehh."

.

Ako pa ngayon bastos ahh. Grabe naman tong mga to, pasalamat kayo nandito si Dee kung wala, kanina pa kayo bugbog sarado sakin.

.

"Totoo ba Dee, boyfriend mo na to?"
Natigilan si Dee, tinignan nya muna ako bago nya sinagot yung kuya Jay nya.

.

"Oo kuya, boyfriend ko sya kaya pwede ba kung yun yung issue nyo dun, tigilan nyo na sya lalong lalo kana Ian."

Tinignan ko si Ian sa mata nya halatang na guilty sya sa ginawa nya.

.

"Tara na Paulo, bago ka pa saktan ng mga yan."
Nagulat ako sa sinabi nya di ko aakalaing masasabi nya yun sa harap mismo ng boyband group at sa harap ng kuya nya.

.

Ang angas talaga ng tomboy na to, aakalain mo ba naman na magagawa nya yon.

.

Hinila nya ako hanggang makarating kami sa room namin.

.

"Ikaw, anu bang gulo yang ginagawa mo.?"

Hah!! gulo agad sila kaya nauna, ako ba may kasalanan.

"Wala akong ginawa Dee."

"Anung wala ehh kitang kita ko nakikipag away ka sa mga yun."

"Sila naman nag umpisa Dee alangan naman na magpatalo ako, naturingan akong badboy king pero yung mga ugok na yun hindi ko kayang labanan."

Natigilan si Dee sa sinabi ko.
Mukang galit pa yata sakin.

.

"Hoy Dee, bakit mo ba sinabi sa kanila na boyfriend mo ako.?"

Napatingin sya sakin.

"Kung hindi ko sinabi yun malamang bugbog kana sa mga yun."

Haha!! ako bugbog sa kanila, baka sila pa mabugbog sakin. Pero panu naman sya nakakasiguro na hindi ako gugulpihin ng mga yun pag sinabi nyang boyfriend nya ako.

.

"Bakit mo naman nasabi na di nila ako gugulpihin kung sakaling girlfriend nga kita"

Lumapit sya sakin yung malapit na malapit ramdam ko na nga hininga nya sa sobrang lapit ehh.

"Alam mo wag ka na masyadong pakipot ahh basta sakayan mo na lang yung mga sinabi ko kesa naman mag inarte ka pa."

Lumayo na sya sakin.
Habang sinasabi nya yun, nakatitig lang ako sa kanya di ko nga naintindihan sinabi nya ehh.
Ang ganda naman pala talaga nya pero sayang kasi tomboy sya.

My Girlfriend Is A BoyishWhere stories live. Discover now