Katie's POV
Hindi ko alam kung ano 'tong napasukan kong gulo.
Mabait na tao naman ako, wala naman akong kaaway; hindi nga ako mahilig makipagkaibigan sa kung kani-kanino lang. Focused kasi ako sa school dahil kailan gana kong matapos kung gusto kong maging maayos ang buhay ko after college.
Pero, hindi sa kamalas-malasan pa, dahil sa sitwasyon ko ngayon, naisip ko ang mga katagang Katie Santiago. May you rest in peace.
Sana totoo na lang yon. Hindi naman sa gusto ko nang mamatay dahil ang bata ko pa at marami pa 'kong gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko lang 'yong parang mag-e-evaporate lang ako sa mundong 'to hanggang sa mawala na ang pesteng dumidikit sa buhay mo.
Mas gusto ko naman mangyari 'yon kesa maging ''personal slave'' ako ni Mr. Montemayor!
First of all, we live in modern times. Tinuro 'yon sa 'kin ng nanay ko na ang mga babae, hindi dapat inaalipin o nagpapaalipin sa kahit na sino.
I mean, malaking kasalanan na ba yung accidentally na nadumihan ko ang polo ni Declan dahil natabig ako ng babaeng kaaway ko?! Nadulas kasi ako habang nanonood kami ng play sa university, tapos lumipad yung kinakain kong spaghetti sa kanya. Pero sige na, kasalanan ko na! Kung kasi sakin yun, maasar din ako. Pero di ba? Nag-sorry naman ako e. Nakakainis! Feeling ko papahirapan talaga ako ng lalaking yon. Dito sa Reid University or RU, siya ang pinakasikat, at pinakamayaman. Paano naman kasi, pamilya niya kasi ang may-ari ng RU kaya habulin ng babae although hindi niya ine-entertain. MVP din siya ng swim team, basketball player, commercial model, lahat na! Kailangan yata marami kang alam gawin kapag ikaw ang tagapagmana nang isang multi-million peso company. Pero sa totoo lang, isa syang mayabang, maangas, lokoloko, at bad boy! Kasi lagi siyang nagpapaiyak ng babae, nanununtok ng lalaki, nangaasar ng professor, tapos... FEELING GWAPO PA SIYA (kahit gwapo naman talaga siya)!
Argh, nakakairita talaga! Oo ako na ang affected! Kasi alam ko ang mga tipong katulad niya. Fake people! Hindi naa-appreciate ang bawat blessing na dumadaan sa kanila dahil sanay na sila sa gano'ng buhay! Tapos nakakairita pa, dahil lumapit siya sakin pagkatapos ko matapon ang spaghetti sa kanya. Take note nakangiti pa siya nang parang asar sa nangyari. Nakakaasar naman talaga, pero di ko naman sinasadya.
"Uy, sorry. Nadulas kasi ako di ko sinasadya. Promise!" Sabi ko na medyo kinakabahan pa.
Lumapit siya sakin habang tinatanggal ang spaghetti sa polo niya at palinga-linga sa paligid. Wala na namang tao dahil umalis na ang mga bruhang tumulak sakin habang tumatawa. Thank God, kasi nakakahiya. Baka may nai-video pa ang kaengotan at kapalpakan ko.
"What's your name?" tanong niya.
"Katie Santiago. Bakit?"
"Anong course? And what's your block?"
Bakit niya ba taanong nang tanong? Okay, medyo self-conscious ako. Ang sabog pa naman ng itsura ko ngayon!
"Business Administration major in Marketing Management. Fourth year, block 1. Bakit? Sorry talaga..."
"Give me your bank account details." Ano raw?
"Don't talk to me like that. Since you did this to me." Sabay turn sa polo niya, "You need to pay for it."
"Pay for it?"
"It's worth 200,000 pesos."
"Two hundred thousand pesos?!"
"So you better pay for it. Kakasuot ko lang ng polo na 'to for the first. Tsk. Sayang naman."
" Paano kung wala akong pambayad, anong gagawin ko?
"Well you'll be my slave"
"What!?!?"
Panuyan magiging slave ako, no way!! Pero wala naman akong pambayad, well I just accept the fact na magiging slave ako.....Author's note
This is my first time to write a story
Please kung magagalit kayo sa grammar ko or about sa story just leave.
Sorry if I'm no updating because of my study😊😊
Please vote and comment...
YOU ARE READING
His Personal Slave
FanficHindi naman kasalanan ni Katie Lustre Kung Bakit natapunan niya ng spaghetti ang polo ni Declan Reid, pinakagwapo't mayaman (at mayabang) na lalaki sa university nila. But she has to pay the price literally and it's a hefty P200,000.00 Dahil wala...