Chapter 10: Wedding gown and ring

77 9 1
                                    


Umuwi akong luhaan at miserable ako na siguro ang pinaka malungkot na ikakasal eveeeer~ dapat ang kasal ang pinaka masayang araw ng isang babae PERO bakit ganito ang nangyare sakin HUHUHU

Masama siguro ako nung past life ko huhuhu "ELLIE!" Sigaw sakin ng isang babae halos mabasag na ang ear drums ko sa tinis ng boses ni Joycie eh

"Joycie naman aatakihin ako sayo eh!" Sabi ko sa kanya at pumunta naman ako sa kinaroroonan niya

Nasa tapat ngayon siya ng gate at nag seselfie -_- selfie queen siya wag na natin basagin ang trip niya sa mundo

"Eh kasi naman girl ang lungkot lungkot mo wag ka na kasi sumimangot sayang ang beauty mo" Sabi niya sabay hampas sa braso ko. Ito talaga si joyce napaka amazona laging nanghahampas

Tuwing mag kikwento sakin nahampas eh "Joycie kasi hindi ko na keribells to huhuhu" Pag dadrama ko sa kanya at bigla naman kumunot ang noo niya

"Aber bakit naman? Andami mo talagang dama ellie" Tapos hinampas nanaman ako sa balikat pag ako napikon dito kay joycie sasapukin ko na talaga to eh pasalamat siya kaibigan ko siya

"Ikakasal na kasi ako" Malungkot kong saad at bigla naman siyang nag takip ng bibig

"OH MY GOSH! INUNAHAN MO PA AKO BAKLA KA! Sino ba yan ah? Naku nako! Yare yan sa tatay at mga kapatid mo" Patalon talon pa si joycie habang sinasabi yun

Parang uod na binuhusan ng asin eh parang siya pa ang ikakasal "Hays kay LAZARUS LIONEL lang naman" Nakatungo kong saad tapos bigla nalang niya ako hinawakan sa mag kabilang pisnge

"Ayy!! True lala ba yan?! Ay taray mo yung nabingwit mo FAFA gusto mo ako nalang ang magpakasal? Kaso may fafa Steven na ako eh" Kung pwede nga lang si joycie nalang ang ipakasal ko kay lazarus kaso may boyfriend na nga pala siya

Si steven yung so hot niyang basketball player na boyfriend buti pa sila masaya na akala ko nga mag papakasal na sila eh

"Bakit nga ba di pa kayo nag papakasal ni steven?" Tanong ko sa kanya pano ba naman kasi

7 years na sila -_- tapos hindi pa sila nag papakasal tapos ako dito ikakasal na sa taong mga ilang linggo ko lang nakasama take note salot pa sa buhay ko yung papakasalanan ko -_-

"Hay nako bakla nag aantay nalang ako mag propose siya kaso bakla ayaw niya daw sa commitment eh" Bigla naman kumunot ang noo ko anong dama nito ni steven?

Atsaka parang kanina lang ako yung nag dadrama ah? Itong si joycie kala mo walang problema pero meron din pala siya

"Nako joycie baka naman may iba na yan si steven mo ah? O siya papasok na ako at mahaba haba pa ang sasabihin ko kela kuya" Sabi ko sa kanya pero may sinabi pa siya

"May naisip ako girl! Ako nalang ang mag popropose kay steven baby loves ko! Sige na pasok na babyeeee see you tomorrow" Pag sabi niya nun ay pumasok na ako sa loob ito na ang simula

Sinalubong ako nila Cassandra at Sandra at nag bow sila sakin kinuha ang bag ko

"Good evening ma'am" Bati nila sakin napansin ko wala na yung mga gamit namin yung mga sofa,paintings, table, ref, cabinets lahat wala na parang bagong lipat lang kami sa lugar na ito

"Asan ang mga gamit? At bakit kayo nalang ni manang ang nandito pati na din si manong guard bakit kayo nalang ang natira?" Tanong ko sa kanila at si Cassandra ang nag salita

"Umalis na sila kasama ang mga gamit nila dahil daw wala ng maisesweldo sa kanila kaya aalis nalang daw sila" nakatungong sabi ni Cassandra

THE DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon