Chapter 13: Family Problem

58 4 3
                                    


A/N: Ito po ay kadugtong ng chapter 11 please enjoy ^_^

----------------------------------------------------------------------------------

Pumasok naman ako at nakita ko sila kuya at zy na may kanya kanyang ice bag at pinapalamig ang mga pasa nila

"Ayan kasi feeling niyo si john wick kayo" Natatawang saad ko sa kanila hindi ko nagawa ang plano ko na hindi sila kausapin

Mahal ko kasi ang mga kapatid ko at hindi ko talaga sila matiis

"If lazarus didn't show up hindi mo padin kami papansinin little sis" Sabi ni kuya law habang ginagamot ang sarili

"Is there's nothing we can do to stop your fvcking wedding?" Iritadong tanong ni zyrille saakin habang ginagamot din ang sarili

"Wala na okay? Basta ineexpect ko kayo umattend sa kasal ko at sa family dinner natin with the lionel" Napaayos sila ng umupo hanggang ngayon ganyan padin ang reaksyon nila pag naririnig ang apelyido na 'lionel'

"Ellieyah you know that dad is not going to attend any of those events, sino ang mag hahatid sayo sa altar?" Saad ni kuya at naisip ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi talaga pupunta si dad at di ko na siya pipilitin pa baka kung ano pa ang mangyare kay dad

"Pleaseee pumunta kayo kahit sa kasal ko lang kailangan ko kayo doon para may panghugutan ako ng lakas" Paki-usap ko sa kanila pero sabay pa silang bumuntong hininga

"How can't we say 'no to you?" Sabi ni kuya Lawrence at umupo ako sa pagitan nila at inakbayan sila

"Im so blessed na kayo ang mga kapatid ko, I love you both and it will never chance" At nag group hug kaming tatlo

Saturday (Lionel Residence)

Awa ng diyos at nakarating kaming ligtas sa mansion ng mga lionel

Buti nalang at kasama ko ang mga gwapo kong kapatid dito sa kanila dahil eneexpect nila ang pamilya ko. Nandyan kaya si luther? Pero tatawag naman siya saakin kung nakarating siya eh

Bakit ba ako kinakabahan?

Makikita mo lang naman ang nag pahirap sa pamilya mo gaga sabat ng kabilang parte ng utak ko

"Are you nervous?" Tanong saakin ni zyrille at tumango naman ako sa kanya para hindi siya mag alala saakin

"Just be yourself and don't try to please them, they'll love you for who you are" Sabi saakin ni zyrille at kumindat saakin

"Come on lumabas na tayo para matapos na ito agad" Sabi ni kuya lawence at lumabas na sa pwesto niya simunod naman agad zyrille

Nandito padin ako sa loob at ayaw ko na ata lumabas tumingin ako sa salamin para tignan kung presentable ba ako tignan

I'm just wearing a off shoulder dress at floral ito

Nag lagay lang ako ng pink na lip stick nag eye liner din ako at nag kilay

Nag suot ako ng kulay puti na heels

Nakukulangan ako sa suot ko feeling ko hindi nila ito magugustuhan! Bakit ba ako nag kakaganito?

Napatigil ako sa pag mumuni muni ng buksan ni kuya Lawrence ang pinto "You look pretty okay? Come on let's get inside" Pag sabi ni kuya law nun ay nilahad niya ang kamay niya saakin at tinaggap ko ito

Sabay kaming tatlo na nag lakad sa pinto ng mansion at sinalubong kami ni Alicia

"Ate ellieyah nandito na pala kayo please come in" Sabi ni Alicia ang ganda niya talaga she is wearing a black fitted dress kitang kita ang magaganda niyang kurba na inggit tuloy ako huhhuhu

THE DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon